Kabanata 74: arksha

94 7 7
                                    

"Ano't Tila Tahimik ka Amihan? Kanina pa kita napapansin na balisa Mula ng Kausapin mo si Cassiopeia" Sambit ni Alena ng Lumapit sya sa kanyang Kapatid na ngayon ay nasa Silid Sambahan ng Sapiro. "Wala Alena may Iniisip lang" Sagot ni Alena habang kaniyang iniiwasan ang tingin sakanya ng kanyang Kapatid.

"Amihan, Hindi mo matatago saakin ang iying nararamdaman, Ano ba ang bumabagabag Saiyo?" Tanong ni Alena ng Muling maalala ni Amihan ang Sinabi sakanya ni Cassiopeia.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Amihan. "Ikaw ang Nakatakdang Tumapos sa Masamang Bathala" Sagot ni Cassiopeia na Ikinagulat ni Amihan. "Ngunit, Mahihirapan ka Sapagkat may kapalit ang Pag Bawi mo sa kanyang Buhay" Pag papatuloy nito ng Mapatingin si Amihan sa kanyang Mga kasama.

"Ano ang Kapalit nito Cassiopeia?" Bulong ni Amihan sa Kanilang Ninunong Diwata. "Kailangan mong i alay ang iyong Sariling Buhay" Sagot ni Cassiopeia ng Agad na bawiin ni Amihan ang kanyang Palad.

"Amihan? Sumagot ka naman Edea" Sambit ni Alena ng Tumulo anv Luha ni Amihan. "Alam ko na kung paano natin matatalo si Ether" Sambit ni Amihan habang kanyang pinipigilan ang Tuluyang pag buhos ng Kanyang Luha.

"Talaga?! paano?" Masayang Tanong ni Alena ng Mapansin nya ang pag pipigil ng Luha ni Amihan. "Kailangan kong i alay ang Buhay ko" Emosyonal na Sagot ni Amihan ng tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga Luha.

"Ano? Amihan Hindi! Hindi pwedeng mangyari yon!" Pag tutol ni Alena ng hawakan nya ang Kamay ng kanyang Kapatid. "Ngunit Yun lamang ang paraan upang matalo natin sya Alena" Umiiyak na Sambit ni Amihan ng bumagsak ang mga luha ni Alena.

"Pero Hindi mo kami Pwedeng Iwan, Paano si Ybrahim ang mga Anak mo? Paano kami nina Pirena Paano Ako Amihan? Kailangan kita" Umiiyak na Sambit ni Alena ng Ngumiti si Amihan. "Gagawin ko ito para sainyo, Ng saganon ay Mabuhay kayo sa Isang Payapang Mundo" Bulong ni Amihan habang Pinupunsan ang Luha ni Alena.

"Amihan Wag" Bulong ni Alena ng Ngumiti si Amihan. "Magiging Ayos ang Lahat kapag Nawala naako Alena"  Sambit ni Amihan ng kanyang Yakapin ang Kanyang Kapatid.

"Amihan Hindi mo ako Maaring Iwan" Bulong ni Alena ng Makaramdam ng kakaibang sakit si Amihan mula sa Kanyang Sinapupunan ng Biglang mav ilaw ang Kamay ng Bathalang nasa kanilang Harapan gayon na din ang Palad ni Amihan.

"Amihan ang Iyong Palad" Sambit ni Alena ng Buksan ni Amihan ang Kanyang Palad kung saan lumabas ang isang Kulay asul na simbulo.

"Amihan ang Iyong Palad" Sambit ni Alena ng Buksan ni Amihan ang Kanyang Palad kung saan lumabas ang isang Kulay asul na simbulo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Amihan nag dadalang Diwata ka" Gukat na Sambit ni Alena habang Nakatingin ito sa Tanda sa Palad ng Kapatid. "Amihan?" Tanong ni Ybrahim ng Dumating it kasama si Armea.

"Mahabaging Emre, Nag dadalang Diwata ang Iyong Asawa" Gulat na Sambit ni Armea ng mapangiti ito ng tumingin kay Amihan at Ybrahim. "Binabati ko kayong Dalawa" Sambit ni Armea ng tingnan naman ni Amihan si Alena ng Puno ng Takot.

"Mahal na Reyna Andito si Rama Meno" Sambit ng isang Kawal ng ibaba ni Avria ang Kalatas na Kanyang Binabasa. "Ano at napadpad yata dito ang Hari ng Sapiro?" Nakangisinv Tanong Ni Avria ng Lumapit sakanya si Meno kasunod si Pirena at Danaya.

"Nais lamang namin itong Ibalik saiyo dahil tila naiwan mo ito ng Paslangin mo ang Iyong Sariling Asawa" Matigas na Sambit ni Meno ng Ibato nya kay Avria ang Punyal na pag mamay ari nito. "Pinag bibintangan mo ba akong mamatay tao?" Taas noong tanong ni Avria.

"Bakit hindi ba?" Tanong ni Pirena ng Maubos ang Pasensya ni Avria sa mga Encantado sa kanyang Harapan. "Tapusin na natin to Meno, wag ka nang mag pasikot sikot pa Kung nais mo ng Digmaan Ibibigay ko ang nais nyo" Taas noong saad ni Avria ng mag katinginan sina Meno at ang Dalawang Sanggre.

"Pag Sapit ng Pag didikit ng Dalawang Buwan, Sa Dalampasigan ng Adamya Ubusan ng Lahi" Sambit ni Meno ng mapangiti si Avria. "Ubusan ng Lahi Gabayan ka sana ni Emre" Natatawang Saad ni Avria sa Rama ng Sapiro. "Gabayan ka nawa ni Ether" Sambit ni Meno ng Lisanin nila ang Kaharian ng Mga Kalaban.

"Amihan, Marahil naman ay mababago na ng Sanggol sa iyong sinapupunan ang Desisyon mo diba?" Tanong ni Alena habang nakaupo sya sa tabi nang nag papahingang Kapatid. "Alena mas binibigyan ako ng rason nito na Isugal ang buhay ko para sa kinabukasan nya" Sambit ni Amihan ng Muling tumulo ang mga Luha ni Alena.

"Inay!" "Ina" Nag maamdaling Sambit nina Lira at Mura ng Dumating ang Dalawa sa Silid nina Amihan at Ybrahim. "totoo po bang nag dadalang diwata po kayo?" Tanong ni Mira ng Nakangiting Tumango si Amihan.

"Oo Mira" Nakangiting Sambit ni Amihan ng mag katinginan ang dalawang Mag pinsan. "Gaano po katagal bago kayo Manganak Nay? Hindi po kasi namin nabalitaan yung kay Cassandra eh" Masayang Tanong ni Lira.

"Hindi ito gaanong Katagal Lira, Maaring Bukas o Mamayang Gabi lamang ay masisilayan nyo na ang inyong Kapatid" Paliwanag ni Alena ng mapangiti sina Lira at Mira.

"Lira, Mira mga Anak maari bang iwanan nyo muna kami ng iyong Ashti Alena?" Tanong ni Amihan ng Tumango naman ang Dalawa saka lumisan Ng Silid.

"Alena, Nais kong Humingi ng Pabor saiyo" Sambit ni Amihan ng tingnan sya ni Alena. "Kung matupad man ang sinabi ni Cassiopeia, Nais kong Ipag patuloy mo ang Paaralan na nais ni Ama, Humingi ka ng Tulong kay Ybrahim, At nais kong Ikaw ang Humawak ng Aking Brilyante" Sambit ni Amihan ng Kumunot ang Noo ni Alena.

"Bakit ako ang nais mong humawak ng iyong Brilyante? bakit hindi si Danaya sya ang ating Hara hindi ba?" Tanong ni Alena ng Ngumiti si Amihan. "Batid kong may namamagitan kay Danaya at Aquil, Kaya hindi ako mag tataka kung Ipasa ni Danaya ang Korona saiyo, Ikaw Higit sa lahat ang pinag kakatiwalaan ko Alena alam mo yan" Sambit ni Amihan ng Mapangiti si Alena.

"Hindi Kita biniguin aking Reyna" Sambit ni Alena ng Ilagay nya ang kanyang kamay sa kanyang Puso tanda ng Isanv Pangakong Hinding hindi mapapako.

"Kamusta ang Naging pag Uusap nyo Meno?" Tanong ng kanyang Asawang si Armea ng Dumating sila sa Sapiro. "Nais ni Avria ng Digmaan laban saatin" Sambit ni Meno ng mag katinginan silang Lahat.

"Hindi talaga sususko si Avria" Sambit ni Amihan na kadarating lamang sa Punong Bulwagan kasama si Alena. "Amihan, Hindi ba't Pinag papahinga ka namin?" Sambit ni Armea ng mapangiti si Amihan. "Ayos lamang ako Hara" Sambit ni Amihan ng Mag katinginan ang ibang hindi nakakaalam sa pag dadalang diwata ni Amihan.

"Nag dadalang Diwata ang Ating Apwe" Sambit ni Alena ng mapangiti si Pirena at Danaya. "Talaga?!" Gukat na Sambit ng dalawa ng Tumango si Amihan. "Isang Napakagandang Balita sa isang masamang araw" Sambit ni Meno ng mapangiti si Amihan.









_____________________________________

Matuloy kaya ang pag sasakripisyo ni Amihan? Abangan sa susunod na Kabanata!!!

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon