Kabanata 8: Pag babalik ng Batang Ligaw

101 6 0
                                    

"Nunong Imaw" Sambit ni Danaya ng Mapunta ang tingin ng Lahat sa Padating na Adamyan. "Avisala Mga Mahal na Sanggre" Bati ni Imaw ng mag bigay pugay ito sakanila.

"Nunong Imaw saan ka nanggaling? Kanina kaoa namin hinahanap" nag tatakang Tanonv ni Pirena sa Adamyan.

"Poltre Hara Pirena, Akoy nanggaling sa Isla ni Mata sapagkat kinailangan nya ang tulong ko upang hanapin ang nga susunid na Tagapangalaga ng Mga Brilyante" Sambit ni Imaw ng Kumunot ang Mga Noo ng mga Diwata.

"Anong ibig mong Sabihin nunong Imaw? Nandito pa kami" nag tatakang Sambit ni Alena. "Batid ni Cassiopeia na kakailanganin nyo ng tulong laban sa mga Etherian kaya naman ngayon ay nag hahanap sya ng mga Bagong Tagapangalaga na mag liligtas sa Encantadia at mag poprotekta sa mga Brilyante kung may mangyayari man sainyong mag kakapatid" Sambit ni Imaw ng Mag katinginan sina Lira at Mira.

"Bakit pa mag hahanap ng iba si Mata kung nandito naman ang aking anak at si Mira na mas karapatdapat humawak ng aming mga Brilyante" Nag tatakang Tanong ni Pirena na tila nag iinit na dahil sa Ginawa ng Sinaunang Diwata.

"Sapagkat Hindi sapat ang Dalawang Sanggre para sa Limang Brilyante" Simpleng sagot ni Imaw. "Ngunit nandito pa ang Bunsong anak ni Amihan na si Almira, at kahit wala sya dito ay Si Cassandra" Sambit ni Danaya ng tingnan sila ng Adamyan.

"Pagkatiwalaan nyo ang Desisyon ng inyong ninuno mahal na Reyna sapagkat para din ito sa ikabubuti ng Encantadia" Sagot ni Imaw ng Mapatingin si Pirena sa Dalawang Munting Sanggre.

"Mapapasama ba sa mga Tagapangalaga Ang Aking anak at Hadiya?" Tanong ni Pirena, "Hindi ko alam mahal na Hara sapagkat su Cassiopeia lamang ang makakaalam kung sino sino ang mga Ito" Sagot ni Imaw ng Mag katinginan ang dalawang Sanggre na hindi makapaniwala sa Binanggit ni Imaw.

____________

"Ano yon?! After how many years nila tayong pinahirapan mag sanay mauungusan lang tayo ng iba?!" Naiinis na Tanong ni Lira sa Kanyang Pinsan ng Makarating sila sa kanilang Silid.

"Tama ka! Ni hindi nga nila tayo Pinapayagan na Sumama sa Kanilang nga Laban tapos ipag papalit nila tayo" Sambit ni Mira na Hindi rin natutuwa sa Ideya na Ito.

"Hindi tayo Pwedeng mag patalo Mira! Para saan pa yung dugo't pawis na Inalay natin sa pag tatanggol noon sa Encantadia kung Hindi tayo magiging Tagapagligtas ng Encantadia" Sambit ni Lira ng mapatingin sakanya ang kanyang Pinsan.

"Anong plano mo?" Tanong ni Mira sa Kanyang Pinsan, "pupunta tayo sa Etheria" Sambit ni Lira ng Mapangiti si Mira.

"Tara?"

"Tara"

____________

Sa mundo ng Mga Tao, Pinag mamasdan ni Paopao ang Malaking Tangke ng tubig, kung nasaan ang Ikalawang Lagusan pabalik ng Encantadia.

"Hello? Mamang Muka? Naririnig nyo po ba ako? Mag bukas naman po kayo oh" Sigaw ni Paopao ng Lumapit sakanya ang grupo ng mga Lalaki.

"Tol baliw na ata to oh, Kinakausap yung tangke eh" Bulong isang lalaki na narinig naman ni Paopao.

"Hindi ako Baliw" Inis na Sambit ni Paopao ng mag tawanan ang mag kakaibigang ito.

"Talaga ba? Eh ba't kinakausap mo yan?" Tanong ng isang lalaki ng Mapatahimik nalang si Paopao dahil alam nyang walang maniniwala sakanya kapag nag sabi sya Tungkol sa Encantadia.

"Hoy!" Sigaw ng isang Barangay Tanod ng Biglang mag takbuhan ang mga Ito. "Nako Toy, wag kang tambay ng tambay dito madaming Ulol dito" Sambit ng Barangay Tanod ng tumango nalamang si Paopao.

Agad na din naman umalis si Paopao sa kinaroroonan nya ng lumisan ang Barangay tanod.

Hapong hapo na Sya ng Makarating sya sa Bahay ng Kanyang Tiyahin. Dito na sya nakatira simula ng manatay ang Mga Magulang nya.

"Bakit ngayon ka lang?!" Sigaw ng kanyang Tiyahin ng mapatigil si Paopao. "Nag lakad lang po ako eh" pag dadahilan ni Paopao ng ilahad ng tiyahin nya ang palad nito.

"Nasaan yung bayad ni Chona?!" Sigaw nito ng Ilabas ni Paopao sa Kanyang Bulsa ang 150 pesos at inabot sa Tiyahin nya.

"Kulang ng Sampung Piso to ah" Punta ng tiyahin nya , "160 utang nya Bakit 150 lang to?" tanong nito ng mag kibit balikat si Paopao.

"Ginastos mo no?" Sigaw nito bg Umiling si Paopao, "hindi po tyang" Pag tanggi ni Paopao ng batukan sya nito.

"Kumain ka na nga lang walang kwentang tao" Singhal nito saka nag tungo sa Taas ng Kanilang Bahay.

Agad na umupo si Paopao sa Hapag kainan at Binuksan ang pag kain na Naka takip. Hindi naman nagulat si Paopao na Tirang Kanin at Ulam lang ang nandoon sapagkat yun naman ang lagi nyang kinakain dito minsan ay wala pa.

"Paolo!" Sigaw ng Anak ng kanyang Tiyanin ng makita nya itong Pababa ng hagdanan, "bakit Theo?" Nag tatakang tanong ni Paopao ng Ibato sakanya nito ang Maruming Damit nito.

"Labhan mo yan , Kailangan ko yan mamaya" Utos nito sa Kanyang Pinsan, "Mamaya? Eh hindi yan matutuyo" Sagot ni Paopao ng mapangisi ang kanyang Pinsan.

"Gawan mo ng paraan, Ang Tanga Tanga mo talaga! labhan mo yan ah Plantsahin mo na den" muling Sambit nito saka bumalik sa Kanyang Kwarto.

Tinapos lang ni Paopao ang kanyang pag kain, saka Sinimulang labhan ang Polo at Pantalon ng kanyang Pinsan.

Ng bumaba ang kanyang Tiya sa Kanilang kusina kung saan nakita nito ang mga Plato na Hindi pa din nahuhugasan.

"Jusko! Paolo!" Sigaw nito ng Agad agad na Lumabas sa Banyo si Paopao kung saan sya nag lalaba. "Ano To? Bakit hindi mo pa hinuhugasan?! Napaka tamad mo talaga! Palamunin ka na nga dito wala ka pang kwenta! Tamad tamad mo!" Sigaw nito kay Paopao ng Hilahin nito ang kanyang Tenga papunta sa Sala nila.

"At ano to?!" Tanong nito habang nakaturo sa mga Damir na Hindi pa natitiklop. "Nilalaban ko pa po kasi yung Damit ni Theo" Naka Yukong Sagot ni Paopao ng Ibato sakanya ng tiyahin nya ang damit.

"Bobo ka talaga! Kung di ka kasi nag babagal bagal dyan edi sana Nakatapos kana! Pero inuuna mo pa kasi yung pag kukwento mo sa mga Bata nung kahibangan mo" Sighal nito ng Isang Liwanag ang Biglang pumasok sa Bahay nila na ikinagulat nilang dalawa.

"Ahhh Encanto!" Sigaw ng tiyahin ni Paopao at agad na Tumakbo papunta sa kanilang kusina.

"Parang Pamilyar ka" Sambit ni Paopao habang pinag mamasdan ang Ilaw na ito. "Tama! Diba Isa ka sa mga naka drawing sa Kaharian ng Lireo? Kaya ka ba nandito? Pinapasundo baako Nina ate Amihan?" Tanong ni Paopao ng nag Liwanag ito.

"Sandaki may kukunin lang ako" Sambit ni Paopao at agad na tumakbo papunta sa Bodega kung saan nakalagay ang kanyang Mga Gamit.

Agad nyang kinuha ang ilang nga Damit, Cellphone, Picture at isang baseball bat na Binili sakanya ng kanyang Mga Magulang bago ito mamatay.

"Tara na" pag aaya ni Paopao ng lumabas sa kusina ang kanyang Tuyahin daladala ang isang walis tambo.

"Teka saan ka pupunta Paipao?" Nag tatakang Tanong nito sa Kanyang Pamangkin, "hoy di ka pwede umalis!" sigaw nito ng ngitian sya ni PaoPao.

"Bye Tyang" Sambit ni Paopao at tumakbo paalis sa bahay nila habang patuloyna sinusundan ang Sagisag patungo sa Lagusan payungo sa mundo ng mga Tao.

"Teka teka, Wala tayong mapapala dito di naman nag papakita si mamang muka" Sambit ni Paopao ng lapitan ng sagisag ang Lagusan at dito lumabas ang Muka ng Lagusan.

"Sagisag ng Lireo?" Sambit ng Lagusan habang tinitingnan ang Sagisag, "Mamang muka, papapasukin mo na baako?" tanong ni Paopao dito.

"Oo, Maligayang pag balik sa Encantadia Batang ligaw" Sambit nito saka pumasok si Paopao pabalik ng Encantadia.

____________________________________

Nag balik na Si Paopao, at tila sya ang unang napili bilang tagapangala. Ano kayang magiging Reaksyon ng mga Sanggre Dito? Abangan!






Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon