Kabanata 12: Luna

89 6 0
                                    

"Kamusta na Ang pakiramdam mo Hara?" Tanong ni Danaya ng puntahan nya ang kanyang Nakatatandang Kapatid sa silid nito.
"Nasabi na ni Lira saamin ang nangyari, hindi mo kasalanan kung nakuha nila saiyo ang Brilyante ng diwa" Sambit ni Danaya ng umiling si Amihan.

"Kasalanan ko ito Danaya, Sapagkat Kung hindi ko pinag Pilitan ang gusto ko hindi sana nangyari ito" Sambit ni Amihan ng yakapin nya ang kanyang Sarili uoang utago ang Kanyang Nararamdaman.

"Amihan, Huwag mong sisihin ang iying sarili, wala kang Kasalanan tandaan mo yan aking Apwe" Sambit ni Danay ng Yakapin sya ni Amihan ng mahigpit.

___________

"Avisala!" Magiliw na bati ni Paopao kay Ariana ng makita nya itong Kasama si Nunong Imaw. "Oh Paopao ikaw na pala yan hi di kita nakilala sa Kasuotan mo ah para kanang isang tunay na Encantado" Sambit ni Nunong Imaw ng mapangiti si Paopao.

"Avisala lolo Imaw" Nakangiting Bati ni Paopao sa Adamyan. "Sya nga pala Ariana, Eto si Paopao isa din sya sa mga napili maging bagong Tagapangalaga" Pag papakilala ni Imaw Kay Paopao.

"Kinagagalak kitang makilala Ariana" Nakangiting Sambit ni Paopao, "Paopao? Tila kakaiba ang iying pangalan? " Nag tatakang Sambit ni Ariana. "Paolo ang totoong pangalan ko" Natatawang Sambit ni Paopao sapagkat alam nya ang Ibig sabihin ni Ariana.

"Paolo? Kakaiba pa din?" Natatawang saad ni Ariana,"Yun ay Sapagkat Hindi naman talaga ako galing sa Encantadia" Sagot ni Paopao ng kumunot ang Noo ni Ariana.

"Si Paopao ay nag mula sa Mundo ng mga Tao Ariana" Paliwanag ni Imaw ng mapangiti si Ariana."Kamangha mangha hindi pala naiiba ang mga Wangis ng katulad nyo saamin" Naka ngiting Sambit ni Ariana ng tumango si Paopao.

"Sya nga pala Lolo Imaw alam nyo po ba Kung nasaan sina Lira at Mira?" tanong ni Paopao ng umiling si Imaw, "sino si Lira at Mira?" Nag tatakang Tanong ni Ariana sa Dalawa.

"Kami" Malamig na Sagot ni Lira ng dumating sila sa Kinaroroonan ng mga Ito. "Avisala Mga Mahal na Sanggre" Bati ni Imaw ng mag bigay pugay naman si Ariana sakanila.

"Poltre mga Sanggre, Hindi ko pa kasi kilala ang mga Diwatang Naninirahan sa Lireo" Mapag pa kumbabang Sagot ni Ariana ng Tingnan sya ni Lira mula ulo hangang Paa.

"Sino Sya Lolo Imaw?" Tanong ni Lira habang pinag mamasdan si Ariana. "Sya Si Ariana, Ang Pinili ng sagisag ng Brilyante ng Hangin" Pagpapakilala ni Imaw sa Punjabwea, "Brilyante Ni Inay?" Tanong ni Lira ng Tumango si Imaw, "O sya, maiiwan ko muna Kayong apat" Sambit ni Imaw ng Iwanan nito ang apat na Paslit na mag kakasama.

"Hi Lira, Mira, buti nandito kayo Gusto ko sana kayo kamustahin" Naka ngiting Sambit ni Paopao ng Tingnan sya ni Mira. "Poltre Paopao, ngunit madami pa kaming kailangan Gawin ni Sanggre Lira, wala na kaming panahon para makipag kamustahan sainyo" Sambit ni Mira at hinila paalis ang Kanyang Pinsan.

"Satingin ko ay hindi nila ako gusto" Sambit ni Ariana kaya agad syang tiningnan ni Paopao, "hindi naman siguro" Saad ni PaoPao ng mapa kibit balikat nalang Si Ariana.

_____________

"Dumating na ang isa sa mga bagong Tagapangalaga Amihan" Sambit bi Ybrahim ng umupo ito sa Tabi ng kanyang Asawa. "Talaga? Anong Brilyante ang pumili sakanya?" tanong ni Amihan kay Ybrahim.

"Ang Iyong Brilyante Mahal ko" Sagot ni Ybrahim ng mapangiti si Amihan."Talaga?" Nag tatakang tanong ni Amihan ng tumango si Ybrahim.

"Ano't Tila nag tataka ka Mahal ko?" Tanong ni Ybrahim ng mapangiti nalang si Amihan, "sapagkat Inaasahan ko na ang ating anak ang mag mamana ng Aking Brilyante, sapagkat sya ang Tagapagmana ng Kaharian ng Lireo" Sagot ni Amihan ng mapabuntong hininga si Ybrahim.

"Yan din ang i aasahan ni Pirena, na si Mira ang mag mana ng Brilyante ng Apoy" Sagot ni Ybrahim ng Mapaisip nalamang si Amihan. "Ano't Tila Hindi nag mula sa ating mga Dugo ang nga napipiling Tagapagmana?" Tanong ni Amihan na narinig naman ni Pirena.

"Yan din ang iniisip ko, At kung bakit Hanggang ngayon ay hindi pa din na pipili ang aking anak at Hadiya" Sabat ni Pirena ng Pumasok uto sa Silid ng kanyang Nakababatang Kapatid, "Kamusta na ang iyong Lagay Aking Apwe?" Tanong ni Pirena ng Mapangiti si Amihan.

"Maayos naman ako, Pirena" Sagot ni Amihan ng Tumango si Pirena, "mabuti kung Ganon, sapagkat Kailangan na namin kayo para sa Pagpupulong na gaganapin ngayon" Sagot ni Pirena ng mag katinginan si Amihan at Ybrahim.

"Pag pupulong?" Takang tanong ni Amihan ng tuamngo si Pirena, "tungkol sa Etheria, at sa patuloy nilang pananakop ng mga Tribo sa Encantadia" wika ni Pirena bago nito lisanin ang silid ni Amihan.

_____________

Sa isang Tribo malayo sa Lupain ng nga Diwata, Naninirahan ang mga Nilalang na kakaiba ang wangis sa nga Diwata. Sila ay tinatawag na mga Nymfas, mahahaba ang kanilang mga Tenga at may mga Bakas ang kanilang mga Balat.

"Helgad! Helgad! Kinuha ng isang Argona ang aking Alaga! Tawagin mo si Deshna Madali!" nag mamadaling Sambit ng isang babaeng Nymfas ng tingnan sya nito.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sainyo na hindi na Deshna ng aking Anak" Sambit ni Helgad ng tingnan sya nito, "wala na akong pakialam kung Luna man o Deshna ang ngalan nya ngunit kailangan ko ang kanyang Tulong" Nag aalalang Sambit nito ng mapabuntong hininga si Helgad.

"Luna! Luna Bumaba ka dito Madali" Sigaw ni Helgad habang Pinag mamasdan ang kanyang anak sa Tuktok ng isang malalaking Puno.

"Sandali lamang Nanang" Sagot ni Luna saka bumaba sa Puni Kasama ang Kanyang Matalik na Kaibigan. "Ano yon Nanang?" Tanong ni Luna sa kanyang ina.

"Kinuha ng Isang Argona ang kanyang Alaga, Kaya mo bang Kunin iyon?" Tanong nito ng agad na mapangiti si Luna. "Oo naman Nanang" Naka ngiting sagot nito ng tingnan nya ang kanyang Kaibigan.

"Ngunit bumalik naman sana kayo duto ng ligtas at walang galos" bilin nito sa Kanyang Anak, "Oo Nanang, Tara na Gilas" Sambit nito saka tumakbo patungo sa kinaroonan ng Argona.

"Luna Sandali!" Sigaw ni Gilas saka hinabol papalayo ang Kanyang Kaibigan.

__________________________________

Avisalaaaa Sainyo, kamusta naman kayo? Sana nagustuhan nyo ang chapter na ito kahit maikli lang love you all.

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon