Unti unting minulat ni Amihan ang kanyang mga Mata sa isang Madilim na Lugar. Masakit ang kanyang Ulo na tila ba sya ay tinamaan ng isang napakalakas na Kapangyarihan.
"Nasaan ako?" Tanong nya za kanyang Sarili ng maoag tanto nya na naka gapos ang kanyang Kamay.
"Tulong!" Sigaw nya ng mag bukas ang isang Pintuan dahilan uoang magkaroon ng Kaunting Liwanag sa kanyang Piitan.
"Huwag kang Masyadong Maingay Diwata" Utos kay Amihan ng isang pamilyar na Mukha.
"Lilasari? Ikaw ba iyan?" Nag tatakang Tanong ni Amihan ng Mapakunot ang noo ni Lilasari.
"Kilala mo ako?" Nag tatakang Tanong nito, ngunit hindi pa din makapaniwala si Amihan na nakikita nya ang diwatang minsan na nilang naging kaaway at Kapanalig na ngayon ay kasamang muli ng mga kaaway.
"Kaya Pala kay tagal mong nawala, pumanig kana pala sa Mga Etherian" Sambit ni Amihan ng lalong ipinag taka ni Lilasari.
"Anong pinag sasasabi mo Diwata?!" Galit na Tanong ni Lilasari, "Paanong nakikilala mo ako?" Tanong nj Lilasari Ngunit hindi rin maintindihan ni Amihan ang mga nangyayari.
"Paanong nakikilala mo ako?" Tanong muli ni Lilasari. "Sapagkat ikaw ay minsan ng pumanig saaming mga Diwata noong panahong binawi namin ang Lireo sa iyong dating Asawa na si Hagorn" Sagit ni Amihan ng Mapakunot si Lilasari.
"Hindi ko maalala ang iyong Sinambit" Bulong ni Lilasari, "Kung ganon ay maari kitang tulungan para maalala mo ito" Sambit ni Amihan ng Pumasok sa Piitan si Andora.
"Sheda! Wag kang makinig sa sinasabi nya Lilasari" Utos nito ng Mapatingin sakanya ang Dalawang Diwata. "Hindi mo ba naaalala ang Sinambit ni Bathalumang Ether? Na mga tuso ang nga Anak ni Minea" Sambit ni Andora ng bumalik kay Amihan ang Tingin ni Lilasari.
"Lilasari Huwag kang Maniwala sakanila" Sambit ni Amihan ng Sampalin sya ni Andorra, "Tumahimim ka kung Nais mo pang mabuhay ng Matagal" Sigaw nito ng hawakan nya ang bisig ni Lilasari.
"Tayo na" Sambit ni Andora saka hinila paalis ng Piitan ang Nag tatakang si Lilasari.
"Panginoong Emre, Parang awa nyo na Pakawalan nyo ako dito hindi maaring Mag tagumpay ang mga Etherian sakanilang mga Plano" Hiling ni Amihan habang pinipilit nyang Tanggalin ang kanyang mga gapos.
____________
"Ahh Inay" Mahinang Pag tawag ni Lira kay 'Amihan' na Ngayon ay Nakatingin sa malayo. "Inay?" Sambit nito muli ngunit hindi oa din nalingon si 'Amihan'
"Inay!" Sigaw nito ng hawakan nya ang balikat ni 'Amihan' dahilan uoang Mapalingon ito. "Bakit hindi kayo nalingon Nay?" Tanong ni Lira ng Makalimutan ni Odessa ang Pag Papanggap nya.
"Ahhhh May iniisip lang" Sagot nito ng mapangiti si Lira. "Si Cassandra yan no" Nakangiting Sambit ni Lira ng Mapakunot ang Nok nya. "Cassandra?" Tanong ni 'Amihan'.
"Oo Nay si Cassandra? Bakit parang di nyo naman sya kilala?" Nag tatakang Sambit ni Lira habang Iniisip pa din ni Odessa kung sino ang Cassandra na Tinutukoy nito.
"Seryoso kayo Nay? Hindi nyo naalala si Cassandra?" Tanong ni Lira ng hindi na malaman ni Odessa ang kanyang isasagot sa Sanggre.
"M-marami lamang akong iniisip, Mauuna naako" Nag mamadaling Sambit niti saka iniwan si Lira na nag tataka sa Asotea.
"Ikaw ba talaga Yan Inay? Kung ikaw nga yan ano't Nakalimutan mo ang sarili mong anak?" Tanong ni Lira sa Kanyang Sarili habang pinag mamasdan nito si Amihan na nag lalakad papalayo.
_____________
"Luna!" Panggugulat ni Gilas sa kanyang Kaibigan dahilan upang mahampas nya ito. "Aray ko naman!" Daing nito ng mapakamot sa Ulo si Luna.
"Bakit ka kasi sumusulpot bigla bigla?" Tanong nito ng ngumiti si Gilas, "eh Kasi Seryosong Seryoso ka dyan eh, ano ba tinitingnan mo?" Tanong nito ng ituro ni Luna ang Kaharian ng Lireo.
"Ang Lireo?" Tanong nito ng Tumango si Luna, "May kutob naako noong bata pa tayo na hindi ako tunay na Nymfas, at ngayon na nakit ako na angtunay na wangis ng mga Diwata nakakasigurado ako na hindi nga ako isang Nymfas" Sambit ni Luna ng Kumunot ang Noo ni Gilas.
"Luna ayan ka nanaman eh" Panimula nito ng ngumiti si Luna, "Hindi natin sila pupuntahan" Sambit ni Gilas ng Lumapit ito sakanya.
"Pero, Gilas malay mo ang mga Diwata na pala ang Sagot sa aking mga Katanungan" Sambit ni Luna ng Umiling si Gilas. "Luna ang Kulit mo talaga" Napakamot ulo nalang si Gilas.
"tinitingnan konlang naman sila eh" pag dadahilan neto, "hindi mo ko madadala sa ganyan mo Luna, maski pag hinga mo alam ko" Sambit nito ng mapabuntong Hininga si Luna.
"Nung mga Bata pa tayo, lagi akong nanaginip ng isang Pangyayari kung saan kasama ko ang Isang Nilalang at pinapanood naming bumagsak ang mga Diwata" Panimula ni Luna ng ibalik nya ang tingin sa Lireo.
"Noon ay nag tataka ako kung bakit ko ito napanaginipan, Pero ngayon napaisip ako na baka kayo ko napapanaginipan ang mga Diwata Noon ay dahil isa Ako sakanila" Sambit ni Luna ng Tingnan ni Gilas ang Lireo.
"Hindi ako naniniwala Na isa kang Diwata Luna" Sambit ni Gilas ng mabaling sakanya ang Tingin ni Luna.
"Gilas naririnig mo ba ang sarili mo?" Tanong ni Luna ng Tingnan nya ang kanyang Sarili. "Tingnan mo nga ako Gilas, Wala akong marka ng mga Nymfas, wala din akong mahabang Tenga kagaya nyo" Sambit ni Luna habang pinapakita sakanya ang kanyang Balat at Tenga.
"Pero hindi ba sabi ni Nana Helgad na Pinag lihi ka sa Makinis na buwan kaya ang Iyong balat ay Makinis din? At kinagat ng isang argona ang iyong tenga kaya ito maliit?" Tanong ni Gilas ng Mapairao nalang sa Inis si Luna.
"Gilas naman! Mukha bang Kinagat ng Argona ang tenga ko diba Hindi?!" Naiinis na Tanong ni Luna ng mapatawa si Gilas.
"Napaka Mainitin talaga ng Ulo mo, Kanino kaba nag mana?" Pabiro nitong Tanong ng mapatingin sakanya si Luna, ng Mapansin nya ang pag kakamali sa kanyang Sinabi.
"Poltre" Nakakamot sa Ulong Sambit ni Gilas. "Kaya hindi Ako naniniwalang isa Akong Nymfas" Buntong hiningang Sambit ni Luna At Muling binalinga ng Tingin sa Maliwanag na Kaharian ng Lireo.
____________________________________
Bihag ng Mga Etherian ang tunay na Amihan, at Tila nag dududa na ang mga Diwata sa Pag papanggap ni Odessa malaman na kaya nila ang Katotohanan? Abangan!
BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasyMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...