"Mira tumatangis kaba?" Nag aalalang tanong ni Amihan Ng makita nyang nag lalakad ang Kanyang Dalawang Anak. "Lira ano't Tumatangis kayo?" Nag aalalang tanong ni Amihan ng bihla syang Yakapin ni Mira.
"Ina Ayoko na" Sambit ni Mira ng Kumunot ang noo ni Amihan, "Ano ba ang nangyayari anak? Halika at mag tungo tayo sa Aming silid" Sambit ni Amihan ng Dalhin nya ang Dalawa sa Silid nila ni Ybrahim at doon Pinaupo.
"Mga mahal ko anong Nangyari?" Nag aalalang tanong ni Amihan ng Tingnan sya ni Mira sa Kanyang mga Mata. "Ina isa ba kaming Talunan ni Lira sa iyong mga mata?" umiiyak na Tanong ni Mira.
"Hindi, kahit kailan hindi yan mangyayari Mira" agad na Sagot ni Amihan habang iniisip kung saan nanggaling ang tanong na ito ng kanyang Anak anakan.
"Lira, Mira alam nyo naman kung gaano ko kayo kamahal at pinag mamalaki hindi ba?" Sambit ni Amihan ng Tumango si Lira, "ngunit bakit Ikaw ina? Hindi kita tunay na Ina pero kaya mo akong ipag malaki? Bakit si Inang Pirena na aking Pinag mulan lagi nalanv may kulang saakin?" Tanong ni Mira ng maunawaan ni Amihan ang nangyayari.
"Mahal nya ba talaga ako?" Pag kukwestyon ni Mira ng agad agadna lumapit sakanya Si Amihan. "Mira wag mkng sabihin yan, alam mong mahal na mahal ka ng iyong Ina" Sambit ni Amihan ng hawakan nya ang kamay ng kanyang Anak anakan.
"Pero bakit hindi nya magawang tanggapin na Hindi ako katulad nyo?" Tanong nito ng Mapatingin sya kay Lira sa sobrang oag tataka sa mga nagaganap.
"Lira anak, ano ba talaga ang nangyari?" Nag tatakang Tanong ni Amihan, "Sinampal po ni Ashti Pirena ni Mira Nay" Sambit ni Lira ng manlaki ang mga Mata ni Amihan.
"Ano? B-bakit nya ito ginawa?" Naguguluhang Sambit ni Amihan, "Mahabang Salaysayin po nay eh" Sagot nito sa Kanyang Ina.
"Ina, itatakwil nyo din ba kami kung hindi kami magiging Tagapangalaga?" Tanong ni Mira palapitin nya si Lira sa kanilang Dalawa.
"Mira, Lira Eto ang tatandaan nying Dalawa, hindi nasusukat sa Kung sini ang mas magaling o sino ang mas makapangyarihan para ipag malaki kayo, Hindi nyo kailangan maging Tagapangalaga Para ipag malaki ko kayo, dahil ngayon palang ay pinag mamalaki ko na kayo isa man kayo sa napilinv Tagapangalaga O hindi" Sambit ni Amihan habang hawak hawak nya ang tig Isang kamay ng dalawa.
"E Correi Diu Ina" Sambit ni Mira ng Mapangiti si Amihan, "E Correi Diu Inay" Sambit ni Lira, "Mas mahal ko kayo mga anak ko" Sambit i Amihan ang hinalikan ang Kanilang mga Noo.
__
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Lira at Mira, nais ko lang naman ang mapapabuti sakanila pero ako pa ang pinapalabas nilang Masama" pag lalabas ni Pirena ng Sama ng loob sa Harap nina Danaya, Alena at Ybrahim.
"Baka naman na sobrahan ka sa Disiplina Pirena, tandaan mo mga bata pa din ang kausap mo" Sambit ni Danaya ng umiling si Pirena.
"Pirena, masyado mo kasing pinairal ang init ng iyong Ulo, kailangan mong unawain na hindi kayo iisang nilalang ni Mira. "Sa madaling salita, si Mira ay isang Baga na nag sisimula palamang umnit kaya wag mong madaliin ang mga bagay bagay" Sambit ni Alena ng lapitan nya ang kanyang Kapatid.
"Naalala mo ba ang Sinambit saiyo noon ni Ina nung hindi ka naging reyna?" Tanong ni Alena Ng alalahanin ni Pirena ang Sandaling iyon.
"Na mahalaga pa din ang nilalaman ng puso" Malungkot na Sambit ni Pirena ng Ma Unaawaan nya ang nais iparating sakanya ng kanyang nakababatang Kapatid.
"Avisala" Bati ni Amihan ng pumasok ito sa Silid pampulong. "Amihan, saan ka nanggaling?" Nag tatakang tanong ni Ybrahim ng lumapit si Amihan sakanya.
"Nakausap ko ang Dalawang Mu ting Sanggre" Sagot ni Amihan at tumingin kay Pirena, "Lubusang Nasaktan si Mira dahil sa mga Katagamg iyong binitawan Hara Pirena" bakas sa Boses ni Amihan ang pag ka dismaya nito sakanyang Kapatid.
BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasiMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...