Kabanata 55: Lagusan pabalik ng Nakaraan

96 10 0
                                    

"Amihan" Bulong ni Ybrahim ng Mapalingon ang kanyang Asawa, "Ano't tahimik ka?" Tanong ni Ybrahim ng lumapit ito sa kanyang Asawa. "Naalala ko lamang si Cassandra" Sambit ni Amihan ng Mapangiti si Ybrahim.

"Kay Tagal natin syang Inasam makasama ngunit kay Bilis din naman syang Kinuha saatin ng Bathala" Sambit ni Amihan ng Mapabuntong hininga ito. "Anong saysay ng pakikipag digma natin kung ang sarili natin anak ay hindi natin Na protektahan?" Tanong ni Amihan ng hawakan ni Ybrahim ang kanyang Mga Kamay.

"Alam kong masakit ang saiyo ang pag kawala ni Cassandra, ganon din naman saakin ngunit kailangan nating tandaan na Hindi lamang tayo ang nasasaktan sapagkat May ibang nilalang na nagluluksa din sa Nilalang na nawalan ng kanilang Minamahal sa Buhay" Saad ni Ybrahim ng Tumango si Amihan.

"Kailangan nating maging Malakas para sa mga Nilalang na Umaasa satin" Sambit ni Ybrahim ng Yakapin sya ni Amihan. "Anong gagawin ko kung wala ka Ybrahim?" Tanong ni Amihan ng Mapangiti si Ybrahim.

"Kahit kailan ay hinding hindi mangyayari ang mahihiwalay ako sayo Amihan Pangako yan" Sambit ni Amihan ng higpitan nya pa ang pag kakayakap sa Kanyang Asawa.

"Aysus kaya naman Pala nawawala kayo sa Party eh" Sambit ni Lira ng Dumating ito sa Asotea ng Sapiro kasama ang Kaniyang Pinsan. "Bakit nandito po kayo? Diba po dapat nasa baba kayo?" Tanong ni Lira ng tingnan ni Ybrahim ang kanyang Asawa.

"Nag uusap lamang kami Anak" Nakangiting sagot ni Amihan, "Ay hinahanap na po kayo ng mga Bisita, hindi po Kumpleto ang Independence Day 2.0 kung wala kayo" Nakangiting Sambit ni Lira ng mag katinginan ang sina Mira dahil sa Sinambit ni Lira.

"Independence Day?" Nag tatakang tanong ni Mira sa Kanyang Pinsan. "Araw ng kalayaan, Hello?" Naka taas na kilay na sagot ni Lira na ikinatawa ni Amihan at Ybrahim.

"Tara na nga at mag balik na tayo don" Sambit ni Amihan ng tumango ang Tatlo saka sila sabay sabay na bumalik sa Pag titipon.

________

"Ina Bakit hindi ako maaring sumama sa mga nag titipon?" Tanong ni Almira Habang inaayos ni Amihan ang Higaan ng Anak. "Sapagkat Malalim na ang Gabi at Kailangan mo nang mag pahinga" Paliwanag ni Amihan ng Kumunot ang Noo ng kanyang Anak.

"Eh Bakit sina Ate Lira at Ate Mira pwede sumama?" Tanong ni Almira ng kumutan sya ni Amihan. "Sapagkat hindi na Bata ang Iyong Mga Kapatid" Sagot ni Amihan ng Kumunot nuli ang Noo ng Paslit.

"Eh hindi na naman po ako Bata eh" Nakangusong Sambit ni Almira ng halikan sya ni Amihan. "Manang Mana ka Talaga sa Iyong Ama" Nakangiting Sambit ni Amihan sa kanyang Anak.

"Mag pahinga ka na" Saad ni Amihan ng Bumangon si Almira, "Wag nyopo akong Iwanan mag isa" Sambit ni Almira ng Kumunot naman ang Noo ni Amihan sa pag tataka.

"Wag kang matakot Almira, Wala ng makakapanakit saiyo dito" Paninigurado ni Amihan ng Umiling si Almira. "May lalaki, Nakikita ko sya Tuwing Gabi May dala dala syang Espada sumusulpot sya sa aking silid kapag gabi ang Sabi nya ay kukunin nya ako"May takot sa Tinig ni Almira habang nag sasabi sa Ina.

"Almira, hindi Maganda ang mag sinungaling, hindi ka maaring mag palipas ng Gabi matulog kana" Sambit ni Amihan ng Tingnan sya ni Almira, "ina Totoo po ang sinasabi ko" Sambit ni Almira ng Umiling si Amihan dahil sa tingin nya ang nag sisinungaling lamang ito.

"Humiga kana, Babantayan kita Hanggang sa makatulog ka" Sambit ni Amihan kaya wala ng nagawa pa si Almira kung hindi bumalik sa Pag kakahiga. "E Correi Diu Aking Prinsesa" Sambit ni Amihan ng Halikan nya ang Noo ni Almira bago ipikit ng Paslit ang kanyang mga Mata.

________

"Bessy matanong nga kita" Sambit ni Lira ng mapatingin sakanya ang Kanyang Pinsan. "Ano nanaman iyon?" Tanong ni Mira ng I jrong ni lira ang tingin ng kanyang Pinsan kay Pirena at Azulan.

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon