Kabanata 53: Etheria Laban sa Lireo

86 8 0
                                    

"Mga Tagapangalaga Ano't Pinapatawag nyo kami?" Nag aalalang tanong ni Danaya ng dumating sila sa Asotea ng Lireo. "Ang Buwan Ashti" Sambit ni Lira ng agad agad na dumu gaw sa Asotea ang Hara ng mga Diwata.

"Kagila gilalas" Sambit ni Azulan habang pinag manasdan ang Buwan. "Hindi ba't huli itong naganap ng Mamatay si Hagorn?" Tanong ni Mira ng mag katinginan ang mga Hara.

"Mga Sanggre! Mga Sanggre!" Nag mamadaling Sambit ni Wantuk ng Dumating ito sa Asotea. "Bakit Wantuk?" Tanong ni Amihan sa Kanilang Kaibigang Mandirigma.

"Ang Etheria, narinig ko sa kanila na sila ay mag tutungo sa Dalampasigan upang Sugurin ang lireo at ang Encantadia" Nag aalalang Sambit ni Wantuk, "Mahal na Reyna, Totoo ang Sinabi ni Wantuk nakita na sila ng mga Lambana" Sambit ni Muyak na kakatapos lamang kumausap sa Lambana.

"Muros !" Sigaw ni Danaya ng Lumapit ang mashna ng Lireo, "ihanda mo ang Hukbo ng Lireo sasalubungin natin ang Etheria" Utos ni Danaya ng agad agad na umalis si Muros.

"Danaya, mag tutungo muna ako sa Hathoria upang ihanda ang Aming hukbo" Sambit ni Pirena ng tumango si Danaya. "Pupuntahan ko si Ybrahim sa Sapiro, sasabihin ko sakanila ang magaganap" Saad ni Amihan ng tumango ang Hara ng mga Diwata.

"Mga Tagapangalaga, kayo ay mag handa na din" Utos ni Alena ng Tumango ang mga ito at agad agad na umalis sa Asotea.

"Mahal na Hara ako ay nangangamba" Sambit ni Alena nv Tumingin sakanya si Danaya, "bakit?" Tanong ni Danaya. "Paano kung nandoon si Ina? At hindi natin sya malabanan?" Tanong ni alena ng humugot ng malalim na hininga si Danaya.

"Wala kang dapat ipag alala Edea, magiging maayos na ang lahat malapit na" Paninigurado ni Danaya da kanyang Kapatid. "At matatapos na din ang iyong pag hihirap, Hindi ko na hahayaang masaktan pang muli ang iyong Puso Mahal kong Kapatid" Sambit ni Alena na ikinagulat ni Danaya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nag tatakang tanong ni Danaya sa kanyang Nakatatandang Kapatid. "Wala Danaya" sagot ji Alena ng yakapin nya ng mahigpit si Danaya.

______

"Hara Avria tila nakatunog ang mga Diwata sa iyong Plano" Sambit ni asval Ng makita nila ang Panig ng mga Diwata sa Kabilang Dako ng Dalampasigan. "Mabuti naman ng saganon ay hindi na tayo lalayo pa ng patutunguhan" Sambit ni Avria ng tingnan nya si Minea na pinag mamasdan ang apt na mag kakapatid.

"Minea!" Sigaw ni Avria ng Lumapit sakanya anv Kanyang anak. "Bakit Hara?" Tanong ni Minea ng isaglit nya ang tingin sa Kabilang Dako na nag aabang ng kanilang unang bakbang.

"Nais kong ikaw ang tumapos ng buhay ng Hara Amihan" Sambit ni Avria ng Kumunot ang mga Noo ni Minea. "bakit sya?" Tanong ni Minea.

"Sapagkat sya ay Magiging Sagabal saating Plano" Mariing Paliwanag ni Avria ng Tumango si Minea kahit pa may alinlangan sya sa kanyang puso.

"Nasa panig ngang muli ng kalaban si Ina" Nanghihinang saad ni Alena. "Huwag kang mag alala Alena, Mababawi din natin ang ating ina" Sambit ni Amihan Ng Ngumiti si Alena.

"Sana nga Hara, Sana nga" Mahinang bulong ni Alena ng Mag Paputok sa Kalangitan tanda ng pag uumpisa ng Digmaan.

"Ivo Live Lireo!" Sigaw ni Danaya habamg nakataas ang bandera ng Lireo, "Ivo Live Hathoria!" Sigaw naman ni Pirena habang nakataas ang Bandila ng Hathoria. "Ivo live Sapiro!"  Ang syang digaw ni Rama Ybrahim habang nakataas ang Bandila ng Sapiro, "Ivo Live Adamya!" Sigaw ni Alena ng itaas ang Bandila ng Adamya.

"Ivo Live Encantadia!" Sigaw ni Amihan ng Ipatama nila ang Isang Nag babagang Bato mula sa Tirador na Pinatama ng mga Diwata.

"Atayde Etheria!" Sigaw ng nasa panig ng Etheria ng mag simulang ang Madugong digmaan sa Encantadia.
Unti unting pinapabagsak ng mga Tagapangalaga ang mga Vedaljeng sumasalubong sakanila.

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon