Kabanata 24: Pag babalik ni Muyak

81 7 0
                                    

"Hindi tayo gagawa ng kahit anong hakbang na Maaring maka sakit sa iba nating nga kasapi na kanilang bihag" Sambit ni Danaya sa kanyang Nakatatandang Kapatid.

"At anong gusto nyong Gawin natin? Makipag kasundo sakanila?" Tanong ni Pirena sa kanyang mga kapatid. "Kung magiging dahilan ito ng mapayapang Kaharian ay Balit hindi?" sagot ni Danaya sa kanyang Nakatatandang Kapatid.

"Pirena sumasang ayon ako kay Danaya, Mas makakabuti nga kung Makipag kasundo nalang tayo sa Etheria at kilalanin sila bilang Isang Kaharian" Sambit ni Amihan ng Tingnan sila ni Pirena.

"Ganon din ako Pirena" Sagot ni Alena dahilan upang mapabuntong hinga si Pirena. "Pumapayag naako, pero kapag tayo ay nabaliktad ng mga Etherian Kasalan nyo" Inis na Sambit ni Pirena dahilan upang mapangiti ang Kanyang mga kapatid.

"Para ka talagang Bata Pirena" Natatawang Bulong ni Alena, "may sinasabi ka?" Inis na tanong ni Pirena ng Umiling si Alena habang pinipigilan nito ang pag tawa.

"Warka" Bulong na Sambit ni Pirena.

____

Sa isang Malawak na Lupain, kung saan Naninirahan ang mga Maliliit na nilalang na dumadaan sa kanilang Banyuhay Naninirahan si Muyak.

Limang taon na ang Lumipas ng Siya ay manirahan sa Kaharian ng mga Diwata kasama ang Kanyang Alaga na si lira.

At ngayon ay pwang mga alaala nalang ang mga ito. Sapagkat siya ay nasa kalagitnaan ng Banyuhay, upang sya ay maging ganap na Retre.

"Pinuno, Bakit ganon napakatagal ko na Dito ngunit hanggang ngayon at hindi pa din ganap ang aking pag Banyuhay" umiiyak na saad ni Muyak sa Kanila ng Pinuno.

"Poltre Muyak, ngunit sa tagal ko Dito ay Ngayon lang namin nasaksihan ang matagal na Banyuhay" Sagot nito sa Umiiyak na Lambana.

"Bakit hindi ka nalang bumalik sa mga Diwata?" Sugestiyon ng Kanilang Pinuno ng Umiling si Muyak. "Hindi na ako kailangan ng mga Diwata" Sambit ni Muyak ng Tumungo ang kanilang Pinuno.

"Ahhhhh!" Agad na napalingon ang Dalawang nag uusap ng makarinig ang mga ito ng isang malakas na sigaw mula za kanilang mga Kasamahan.

"Mga kasama anong nangyayari?" Nag aalalang tanong ni Muyak ng Lumapit sakanya ang isang retre. "May Agodo na Sumusugod Saatin!" Natatakot na Sambit nito ng makita ni Muyak ang tumatalong Agodo.

"Ako na ang Bahala Dito" taas noong saad ni Muyak ng kunin nya ang isang Sibat at Lumapit sa Agodo. "Layuan mo ang mga Kasama ko!" Sigaw ni Muyak habng Sinusubukan nyang ng Itusok ang sibat sa agodo.

Ilang beses nyang sinukan saksakin ito Ngunit patuloy ito sa Pag iwas, Hanggang sa makahanap ng paraan si Muyak upang Saksakin ito na agad na nag tagumpay.

"Napakahusay Muyak!" Nakangiting saad ng Kanilang Pinuno sa Lambana ng Biglang Bumagsak sa lupa si Muyak dahil sa Liwanag na Tumama Sakanya.

"Muyak!" Nag aalalang Sambit ng kanyang mga Kasamahan. "Muyak ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ng mga ito.

Unti unting tumayo si Muyak, na Kinagulat ng lahat. "Ano ito?" Tanong ni muyak ng Makita nya ang kulay asul na sagisag sa Kanyang Braso.

"Sagisag ng Brilyante ng Hangin?" Nag tatalang tanong ni Muyak, "Pinuno?" Tila nakakita ng multo si Muyak ng makita nya ang kanyang mga kasamahan sa kanyang Harapan.

"Bakit kayo lumiit?" Nag tatakang tanong ni Muyak. "Hindi kami Lumiit Muyak, Sadyang Lumaki ka lamang" paliwanag ng Kanilang Pinuno ng tingnan ni Muyak ang kanyang Sarili.

"Paano nangyari ito?" Nag tatakang tanong ni Muyak. "Bakit hindi ka mag tungo sa Lireo? Baka nandoon ang sagot sa iyong mga Katanungan" Sambit nito ng tumango si Muyak.

"Kailangan kong bumalik sa Lireo" Sambit ni Muyak ng muli nyang tingnan ang kanyang mga kasama. "Mag iingat ka muyak" Sambit ng mga Lambana at Retre kay Muyak bago nito lisanin ang kanilang Lugar.

____

"Pirena, Alena at Ybrahim" Sambit ni Danaya ng Tumingin sakanya ang tatlo. "Nais king mag tungo kayo sa Etheria upang makipag usap sa Hara ng Etheria" Sambit ni danaya ng Tumango ang mga Ito.

"Hara Amihan, Nais kong sumama ka Saakin may Kailangan akong ipakita saiyo" Sambit ni Danaya ng yumango ang kanyang Nakatatandang kapatid na Reyna.

"Mag hahanda na kami sa aming pag alis" Sambit ni Alena ng Umalis ang nga ito upang mag ayos.

"Anong ipapakita mo saakin Hara Danaya?" Tanong ni Amihan ng Utusan ni Danaya na lumisan ang mga Dama at kawal. "Nababahala ako Amihan ng makita ko ito" Sambit ni Danaya ng ilabas nya ang isang Kahon na nag lalaman ng isang Ginintuang Orasan.

"Saan iyan nanggaling Danaya?" Nag tatakang Tanong ni Amihan. "Natagpuan ko ito sa Kaharian ng Etheria ng mag siyasat ako doon ng mag isa, hindi ko alam kung para saan ito Ngunit hindi maganda ang Pakiramdam ko dito" Sambit ni Danaya ng hawakan ni Amihan ang Ginintuang Orasan.

"May kung anong kakaiba sa Orasan na ito Danaya, Ngunit mabuti pa siguro na itago muna natin ito" Sugestiyon ni Amihan na agad na Sinangayunan ni Danaya.

_____

"Sino ka?" Tanong ng isa sa mga Jawal ng kanilang harangin si Muyak. "Ako si Muyak isang lambana" Sagot ni Miyak ng mag tinginan ang mga Ito at sabay tumawa.

"Sa pag kakaalam ko ay maliliit ang mga lambana" Sambit nito ng hawakan nila ang dalawang Braso ni Muyak. "Isa kang Maloloko at manloloob" pag aakusa ng Kawal na ito na ikinagulat ni Muyak.

"Teka nag kakamali ka" Sambit ni muyak ng hilahin sa patungo sa Piitan ng mga Diwata. "Dyan ka muna Hanggat wala pa ang mga Mahal na Reyna" Sambit ng Kawal at iniwan ang lambana na naka gapos doon.

"Mahal na Emre tulungan nyo ako, hindi ako maaring Makulong" Sambit ni Muyaka habang Sinusubukan tanggalin ang Gapos sakanyang sarili.

____

"Sino kayo?" Tanong ng isang Nymfas ng Dumating ang mga diwata sa tapat ng Kaharian ng Etheria. "Nais namin makausap si Avria" Sambit ni Pirena ng tumingin ang Nymfas sa Isa nitong Kasamahan.

"Tawagin ang Hara Avria" Sambit nito ng Umalis ang kasama nito at Pumasok sa loob ng Palasyo ng Etheria. Ilang sandali lang ay nag bukas ang Pintuan ng palasyo at dito niluwa ang Hara at ang mga Mashna nito.

"Anong ginagawa dito ng mga Diwata?" tanong ni Avria ng tumingin ang tatlo sakanila. "Gurna" Bulong ni Pirena ng makita nya ang kanyang Dating dama kasama ng mga Kaaway.

"Nandito kami dahil Nais namin imungkahi sainyo ang aming alok, kung saan kikilalanin ng Tatlong kaharian at ng territoryo ng Adamya ang Etheria at ang iykng pagiging Reyna kung ititigil nyo na ang inyong ginagawang oambibihag at oang gugulo" Sambit ni Alena ng Tumingin sakanila si Avria.

"At paano kung hindi namin sundin ang nais nyo?" tanong ni Avria ng mapa ngisi si Pirena. "Mag kakaroon ng madugong digmaan na magiging resulta ng muli nyong oag kabagsak" malamig na Sambit ni Pirena sa mukha ni Avria.

"Pirena!" Babala ni Alena ng lumayo si Pirena sa Mukha ng Hara ng Etheria. "Hindi namin nais ng Digmaan Hara Avria, Bagkus nais naming Kapayapaan para sa lahat kaya kami ay umaasa na ito rin ang inying Nais" Sambit ni Ybrahim ng Tumango si Avria.

"Bigyan nyo kami ng Panahon upang mag isip mga Diwata at Sapiryan" Sambit ni Avria saka iniwan ang tatlo sa labas ng Etheria.

"Avisala Pirena" Bati ni Gurna ng tingnan sya ng masama ni Pirena. "Avisala Taksil na Dama" Sambit ni Pirena ng suklian ng Ngisi ni Gurna ang Sinambit ng dati nyang Alaga.

"tayo na" Sambit ni Pirena saka nilisan ng tatlo ang Kaharian ng Etheria.

__________________________________

Ano kayang maging desisyon ni Avria? Mag karoon kaya ng Digmaan sa Encantadia o tuluyan ng mag kakaroon ng Kapayapaan dito? Abangan!!

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon