Kabanata 67: Puno ng Buhay

68 5 0
                                    

"Amihan bakit gising kapa? Hindi ba daoat ay nag papahinga ka na din?" Tanong ni Danaya ng tumabi ito sa kanyang Nakatatandang Kapatid. "Nag tataka lamang Ako Danaya" Sambit ni Amihan ng kumunot ang Noo ni Danaya.

"Nag tataka saan?" Tanong nito habang Nakatingin kay Amihan, "Kung sino ang Kapatid ni Cassiopeia? At bakit hindi natin sya nakikilala?" Sambit ni Amihan ng Tingnan Lamang sya ni Danaya.

"Hindi ko den masasagot ang tanong mo Amihan, dahil kataka taka nga kung paano nag karoon ng Kapatid ang ating Sinaunang Diwata" Sambit ni Danaya ng ilayo nya ang tingin sa kanyang Kapatid. "Pero kailangan na nating mag pahinga dahil sabi ni Nakba ay May kalayuan ang Puno ng Buhay dito" Sambit ni Danaya ng Tumango naman si Amihan saka bumalik sa Kubol na kanilang pinag papahingahan.

_______

"Raquim?" Agad na Tanong ni Lira ng marinig nya ang Ngalan ng lalaking masa harapan nya. "Ano't Tila di ka naniniwala" Natatawang Sambit ni Raquim ng iwanan sila ni Asval na mag kakasama.

"Isang Tagahanga lamang ang aking Pinsan" Sambit ni Mira ng Hilahin nya sa kanyang Tabi ang kanyang Pinsan. "Sandali ang sabi nyo ay hinahanap nyo ang inying mga Magulang, ano ba ang ngalan nila baka kilala ko sila" Sambit ni Raquim ng mag katinginan ang dalawa.

"Si Amihan at Ybrahim po" Sagot ni Lira ng mag liwanag naman  Ang mukha ni Raquim. "Kayo pala ang sinasabi ni Amihan na kanyang Anak na Hinahanap nya" Sambit ni Raquim ng Mag katinginan ang mag Pinsan.

"Kilala nyo po si Amihan?" Tanong ni Mira ng Tumango si Raquim, "Pinatuloy namin sya sa Sapiro ilang araw lang ang nakakaraan ngunit umalis din sya kasama ng kanyang mga kapatid at Asawa upang ipag patuloy daw ang kanilang Misyon" Sambit ni Raquim ng mapangiti ang Dalawang Muntng Sanggre.

"Avisala Eshma Po Rehav Raquim napaka laki ng inyong Tulong" Sambit ni Lira ng kanyang Yakapin ang Rehav sa Kanyang Harapan. Nag tataka man ay Ginantihan ni Raquim ang oag yakap sakanya ng Paskit na Sanggre dahil na din sa Kakaibang Pakiramdam nya dito.

"Kung Nais nyo silang Hanapin, maaring nasa Kuta sila ng mga Diwata sa Timog ng Encantadia" Sambit ni Raquim ng Tumango ang Dalawa. "Salamat po ulet" Sambit ni Mira saka nila iniwan si Raquim sa Kagubatan habang Nakangiti nitong pjnag mamasdan ang dalawang Diwata.

______

"Avisala Eshma Banak at Nakba sa myli nyong pag tulong saamin" Sambit ni Alena habang nag lalakad sila patungo sa Puno ng Buhay. "Nako walang Anuman mga Diwata, sa totoo lang ay malaki ang utang na loob namin sainyo sapagkat kung hindi dahil sainyo lalo sigurong manliliit ang tingin ng mga Diwata sa sarili nila" Sagot ni Banak habang nag lalakad sila sa Kagubatan.

"Kakatwa no, Iba iba kayo ng ugali nyong mag kakapatid" Bulong ni Nakba kay Amihat at Alena habang Nakatingin kay Danaya at Pirena na halata ang inis sa kanilang mga mukha.

"Parang hindi kayo pare parehas ng Magulang" Natatawang saad ni Nakba ng mag katinginan si Amihan at Alena. "Yun ay Sapagkat ibaiba kami ng Ama" Sambit ni Alena ng Mapatingin si Banak at Nakba sakanila.

"Paanong nangyari yon?" Nag tatakang tanong ni Banak sa Mag kapatid. "Iba kasi ang Kaugalian sa Aming Pook, Ang Pinuno ng aming Lahi ay isang Babae, at ang babaeng iyon ang hindi maaring mag karoon ng Asawa at para mag karoon ng Tagapagmana ang aming lahi ay Pumipili si Emre ng Lalaking magiging Ama ng kanyang magiging Anak at kami bilang anak ng dating Reyna ay Iba iba aming Ama" Paliwanag ni Amihan ng Tumango ang Dalawang Encantado.

"Tunay na kakaiba ang inyong paniniwala" Sambit ni Banak ng Tumango naman ang mag kapatid.

_______

"Nasaan kaya ang mga Sanggre?" Tanong ni Azulan habang nag papatuloy sila sa pag lalakad sa Kagubatan. "Hindi ko alam ngunit sana ay maging ligtas sila" Sambit ni Ybrahim ng Mapansin nito ang dalawang Pamilyar na nilalang.

"Lira? Mira?" Tanong ni Ybrahim ng mapatingin ang Dalawang kasama nya sa tinitingnan nya. "Ang Dalawang Munting Sanggre nga" Sambit ni Aquil ng mag lakad sila papalapit sa dalawa.

"Lira! Mira!" Pag tawag ni Ybrahim sa kanyang Anak at Hadiya ng mapalingon ito sakanila. "Itay" Sambit ni Lira ng Tumakbo it papalapit sa kanyang Ama upang Yakapin ito.

"Salamat kay Emre at Nakita na namin ang isa sainyo" Sambit ni Mira ng Yakapin din sya ni Ybrahim. "Anong ginagawa nyo ditong dalawa? Masyadong Delikado dito" Sambit ni Ybrahim ng bumitaw sya s apag kakayakap sa anak anakan.

"Itay hindi namin ginusto sumunod sainyo pero kailangan namin, dahil unti unting nag lalaho ang mga Diwata at haligi ng Lireo eto ang solusyon na naisip ni lolo imaw para hindi kami madamay sa mga Diwatang Nawawala" Pag papaliwanag nya sa kanyang Ama.

"Aldo, Nasaan sina Ina?" Tanong ni Mira ng mag katinginan ang tatlong Encantado. "hindi rin namin alam sapagkat nag kahiwa hiwalay kami" Sambit ni Ybrahim ng Mapabuntong hininga nalang din si Mira.

"Tay buhay si Lolo Raquim" Sambit ni Lira ng Mapangiti si Ybrahim, "Oo Anak alam ko, nakilala ba din namin sya ng iyong Ina Dito" Sagot ni Ybrahim ng mapangiti si Lira.

_________

"Andito na tayo mga Diwata" Sambit ni Banak ng tumigil sila sa Tapat ng Puno ng Buhay. "Nasaan ang nag babantay?" Tanong ni Danaya habang nililibot ang tingin sa paligid.

"Avisala mga Sanggre" Pag bati nv isang Kakaibang Anyong Encantado ng mag pakita ito sakanila. "Evades" Nakangiting Sambit ni Alena ng Tumango ito, "Kilala nyo kami?" Nag tatakang Tanong ni Pirena ng tumango ito.

"Kanina ko pa kayo iniintay dumating, sapagkat pinag bilin kayo saakin ni Emre" Sambit ni Evades ng mag katinginan ang magkakapatid. "Maari na kayong Pumili ng inying napiling Bunga, ngunit tandaan nyo na ang lahat ng ito ay may kaakinat na swerte at kamalasan" Babala ni Evades sa mag kakapatid.

"Nakapili na kami" Sambit ni Alena ng Tumango di Evades saka Pinitas ng mag kakapatid ang Bunga na kanilang Napili. "Gabayan nawa kayo ni Emre sa inying napiling Bunga" Sambit ni Evades ng Kagatin ng mag kakapatid ang Bunga ng Puno ng buhay.

Ng unti unting binalot ng ilaw ang kanilang mga katawan. Hanggang sa bumalik sila sa kanilang mga tunay na Anyo.

____________________________________

Nag balik na sila sa tunay na anyo nila, ngunit ano satingin ang kaakibat ng bungang napili nila? Swerte o kamalasan? Abangan!

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon