Kabanata 71: Cassiopeia at Mitena

65 5 0
                                    

"Minea, Bakit hindi mo sinabi saakin noon na ikaw ay isang Etherian?" Agad na napatigil sa pag lalakad si Minea ng marinig nya ang Tanong sakanya ng Rehav. "Lahat ba ng pinakita mo saakin ay Hindi totoo?" Tanong ni Raquim ng tumingin si Minea sakanya.

"Raquim, Mag papakatotoo ako saiyo, Nung una kitang Nakilala, Akala ko ay kagaya ng ibang mga Rehav na pinakilala sa Akin ni Ina, Na puro Mayayabang At Masasama ang Ugali ngunit nung araw din na yon nakilala kita ng lubusan, Noong araw na iyon nag mulat ang aking mata sa Mga Masasamang Bagay na Ginagawa ng aking mga Magulang" Paliwanag ni Minea ng Lumapit sya kay Raquim.

"Raquim Alam kong Hindi pa tayo lubusang mag kakilala, Ngunit nais ko g malaman mo na Sa Saglit na panahon na kasama kita ay Nabihag mo na ang aking Puso" Sambit ni Minea ng Hawakan nya ang Kamay ni Raquim.

"Raquim Mahal Kita" Pag amin ni Minea ng Mapangiti ang Rehav ng Sapiro. "E Correi Diu Minea" Sambit ni Raquim ng Yakapin sya ni Minea.

"Mahal?! Hindi ako papayag na Saiyo Ikasal si Minea Raquim, Saakin sya itinakda ng kanyang Ina kaya ako ang kanyang Papakasalan" Bulong ni Hagorn sa kanyang sarili habang nakakuyom na palad nyang pinag mamasdan si Minea at Raquim.

"Magaling Cassiopeia, Tunay ngang isa kang Makapangyarihan kang diwata" Sambit ni Evades ng mapangiti ito. "Avisala Eshma Menantre" Sambit ni Cassiopeia ng tingnan ni Evades ang Kapatid nito.

"Mabuti pa si Cassiopeia ay nakukuha ang aking tinuturo kahit pa hindi nya ito nakikita, Mitena ikaw na nga itong biniyayaan ng Paningin ikaw pa itong Napaka hirap turuan" Sambit ni Evades ng Tingnan nya ang kanilang Guro.

"Ngunit Menantre, Hindi naman kami parehas ng kakayahan ni Cassiopeia Oo nga't bulag sya ngunit mas malakas ang Kapangyarihan ni Cassiopeia kesa saakin" Pag dadahilan ni Mitena ng I abot ni Evades ang Espada Sakanya.

"Kung Kapangyarihan ang iyong idadahilan saakin, bakit hindi kayo mag laban ng sandata ni Cassiopeia" Sambit ni Evades ng kuhanin ni Mitena ang Sandata kay Evades. "Kuhanin mo ang Sandatang Ito Cassiopeia" Sambit ni Evades ng Abutin ni Cassiopeia ang Sandatang Ibinigay ni Evades.

"pag bilang ko ng kaskil ay Umatake kayo aa Isa't Isa" Sambit ni Evades ng mag handa ang Dalawang Mag kapatid. "Ire.. Due.. Kaskil!" Pag Sambit ni Evades ng huling Numero agad agad na Umatake si Mitena kay Cassiopeia, ngunit lahat ito ay nasasagga ni Cassiopeia.

At nang si Cassiopeia anv umatake kay Mitena, Agad agad nitong natalo ni Cassiopeia. "Kita mo na Mitena, Kung sineseryoso mo kasi ang pag sasanay nyo hindi ka matatalo ng iyong Kapatid" Sambit ni Evades ng Talikuran nya ang mag kapatid.

"Mag pahinga na kayo" Sambit ni Evades ng Dunaretso ito sa kanyang Pinag paoahingahan. "Wag mo nalamang pansinin ang sinabi ni Menantre Evades, Sinusubok nya lamang ang iyong Kakayahan" Sambit ni Cassiopeia na hindi kinatuwa ng kanyang kapatid.

"Sinasabi mo lamang yan sapagkat ikaw ang laging pinupuri ni Menantre, Tsaka pwede ba Cassiopeia alam naman nating Dalawa na nag bubulag bulagan ka lang isa pa, hindi bagay saiyo ang pag babait baitan mo" Sagot ni Mitena Ng ihagis nya ang Kanyang Sandata sa Lupa bago nito Talikuran ang Kapatid upng mag tungo sa kakahuyan. "Mitena saan ka pupunta?" Tanong ni Cassiopeia ngunit Dumaretso lamang ito sa Kagubatan.

"Bessy" Pag tawag ni Lira sa Kanyang Pinsan ng agad agad itong mapalingon. "Bakit?" Nag tatakang tanong ni Mira. "Wala lang, Bored na kasi ako dito sa Kwartong to" Sagot ni Lira ng Humiga sya sa Kama nila ni Mira.

Sa Sapiro nakatuloy ngayon ang mga Sanggre. Habang nag pupulong ang kanilang mga magulang at mga nilalang na nag mula sa panahong ito ang Dalawanv batang Sanggre ay nananatili lamang sa silid na ito.

"Avisala mga Batang Diwata" Pag bati sakanila ng Rehav ng Sapiro. "Rehav Raquim ikaw po pala, ano pong maipag lilingkod namin saiyo?" tanong ni Mira ng Lumapit sakanila ang Rehav. "bakut wala po kayo sa pag pupulong ng mga nakakatanda?" nag tatakang Tanong ni Lira.

"Nais ko Lamang kayong Makausap dalawa, Narinig ko kasi kay Amihan na Magaling daw kayong Hingan ng Payo" Sambit ni Raquim ng Mag katinginan ang mag Pinsan. "Ano po ba ang problema Rehav?" Tanong ni Mira ng Huminga ng malalim si Raquim.

"Nag tapat saakin si Minea na may pag tingin sya saakin, ngunit sya ay nakatakdang ikasal sa aking Kaibigang si Hagorn hindi ko lamang alam kung ano ang aking gagawin lalo na't Kapag nalaman ito ni Hagorn Ikagagalit nya ito at maaring ikasira ng aming pag kakaibigan" Sambit ni Raquim ng mapangiti sakanya ang mag Pinsan.

"Hindi ko alam na Mag kaibigan pala noon ang ating mga Ilo Lira" Bulong ni Mira sa Kanyang Pinsan. "Alam nyo po Rehav medyo Complicated yung Problema nyo eh pero i suggest mag pakatotoo nalang po kayo sa kaibigan nyo baka sakaling mag kaunawaan po kayo ng maayos" Sambit ni Lira ng Kumunot ang Noo ni Raquim.

"Hindi ko maunawaan ang ibang Salitang iyong binanggit" Sambit ni Raquim ng mapakamot si Lira sa Kanyang ulo. "Ang ibig pong Sabihin ni Lira, Kausapin nyo na po ng masinsinan yung Kaibigan nyo tungkol sa Bagay na iyan, kasi mas malaking gulo kung ililihim nyo po yan" Pag lilinaw ni Mira ng Tumango si Raquim.

"Avisala Eshma, Susundin ko ang inyong Payo sana ay Maging mabut ang Resulta nito" Sambit ni Raquim ng umalis sa silid nila anv Rehav. "My God, Mag kaibigan yung Lolo natin?" Gulat na Sambit ni Lira sa Kanyang Pinsan.

"Sinong mag aakala na ang Mortal na Mag kaaway ay Dating mag kaibigan" Sambit ni Mira ng Mag katinginan silang Dalawa. "Pero Sandali, Kung Iniibig na ni Ila si Ilo Raquim paanong nag kaanak si Hagorn at si Ila?" Tanong ni Mira ng Mapatigil si Mira.

"Baka Noong naging Reyna si Ila, Hindi ba't Si Emre ang Namimili ng magiging Ama ng magiging Anak ng Hara baka si Hagorn ang Napili nya noon kasi Akala nya Magiging Okay ang lahat pag nag ka anak sila" Sambit ni Lira na Agad naman Sinangayunan ni Mira.

_____________________________________

Satingin nyo, paano nag karoon ng Pirena kung hindi natuloy ang kasla ni Minea at Hagorn?

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon