"Ano't nag mamadaling umalis si Cassiopeia ng matalo natin ang mga Vedalje?" Tanong ni Pirena habang Umiinom ito ng Alak. "Hindi ko din alam ngunit hindi maganda ang Pakiramdam ko Pirena" Sagot ni Amihan ng Dalihan sya ng kanyang Asawa.
"Hindi kaya may nangyaring Masama sa Kapade?" Tanong ni Pirena ng tumayo si Danyaa mula sa kanyang Trono. "Wag naman Sana Hara Pirena" Sagot ni Danaya ng makaramdam si Amihan ng isang kakaibang Hangjn na parang yumayakap sakanya.
"Lira" Bulong nya ng bigla nyang hawakan ang Kwintas na sumisimbolo sa kanyang Tatlong Anak. "Binanggit mo ang Ngalan ni Lira Amihan" Sambit ni Alena ng Tumango si Amihan.
"Tila nakaramdam ako ng Hangin na Yumayakap saakin Alena" Sagot ni Amihan sa kanyang Kapatid. "Marahil ay Nangungulila lamang sayo si Lira" Sagot ni Danaya, "Sana nga Danaya" Sagot nya ng tingnan nya ang Asawa na may pangamba sa kanyang Mata.
____
"Lira" Sambit ni Cassiopeia ng ibinaba ni Paopao ang Katawan ng nasawing Sanggre Sa Lupa. "Sino ang may Gawa nito Imaw?" Tanong ni Cassiopeia sa Adamyan. "Ang mga Etherian Cassiopeia, sinugod nila kami dito" Sagot nya ng tingnan sya ng masama ni Mira.
"Kasalanan mo ito Cassiopeia, Hindi masasawi ang aking Pinsan kung hindi mo nilagyan ng Pananggalang ang Kapade!" Sigaw ni Mira habang hawak hawak nya ang kamay ng kanyang Pinsan.
"Hindi mamatay si Lira kung hindi mo kami iniwan dito" Umijyak na Sambit ni Mira.
"Emre bakit mo Hinayaang Masaktan ng mga Vedalje ang Sanggre ng Lireo?"Tanong ni Cassiopeia sa kanyang Sarili habang Gulat nyang pinagmamasdan ang Katawan ng Diwani.
"Avisala Meiste Sanggre Lira" Bulong nya ng Pimatak ang mga Luha nya.
"Gilas!" Sigaw ni Luna ng Dalihan nya ang Kanyang walang buhay ng Kaibigan."Gilas Gumising ka!" Sigaw ni Kuna habang kinakaskas ang kanyang Kaibigan. "Bakit mo kami pinabayaan Hara Durie?" Tanong ni Ariana kay Cassiopeia ng mapayuko ito."Bakit mo Hinayaang Mapaslang sina Lira at Gilas?" Tanong ni Ariana ng hindi sya tingnan ni Cassiopeia.
"Paano mo Sasabihin sa mga Sanggre Ang pag panaw ng Tagapagmana ng Trono ng Lireo Cassiopeia?" Tanong ni Imaw sa Hara Durie. "Hindi ko alam Imaw" Sagot ni Cassiopeia habang pinupunasan ang kanyang mga Luha.
_____
"Mga Sanggre" Sambit ni Cassiopeia ng Dumating sya sa Lireo, agad na lumapit ang mag kakapatid sakanya ng sya ay makita ng mga ito. "Cassiopeia ano't bigla ka nalang nawala?" Nag aalalang tanong ni Pirena.
"May nangyari sa aking Isla" Sagot nya ng Tila mawala ang lakas sa katawan ni Amihan. "Ang aking Anak? Si Mira ayos lamang ba sila?" Tanong ni Amihan ng tumungo si Cassiopeia habnag pinipigilan ang kanyang mga Luha.
"Sumagot ka Cassiopeia! Ayos lang ba sina Lira at Mira?!" Sigaw ni Amihan ng itaas ni Cassiopeia ang kanyang Dalawang kamay At doon kumabas ang Liwanag.
"Mira" tila natanggalan ng Tinik sa lalamunan si Pirena ng makita nya ang kanyang Anak na ligtas. Agad nyang Tinakbuhan ang kanyang nag iisang anak at niyakap ito.
"Muyak mabuti at maayos lamang kayo" Sambit ni Alena ng maita nya sina Muyak, Paopao at Mira na mag kakasama.
"Bakit kayo Umiiyak?" Tanong ni Ybrahim sa kanyang Hadiya. "Nasaan si Lira?" Nanghihinang tanong ni Amihan ng Tuluyan ng bumagsak ang mga Luha ni Cassiopeia.
"Cassiopeia Sumagot ka nasaan si Lira?!" Sigaw ni Amihan ng ilabas ni Cassiopeia ang Bangkay nina Lira at Gilas kasama si Ariana at Luna.
"Lira!" Agad na Dinaluhan nina Alena at Danaya ang Kanilang Hadiya na walang Buhay sa Sahig ng Lireo. "Lira" Bulong ni Amihan ng ma istatw sya sa kanyang Kinatatayuan ng makita ang kanyang Walang buhay na anak.
BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasiMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...