Kabanata 5: Pag Kikita ng mga Heran at Sanggre

116 7 0
                                    

"Amihan, ayos ka lang?" Nag tatakang Tanong ni Danaya ng makita nya ang pang hihinang nangyari sa kanyang Nakatatandang Kapatid.

"Masama ba ang pakiramdam mo Mahal ko?" Tanong ni Ybrahim ng Umiling si Amihan.

"Ayos lang ako, Tayo na at Pasukin ang Kaharian na iyan" Sambit ni Amihan kaya't Tumango ang Kanyang Mga kasama at Umalis gamit ang Ivictus.

"Anong Klaseng Kaharian Ito?" Nag tatakang Tanong ni Pirena, ng makita nya ang isang Pamilyar na Simbolong naka ukit sa pader ng Kahariang ito.

"Ahas" Mahinang Sambit ni Pirena, "Etheria" Bulong ni Pirena ng mapag tanto nya kung nasaan sila.

"Tayo ay Nasa Etheria" Sambit ni Pirena ng Tingnan sya ng kanyang nga kasama.

"Etheria? Pirena matagal ng Gumuho ang Kaharian ng Etheria" Sambit ni Danaya ng Lumabas ang Apat na Hera sa kanilang Harapan.

"Avisala Mga Diwata" Naka ngising Bati ni Avria, "sino ka?" Tanong ni Alena habang nakatutok sa mga ito ang kanilang sandata.

"Hindi ba dapat ako ang nag tatanong nyan, anong ginagawa nyo sa aming kaharian" Sambit ni Avria ng Kumunot ang Noo ni Alena.

"Ako Ang Hara ng Hathoria" Sambit ni Pirena dahilan Upang Mapangisi si Avria.

"Ahh ang mga Anak Pala ni Minea" Sambit ni Andorra ng Lapitan sila ni Avria.

"Pirena, Alena, Danaya at Amihan" Pag iisa isa ni Avria dahilan upang Mapakunot ang Noo ng mga Sanggre.

"At kayo sino kayong dalawa?" Tanong ni Avria sa Dalawang Lalaking kasama nila.

"Ako ang Rama ng Sapiro" pag papakilala ni Ybrahim sa kanyang Sarili.

"Mashna Durie ng Lireo" Sambit ni Aquil ng Tumango si Avria.

"Ngayon kmi naman ang sagutin mo, Sino ka at Anong Kaharian ito?" Tanong ni Amihan ng mag tawanan ang apat na Heran.

"Hindi nyo kami Kilala?" Tanong ni Juvila ng Titigan sya ng mga Ito.

"Ako ang Reyna nv Encantadia" pag papakilala ni Avria sa kanyang Sarili dahilan para Matawa si Danaya.

"Nag bibiro kaba?" Tanong ni Danaya ng mawala ang Ngiti sa mukha ni Avria.

"Ako ng Reyna ng Encantadia" Sambit ni Danaya na ikinainis ni Avria.

"Kung ako sainyo ay Umalis na kayo, sapagkat nag aagaw buhay ang Inyong Munting Prinsesa Dahil Sa pag sugod ng aking Mga Alagad" Sambit ni Avria ng Manlaki ang Mata ni Amihan.

"Anong Sinsabi mo?" Tanong ni Amihan ng Tumawa si Avria at itinaas ang Kanyang Tungkod at dito ipinakita kung paano sinaksak ni Asval ang kanyang Anak.

"Pashnea!" sigaw ni Amihan ng umatake sya kay Avria, ngunit agad na ginamit ni Andorra ang kanyang Kapangyarihan kaya tila Nanigas ang Katawan ni Amihan.

"Umatake ka sa iying mga Kapatid" Sambit ni Andorra ng humarap sa kanyang mga kapatid si Amihan at doon Umatake.

"Pashnea Amihan!" Sambit ni Pirena ng ihampas ni Danaya ang Kanyang Sandata kay Amihan.

"Anong Ginagawa mo Mahal ko?" Tanong ni Ybrahim habang patuloy na sinusugod ni Amihan ang mga ito.

"Hindi makakapalag ang Diwatang Ito gamit ang aking Kapangyarihan" Sambit ni Andorra dahilan upang mag tawanan ang mga Etherian.

"Pashnea" Sigaw ni Cassiopeia ng Dumating ito sa Kaharian ng Etheria, Agad nyang sinamo ang kanyang Sandata at Hinampas kay Andorra dahilan uoang Maputol ang pag Kontrol nya kay Amihan.

"Mata" Gulat na Sambit ni Alena ng Makita nila si Cassiopeia, "Umalis na kayo" Sambit ni Cassiopeia kaya agad nilang Dinaluhan si Amihan na Walang Malay Na hawak hawak ni Ybrahim.

Gamit ang Brilyante ng Lupa, Nag laho silang Lahat pabalik ng Lireo.

__________

"Anong Nangyari?" Nag tatakang Tanong ni Amihan ng Mag mulat sya sa bisig ni Ybrahim, "ano't Nasa Lireo na tayo?" Tanong ni Amihan.

"At bakit napakasakit ng aking katawan?" Tanong muli nito ng Tingnan nila si Danaya.

"Mahabang Salaysayin aking Apwe" Sagot ni Danaya ng Dumating si Muros aa Punong Bulwagan.

"Mahal Na Reyna, mabuti at narito na kayo ang Diwani Almira" Sambit ni Muros ng maalala ni Amihan ang Sinambit sakanila kanina ni Avria.

"Nasaan siya?" Tanong ni Amihan sa Mashna, "sa Silid ni Sanggre Lira at Mira Kasalukuyan syang nilalapatan ng paunanh lunas ng Sanggre Lira" Paliwanag ni Muros ng agad na nag tungo doon si Amihan, na agad namang sinundan ng kanyang Asawa at nga kapatid.

"Almira" Sambit ni Amihan ng Dumating sila Sa Silid ng mga Sanggre. "Anong Nangyari sakanya?" Tanong ni Alena sa Dalawang Sanggre.

"Sinaktan po sya nina Asval Kanina" Sagot ni Lira ng Kumunot ang Noo ni Pirena, "Asval?" Tanong ni Pirena ng Tumango si Lira.

"Sinugod nila ang Sapiro kanina, Si Asval, Gurna, kasama si Lilasari at ang isang Lalaking hindi namin Kilala" Sambit ni Mira ng ilabas ni Danaya ang Kanyang Brilyante.

"Brilyante Ng Lupa, dinggin mo ang aking hiling pabilisin mo ang pag hilom ng sugat ng aking Hadiya" Sambit ni Danaya ng mag ilaw ang kanyang Brilyante tanda ng pag gana nito.

"Avisala Eshma Danaya" Sambit ni Amihan ng Tumabi ito sa kanyang Anak, "Sainyo din Lira at Mira, tunay nga na may dugo kayong nga Sanggre" Sambit ni Amihan dahialn para mapangiti sina Lira at Mira.

__________

"Ang Sarap maging Sanggre No Lira?" Sambit ni Mira habang nag lalakad sila ng kanyang Pinsan patungo sa Asotea.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Nag tatakang tanong ni Lira ng Harapin sya ng kanyang Pinsan.

"Sapagkat Nakatulong tayo sa mga Encantadong nangangailangan, Tapos Yung mga papuring natanggap natin sa tuwing Binabati nila tayo" Sambit Ni Mira ng Mapangiti ang kanyang Pinsan.

"May point ka naman, masarap nga Nakatanggap ng magagandang Papuri lalo na kapag galing saating nga Magulang" Sambit ni Lira ng Makarating sila sa Asotea.

"Eh bakit parang di ka masaya?" Tanong ni Mira ng mapabuntong hininga si Lira,

"Na Realize ko lang kasi na, hindi pala kagaya ng ineexpect ko dati ang Encantadia" Sambit ni Lira ng Mapakunot ang Noo ng kanyang Pinsan.

"Kasi Dati nung Bata paako, Nung sa Mundo ng mga tao pako nakatira kasama sina Itay at tita Aliana. Lagi nilang sinasabi saakin na Napakaganda at Napakasaya manirahan sa Encantadia, kaya nung dumating ako dito Up until now Nakaka Dissapoint na walang pinag iba ang Encantadia sa Mundo ng mga tao" Paliwanag ni Lira ng Mawala ang Ngiti sa mukha ni Mira.

"Na mimiss ko lang din yung buhay ko dati nung nasa mundo pa kami ng mga tao, Kasi kahit magulo doon Ramdam ko na Ligtas ako, na May nag aalala para saakin, kasi ngayon parang obligasyon na natin na protektahan yung iba" Dagdag pa ni Lira.

"Obligasyon natin yon bilang mga Tagapagmana ng ating mga Magulang at mga Ashti" Sambit ni Mira ng Mapangiti si Lira ng Mapait.

"So hindi tayo pwedeng maging Masaya?" tanong ni Lira nv iwan nya ng may pag tataka ang kanyang Pinsan sa Asotea ng Lireo.

"Anong Problema non?" Tanong ni Mira sa Kanyang Sarili.

_____________________________________

Ano nga kayang Problema ni Lira? At saan nanggaling si Cassiopeia? Anong susunod na hakbang ni Avria sa nga Diwata? Abangan!

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon