Kabanata 77:Pag bagsak ng Etheria

61 5 0
                                    

Sa Dalampasigan Ng Adamya nag Simula ang Digmaan sa pagitan ng Sapiro,Lireo, Hathoria, adamya laban sa Etheria. Ngunit Habang Nandoon ang mga Etherian ay sinamantala na ng Mag kakapatid ang Pag kakatong iyon upang Pasukin ang Kaharian ng Etheria.

"Saan natin mahahanap ang Ginintuang Orasan?" Tanong ni Pirena habang nag iikot sila sa Kaharian ng Etheria. Malaki ang Loob ng Palasyo, Kung ikukumpara ay Mas malaki lamang ng Kaunti ang Lireo Dito ngunit mas malaki ito sa Sapiro at Hathoria.

"Sa Bibig ng Poon ni Ether" Sagot ni Danaya ng Harangin sila ng mga Natitirang Kawal ng Etheria. "Hindi maaring Pumasok ang mga Katulad nyong Diwata dito" Pag harang Ng Kawal ng Mag katinginan ang mag Kakapatid.

"Wag Nyo nang sayangin ang Inyong nga lakas ako na ang mahala dito" Sambit ni Alena ng Patamaan nya ang Enerhiya mula sa kanyang Brilyante ang mga Tagabantay ng Etheria.

"Kahanga hanga" Papuri ni Pirena dahilan upang Mapangiti si Alena. "Alam ko" Nakangiting Sagot ni Alena ng Pumasok sila sa Isang Silid ng Etheria. "Bakit kaya hindi nalang tayo humingi ng Tulong sa ating Brilyante?" tanong ni Danaya ng Mapatigil sila sa pag lalakad.

"Bakit ngayon mo lang Yan Naisip?" Tanong ni Pirena ng Ilabas ni Amihan ang Kanyang Brilyante. "Brilyante ng Hangin inuutusan kitang hanapin ang Daan kung saan nakatago ang Ginintuang Orasan ng mga Etherian" Utos ni Amihan ng Lumabas sa Kanyang Brilyante ang Isang Liwanag na nag tuturo kung saan ang Daan na kanilang Hinahanap.

"Kamusta po kaya sina Inay?" Nag aalalang Tanong ni Amihan habang nag lalakad sila patungo sa Lagusan pabalik sa Kanilang Panahon. "Nakakasigurado akong Maayos lang ang mga Hara Mahal na Sanggre" Sagot ni Aquil ng Mapalingon si Lira mula sa Naririnig nyang nag puputukang Bomba.

"Lira, Bilisan mo ang Paglakad" Utos ni Mira ng Hilahin nya papalapit sakanya ang Kanyang Pinsan. "May Kapangyarihan ang mga Sanggre Kaya Nila ang kanilang Sarili" Sambit ni Ybrahim ng Tumango si Lira.

"Lord Gabayan nyo po sina Inay" Paulit ulit na Sambit ni Lira sa Kanyang Sarili Hanggang Sa Makarating sila sa Lagusan. "Mabuti ang Bukas pa ang Lagusan" Sambit ni Aquil habang Nakatingin sa Lagusan pabalik sa kanilang Panahon.

"Mga Sanggre Mauna na kayo" Sambit ni Azulan ng tumango ang nag pinsan saka Pumasok sa Lagusan, Kasunod naman nila di Ybrahim dala dala si Deia at Si Aquil at Azulan.

"Hara Avria, Ang mag kakapatid na diwata sila ay nasa Etheria" Bulong ni Andora ng maramdaman nya ang Ginagawang Pag Pupuslit doon ng mag kakapatid. "Mga Pashnea!!"Sigaw ni Avria ng saksakin nito ang Kawal na kalaban nya. "Tawagin mo ang Mga Heran tayo ay babalik ng Etheria" Utos ni Avria ng nag mamadaling Umalis si Andora.

"Wala akong nakikitang Poon ni Ether Dito" Sambit ni Alena ng dalhin sila ng Brilyante ni Amihan sa Isang Silid na Walan Laman. "Tila Niloloko tayo ng Iyong Brilyante Amihan" Sambit ni Pirena ng Kumunot ang Noo ni Amihan.

"Kailanman ay hindi nag kamali ang Aking Brilyante" Sambit ni Amihan habang Nakatingin sa kanyang mga Kapatid. "Marahil ay Nakatago lamang ito dito" Sambit ni Amihan ng Sumangayon si Alena.

"Brilyante ng Lupa inuutusan kita, Ipakita mo saamin ang Poon ni Ether" Utos ni Danaya sa Kanyang Brilyante ng Mag Bukas ang Isang Lihim na Lagusan. " Tuso talaga ang mga Etherian" Nakangising Sambit ni Pirena ng Pasukin nila ang Lihim na Lagusan.

"Ang Kayamanan ng Mga Etherian" Bulong ni Danaya ng Pasukin nila ang Lihim na Silid. "Tunay na Kamangha mangha ang mga Etherian" Sambit ni Amihan ng Makita nila ang Kumikinang Sa Statwa ni Ether.

"Saan nila nakuha ang lahat ng ito?" Nag tatakang Tanong ni Alena ng Lumapit sila sa Ginintuang Poon ng Bathala. "Kailangan Paba Nating malaman iyon?" Tanong ni Danaya ng Ituro nya ang Orasan sa Bibig ng Statwa.

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon