Kabanata 66: Liwanag At Dilim

83 6 0
                                    

Sa Sinaunang Panahon ng Encantadia

"Banak, Nakba mabuti at nakabalik na kayo dito" Sambit ni Ornia ng makita nito ang Apat na Paslit na kasunod ng Dalawa. "Sino ang Mga Paslit na kasama niyo?" Nag tatakang tanong ni Ornia ng Ngumiti si Danaya.

"Kami ang mag kakapatid na tinulungan nyo kamakailan lamang" Sambit ni Danaya ng mapatingin sakanya si Ornia. "Ano? Impossible sapagkat may gulang na ang Diwatang Tinulungan namin" Sambit ni Ornia ng Bumuntong hininga si Banak.

"Yun ay Sapagkat Sinumpa sila ni Bathalang Ether ng saganon ay hindi na nila kalabanin ang mga Etherian" Sambit ni Banak ng Lumabas sa Kanilang Kubol si Memen.

"Sino ang Kausap nyo?" Tanong ni Memen ng Makita ng nag kakapatid ang Hari ng Etheria. "Haring Memen" Hindi makapaniwalang Sambit ni Amihan ng Mapatingin sakanya ang Etherian.

"Sino ka?" Nag tatakang tanong ni Memen, "mahabang salaysayin Memen, mamaya ko na ikekwento saiyo" Sambit ni Ornia ng mag Katinginan ang Apat na mag kakapatid.

Sa Kasalukuyang Panahon

"Mag iingat kayong Dalawa" Paalala ni Imaw ng tumango ang Dalawang Sanggre. "Let's Go Bes" Sambit ni Lira ng hawakan nya ang palad nv kanyang Pinsan na agad namang tinanggap ni Mira.

"Gabayan nawa tayo ni Emre" Sambit ni Lira ng Pumasok sila sa Lagusan pabalik sa Nakaraan.

Unti unting minulat ni Lira ang Kaniyang Mata ng maramdaman nya ang Damo sa kaniyang paahan. "Mira andito na tayo" Sambit ni Lira ng Imulat ni Mira ang Kanyang mga Mata.

"Eto naba ang Nakaraan?" Tanong ni Mira ng tingnan nya ang kanyang Pinsan. "Siguro" Maiksing Sagot nito ng tingnan nila ang Paligid ng kanilang tinatapakan.

_______

"Kung si Ether ang Sumumpa sainyo, Tila si Ether lang din ang makakagawa ng paraan upang mabalik kayo sa Dati nyong Anyo" Sambit ni Memen sa mag kakapatid. "Tila ganon na nga, ngunit imposibleng Makabalik pa kami sa aming Tunay na Anyo" Sambit ni Alena na Sinangayunan ng kanyang mga kapatid.

"Bakit Hindi kayo Humingi ng Tulong Kay Evades?" Tanong ni Banak ng mapatingin ang mag kakapatid sakanya. "Evades?" Nag tatakang tanong ni Danaya. "Ang aking Kapatid?" Tanong ni Memen na ikinagulat ng mga Sanggre.

"Mag kapatid kayo?" Nag tatakang tanong ni Danaya, "Bakit Mag kaiba kayo ng anyo?" Tanong muli ni Danaya ng agad syang sawayin ni Amihan. "Paumanhin saaking Kapatid" Sambit ni Amihan ng Takpan nya ang bibig ni Danaya.

"Hindi ba't Ang puno ng Buhay ay may kakayahang mag pabago ng Anyo ng isang Nilalang?" Sambit ni Banak ng mapatingin muli sakanya ang Mag kakapatid. "Ngunit kaakibat naman nito ay isang sumpa, Hindi ba?" Tanong ni Pirena ng Tumango si Alena.

"Isasakripisyo ba natin ang pag kakataong iyon para bumalik tayo sa anyo natin?" Tanong ni Amihan sa kanyang mga kapatid, "Oo naman Amihan" Sambit ni Danaya ng Tingnan sya ni Pirena.

"Maari naman tayong humanap ng ibang Paraan, yun ay kung ayaw mong makita ang iyong Anak" Sambit ni Pirena ng agad na tumingin si Amihan kay Banak.

"Samahan nyo kami sa Puno ng Buhay" Utos ni Amihan ng Tumango naman sina Banak at Nakba. "Wag muna kayong Umalis, malalim na ang Gabi delikado sa Kagubatan" Sambit i Ornia na Sinangayunan naman ni Banak at Nakba.

"Madaming Etherian ang umiikot ngayon lalo na't pinapahanap kami ni Avria kaya mabuti ngat mag palipas na muna kayo ng Gabi" Sambit ni Memen na syang Sinangayunan naman ng mag kakapatid na Sanggre.

"Ornia Ayos ka lamang ba?" Nag tatakang tanong ni Amihan habang kanyang pinag manasdan si Ornia. Nang may lumabas na Kulay Lilang Ilaw sa kanyang Palad.

"Ahhh! Memen tila manganganak na yata ako" Sambit ni Ornia ng mapatingin ang Lahat kay Ornia na ngaton ay nahihirapan. "Ano? Sandali lamang tulong" Sambit ni Memen ng Lumapit sakanya ang mga Diwata upang tulungan si Memen na Dalhin si Ornia sa kanilang Kubol.

"Ka gilagilalas, Masasaksihan natin ang Pag ka panganak sa ating Sinaunang Reyna" Sambit ni Amihan ng Tingnan nya ang kanyang mga kapatid habang pinag mamasdan nito ang Kubol kung saan ipapanganak anv Sinaunang Diwata.

_______

"Bessy Nasaan naba tayo pagod na pagod nako" Sambit ni Lira Habang nag lalakad sila ni Mira patungo sa Kawalan. "Nasa Kagubatan tayo Lira" Sambit ni Mira ng tumigil ito sa pag lalakad upang tingnan ang pinsan.

"Obvious naman na nasa Gubat tayo Bessy di mo na kailangan i specify" Sambit ni Lira ng matawa ang kanyang pinsan na nag papatuloy na sa pag lalakad.

"Nasaan kaya ang Lireo?" Tanong ni Mira ng Harangin sila ng Isang Encantado. "Sino kayo? Ano't naririto kayo sa Lupain ng Sapiro?" Tanong nito ng mag katinginan si Lira at Mira.

"Kami ay Hamak na manlalakbay lamang ho, hinahanap lang po namin ang aming mga Magulang" Sagot nj Mira ng titigan sila nito mula ulo Hanggang Paa.

"Hindi nyo ba alam na hindi maaring gumamit ng Sandata at Isang Diwata?" Tanong nito ng lumapit sakanila ang isa pang Encantado. "Aldo Asval, sino ang iyong kausap?" Tanong ng Encantado na ikinagulat ni Lira at Mira.

"Yung Tyakang si Asval" bulong ni Lira ng Tumango namab si Mira. "Sino kayo?" Tanong ng Kadarating lamang na Encantado. "Ahh ako po si Mira sya naman ang aking Pinsan na si Lira" Pag papakilala ni Mira sa kanilanv Dalawa.

"Ako si Raquim Sya naman ang aking Aldo na si Asval" pag papakilala ni Raquim sa kanyang Sarili. "Raquim?" Agad na Tanong ni Lira ng marinig nya ang kanyang Pangalan.

________

"Kay Swerte mo Memen, at biniyayan kayo ni Ornia ng hindi lang isa kung hindi dalawang Anak" Sambit ni Banak habang papalabas ng Kubol si Memen.

"Syang Tunay, maging ako ay hindi makapaniwala" Sambit ni Memen ng Salubungin sya ni Amihan. "Dalawang Anak?" Tanong ni Amihan ng Tumango si Banak. "Oo Amihan, kambal ang Anak nina Memen at Ornia" Sambit ni Banak ng mag patuloy sa pag lalakad ang Dalawang Lalaki.

"May Kakambal si Cassiopeia?" Nag tatakang tanong ni Amihan habang pinakikinggan nya ang Pag iyak ng mga Sanggol sa Kubol ni Ornia.

"Kambal? Nag nag sisimbulo ng Liwanag at Dilim sa Encantadia" Bulong ni Amihan habang Nakatingin padin sa Kubol ni Ornia. "Kung si Cassiopeia ang Liwanag, ang kanyang kakambal ang dilim na babalot sa Encantadia"






__________________________________

Abangan ang susunod na Kabanata!

A/N change Of plan Guys, magiging Once A Week nalang ako makakapag Update since Busy din pala ako ngayon summer Break, so Abangan nyo Next  Update ko Every Wednesday guy Thank youu

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon