"E Correi Diu Ybrahim" Tila na istatwa si Ybrahim ng Marinig nya ang Tinig ng kanyang Minamahal na Asawa habang sila ay Nag iintay sa Kaharian ng Lireo. "Amihan" Bulong nya ng maramdaman nya Huling pag yakap ni Amihan sakanya.
"Tay bakit wala pa po sila Inay? nag aalala na po kami" Sambit ni Lira ng Lumapit sila ni Mira sa kanilang Ama. "Huwag kaykng mabahala, Nakakasigurado akong pabalik na sila" Sambit ni Ybrahim kahit pa Kahit aya ay May kakaibang Nararamdaman.
"Amihan" Tila Gumunaw ang Mundo ni Ybrahim ng makita nyang Nakahiga sa Sahig ng Lireo ang Kanyang Asawa na walang Malay. "Inay!" Agad na Tumakbo papalapit kay Amihan si Lira at Mira ng Dumating ang mga Sanggre Sa Lireo.
"Inay Gumising ka nay" Umiiyak na Sambit ni Lira habang Niyuyugyog nila ang Walang Buhay na katawan ni Amihan. "Anong Nangyari kay Inay?" Umiiyak na Tanong ni Lira habang Hawak hawak nya ang Kamay ng kanyang Ina.
"Ashti Alena?! Ashti Danaya?! Ashti Pirena Sumagot kayo anong nangyari kay Inay!" Sigaw ni Lira ng Patuloy lang sa pag hikbi ang mga kapatid ng kanyang Ina. "Ina Gumising ka Ina!" Sigaw ni Mira Habang Sabay nilang Niyuyugyog si Amihan.
"Ashti Alena anong Nangyari?" Tanong ni Lira ng Tumingin si Alena za mata ng kanyang Umiiyak na Hadiya. "Sinakripisyo ni Amihan ang Buhay nya upang Mapaslang si Ether" Sagot ni Alena ng Tuluyan ng Bumuhos ang mga Luha ni Ybrahim.
"Bakit Hindi nyo sya Pinigilan?!" Galit na Tanong ni Lira ng Lumapit sakanya si Alena. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana ay Hindi nako pumayag" Umiiyak na Sambit ni Alena ng umiling si Lira.
"Bitawan Mo ako Ashti! Ito ba ang dahialn kung bakit nag papaalam si Inay Saamin nung nasa Sapiro tayo?" Tanong ni Lira ng Marahang Tumango si Alena. Unit unting nanghina ang nga Tuhod ni Lira sa Sagot ng kanyang Tiyahin.
"Bakit hindi mo sinabi Ashti!? Sana napigilan namin sya, Bakit Mo sya Hinayaan?" umiiyak na Tanong ni Lira habang Pinipilit ni Alenang Lumapit sa kanyang Hadiya. "wag mo akong hawakan" Pag tutol ni Lira ng itulak nya papalayo si Alena.
"Wala kaming magawa Lira" Tumatangis na saad ni Alena ng Umiling si Lira. "Sinungaling ka! Meron kayong magagawa, Pwede nyo syang Tulungan Ashti Pero hindi nyo ginawa!" Sigaw ni Lira ng Lumapit si Pirena.
"Wag mong pag sasalitaan ang nakatatanda saiyo ng ganyan" Sambit ni Pirena ng Ibaling ni Lira ang Tingin kay Pirena. "Bakit Hindi Ashti? Ano ang ginagawa nyo nung Sinasakripisyo ni Inay yung sarili nya?!" Pasigaw na Tanong ni Lira ng walang maisagot ang mga ito sakanya.
"Inay" Tumatangis na Sambit ni Lira ng Balikan nya ang Walang Buhay na Katawan ni Amihan. "Patawad, Alam kong mali na Ilihim ko ang Plano ni Amihan Ngunit Yun ang Hiling nya saakin Hindi ko sya maaring tutulan" Tumatangis na Sambit ni Alena habang pinag manasdan nya sina lira na Tumatangis sa katawan ni Amihan.
Sa Dalampasigan ng Lireo Hinanda ng mga Sanggre ang walang Buhay na katawan ng Reyna. Agad na nag dagsaan ang mga Nag mamahal na Encantado sa Dating reyna ng lireo matapos ilang malaman ang nangyari dito.
masakit man ay Kailangan tanggapin ng mg nag mamahal kay Amihan ang Sinapit nito. ngunit Kahit anong pili ni Lira hindi nya magawang Isipin na wala na ang Nag iisang Diwatang Nag titiwala sakanya ng Tunay.
"Tay Mahal ba talaga ako ni Inay?" Tanong ni Lira ng Maramdaman nya ang pag dating ni Ybrahim. "Lira bakit mo naitatanong yan, Mahal na mahal ka ng iying Ina alam mo yan" Sagot ni Ybrahim ng lumapit si Ybrahim kay Lira.
"Kung totoo yon Tay, Bakit nya ako Iniwan?" Tanong ni Lira ng mapatigil si Ybrahim. "Bakit hinayaan nya yung sarili nyang Mawala, Bakit hindi nya ako inisip tay?" Sunod sunod na Tanong ni Lira sa Kanyang Ama.
"Anak, Yan ang wav na wag mong iisipin Mahal na mahal ka ng iyong Ina alam mo yan" Sambit ni Ybrahim ng Yakapin nya ang kanyang Anak.
"Avisala sainyong lahat, alam kong isang malaking pag kabigla sa lahat ang naganap saaming Pinakamamahal na Kapatid na si Amihan Ngunit salamat sa mga nilalang na nag punta pa din dito" Sambit ni Danaya ng Ngumiti ang lahat habang pinag mamasdan ang walang buhay na katawan ni Amihan.
"May ipag tatapat ako sainying lahat, Inamin sakain noon ni Amihan ang Plano nya Upang Pigilan si Ether, Sinubukan ko syang Pigilan ngunit Hindi sya pumayag Dahil ang sabi nya ay Nais nyang Mag karoon ng maayos na Mundong kalalakihan ang kanyang nga minamahal, Hanggang Sa Huli ay mas nangingibabaw pa din sakanya ang pagiging Mabuting Kapatid, Ina, Asawa at Higit sa Lahat mabuting Reyna" Humihikbing Sambit ni Alena ng Hagkan nya ang Kanyang Nakatatandang Kapatid.
"Isa syang Tunay na pinuno, Mapag parayang Kapatid at kahanga hanggang Sanggre" Sambit ni Pirena habang Pinipigilan nyang tumulo ang kanyang nga Luha. "At Ngayon na nakatakda na syang Mag lakabay patungong Devas batid kong mag kikita sila ni Emre dahil busilak ang Kanyang Puso at kahit kailan wala syang kahit sinong tinrato ng masama" Pag papatuloy ni Pirena ng Tuluyang Tumulo ang kanyang Luha.
"Paalam... Mahal na Reyna, Paalam mahal kong Kapatid" Maiksing Sambit ni Danaya ng Yakapin nya ng Mahigpit ang Katawan ng Kanyang Kapatid. "E Correi Diu" Bulong nito habang tuloy tuloy ang oag tulo ng kanyang Luha.
"Paalam Ina" Sambit ni Mira ng Hagkan nya ang Kanyang ina inahan.
"Mahal na Mahal po kita ina" Bulong ni Almira ng Sumunod itong Humalik sa kanilang Ina."Paalam, Mahal kong Reyna" Bulong ni Ybrahim ng Halikan nya ang Kaisa isang Diwatang nag patibok ng kanyang Puso. "Sinong mag aakalang sa dito sa Dalampasigan ito tayong unang nag kakilala, Dito Tayo nag sumpaan na mag sasama Habang Buhay, At Dito din kita ihahayid saiyong Huling hantungan" Sambit ni Ybrahim habang Nakahawa sa Kamay ng Kanyang Asawa. "Mahal na Mahal Kita Amihan" Buong ni Ybrahim ng Hagkan nya ang Kanyang Asawa.
"E Correi Diu Ina, Mahal na mahal ko po kayo" Sambit ni Lira ng halikan nya sa Noo ang Kanyang Ina. "Salamat po sa saglit na panahong nakasama ko kayo, Salamat po sa pag titiwala nyo saakin, Salamat po sa Pag mamahal na Binigay nyo saakin Pangako ko sainyo na Sa Susunod na pag kikita natin ay Ipag mamalaki nyo ako" Sambit ni Lira ng Halikan nya ng huling beses ang Kanyang Ina.
Kasabay nito ang Pag Lapit ng mga Retre sa Himlayan ng Dating Reyna ng Lireo. At sa isang Iglap ang Isang Masayahing Reyna ay isa na lamang alaala na mabubuhay sa Mga Diwa ng Bawat Encantadong kanyang Pinamumunuan.
______________________________________
Avisala Eshma Hara Amihan!! Abangan ang Huling Kabanata!!
BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasyMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...