Kabanata 31: Pangitain ni Lira

103 10 0
                                    

((A/N) So remember the time na Nakikita ni Lira yung mga masamang mangyayari in the Future, So Imagine na Isa to sa mga Kapangyarihan na Hinandog sakanya ni Cassiopeia nung Ipanganak sya)

"Hindi! Hindi maari!" Sigaw ni Lira habang ang Kanyang ulo ay hjndi mapakali kung saan nya ito ilalagay. Payapang Gabi sa Sapiro at tanging mga Sigaw ni Lira ang umaalingawngaw sa Kahariang ito.

Unti unting ginagapangninLira ang kanyang sarili aa Lupain, Tatlong putok ng Baril ang tumama sakanya Ngunit pinipilit nyang Gumapang upang makaalis.

Lupa ang kanyang Tinitngnan, nanghihina na ang kaylnyang katawan at tila ilang Sandali na lang ay Susuko na sya. Ng iangat nya ang kanyang Mukha, doon nya nakita ang isa sa mga Tagapangalagang si Ariana.

Bakas sa muka nito ang takot at pag aalala sa kanyang Kapatid. marahang Lumapit si Ariana kay Lira upang ma Sagip nya ito ng Umiling si Lira.

"Wag" Bulong ni Ariana ng Suklian sya ng Ngiti ni Lira. "E Correi Diu" Mahinang Sambit ni Lira ng isang malakas ng putok ng baril ang tumama kay Lira.

"Cassandra" Huling Sambit ni Lira ng Tuluyan ng mawala ang kanyang Buhay.

"Lira!" Sigaw ni Amihan habang niyugyog nya ang kanyang Anak. "Lira anak gumising ka!" Nag mamakaawang Sambit ni Amihan habang patuloy ito sa pag kaskas sakanya.

Tila isang Malamig na tubig naman ang Bumuhos kay Lira ng agad syang Magising mula sa Isang Masamang panaginip na ito.

"Lira" Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Amihan ng Tuluyan ng Magising ang kanyang Anak. Agad naman syang niyakap ni Lira dahil sa Takot mula sa Masamang Panaginip nito.

"Nay!" Umiiyak na Sambit ni Lira habang yakap yakap nito ang kanyang Ina. "Lira anong nangyari?" Tanong ni Amihan Ngunit patuloy lang sa pag iyak ang kanyang Anak.

"Amihan anong nangyari?" Tanong ni Ybrahim ng dumating ito sa silid ng kanyang Anak. "Lira ano't umiiyak ka?" Nag tatakang tanong ni Ybrahim habang yakap yakap sya ni Amihan.

_____

"Paano na to Mahal na Hara, hindi tayo nag tagumpay sa pag paslang sa mga Diwata" Sambit ni Odessa ng Ngumiti di Avria. "Mabuti, sapagkat may mas mabuti akong Plano na sigurado akong Ikamamatay ng mga Sanggre" Sambit ni Avria ng mag katinginan ang Tatlo.

"Uunahin natin ang kanilang Minamahal na mga Munting Sanggre" Sambit ni Avria ng mapatingin sakanya ang lahat saka ngumiti.

"Napakagandang Plano Hara" papuri ni Andora ng Tumango si Juvila at Odessa.

_____

"Nandito na ang Hara Amihan at Rama Ybrahim" Sambit ni Mira ng Dumating sila sa Punong Bulwagan kasunod ang Hara at Rama,kasama si Lira na tila wala pa din sa Sarili.

"Avisala Hara, Rama" Bati ni Danaya ng Makita nya ang mga ito. "Mabuti at nandito na kayo" Sambit ni Pirena sa kanyang Kapatid.

"Ano ang dahilan ng pag tawag nyo sa Pag pupulong na ito?" Nag tatakang tanong ni Amihan ng mag katinginan ang tatlo. "Marahil alam mo na,Rama  ang naganap sa Piging" Sambit ni Alena ng tumango ito.

"May kakaiba akong kutob na may kinalaman ang mga Etherian sa nagamap na ito" Pag amin ni Danaya ng bumuntong Hininga si Alena.
"Maging ako ay may kutob na sila ang may pakana noon" Nanghihinayang na saad ni Alena.

"Ngayon ay naniniwala na kayo sa Sinasabi namin ni Amihan?" Hindi makapaniwalang Saad ni Pirena. "Ngunit, wala tayong pruweba na sila nga ang may gawa non" Sambit ni Imaw ng Mapatingin sakanya ang lahat.

"Tama ka Nunong Imaw, sapagkat nakita natin na Ang Kawal nga ng Lireo ang May Gawa noon" Sambit ni Alena ng Kumunot ang Noo ni Amihan.

"Naniniwala ba talaga kayo na Gagawin ng Isang Tapat na kawal ng Lireo ang mag tatangka sa buhay ng lahat?" Tanong mi Amihan sa kanyang mga kasapi. "Mahirap man Paniwalaan ay Oo, Sapagkat Hindi naman lahat ng Encantado ay Pabor sa Ating desisyon na makipag kasunod sa Etheria" Sagot ni Alena.

"Ngunit Para Isugal ang Buhay ng lahat?" Sambit ni Amihan kaya napakibit balikat nalamang si Alena.

"Siguro ay wag nalang muna natin ipag sawalang bahala ang ating mga agam agam ngunit, kailangan muna nating manahimik dahil hindi natin gugustuhin ang Digmaan" Sambit ni Ybrahim ng tumango bilang pag sang ayon ang lahat.

"Lira ano't Tahimik ka ata?" Bulong ni Mira sa Kanyang Pinsan. "Oo nga Ate may sakit kaba?" Nag aalalang tanong ni Paopao ng umiling si Lira. "Okay lang ako" Sambit ni Lira at Ngumiti, kahit pa ang totoo ay Inaalala nya ang kanyang Masamang Panaginip.

"Mga Tagapangalaga, Sana ay maging Leksyon sainyo ang naganap kagabi na matuto kayong mag ingat at pag butihin ang inyong pag sasanay" Sambit ni Danaya ng Tumango ang lahat bukod kay Lira.

"Lira?" Tanong ni Danya Ngunit hindi kumibo ang Sanggre. "Mahal na Sanggre" pag uulit ni Danaya ng Sikuhin ni Mira ang Kanyang Pinsan.

"Po? Ano po yun?" Tanong ni Lira ng mapailing nalamang si Danaya. "Nakikinig kaba sa aming sinasabi Lira?" Tanong ni Danaya ng Lapitan ni Amihan ang kanyang Nakababatang kapatid.

"Hayaan mo Muna si Lira, Danaya Hindi maganda ang Pakiramdam ng aking Munting Sanggre" Bulong ni Amihan ng Tumango nalamang si Danaya.

"Sige na mga Tagapangalaga, Iniintay na kayo ni Muros sa Dalampasigan para sa inyong pag sasanay" Sambit ni Alena ng Sabay sabay na umalis ang lahat, Habang si Lira ay Tila lumulutang padin sa Hangin ang isipan.

______

"Sanggre Lira?"

"Sanggre Lira!"

Sunod sunod na pag tawag ni Muros kay Lira habang nakatulala ito sa Malayo. "Lira tinatawag ka ng Mashna" bulong ni Ariana ng bumalik sa Pag iisip si Lira.

"Nakikinig kaba mahal na Sanggre?" Tanong nito ng Mapayuko si Lira. "Patawad Mashna" Sambit ni Lira ng bumuntong hininga ito.

"Ikaw na ang susunod" Saad ni Muros ng Lumapit si Lira sa Kanya dala dala ang kanyang Sandata.

"Estasectu" Sambit ni Muros ng ihanda ni Lira ang Kanyang Sarili. "Atayde!"Sambit ni Muros ng Agad na Sumugod ang mga Kawal ng Lireo kay Lira.

Agad namang sinanggaan ni Lira ang mga Hampas ng Sandata, ngunit halata pa din dito ang kawalang gana nito at ang mga malalambot na Pag Sangga nito dahilan upang agad syang matalo ng mga Kawal.

"Lira, ano't napakalambot ng iyong mga Galaw? Habang pinapanood kita ang naalala ko ay ikaw ang Lirang kakarating lang sa Encantadia na hindi marunong gumamit mg Sandata" Sambit ni Muros ng Mapayuko ang Sanggre.

"Poltre Mashna" Maiksing Sambit nito ng mapabuntong hininga si Muros. "Kung patuloy kang aasta ng ganito ay Madali kang mapapaslang ng kalaban" Sambit ni Muros ng mapatingin sakanya si Lira.

"Masama lang po ang Pakiramdam ko, muli Ay Poltre" Sagot ni Lira ng mapabuntong Hininga si Muros. "Mag pahinga ka muna sa Tabi, at ang iba ay mag tungo na dito kayo na muna ang mag sanay" Utos ni Muroa na sinunod ng lahat.

Naupo si Lira sa Isang tabi, habang pinapanood nya ang kanyang mga Kaibigan sa pakikipaglaban. Alam nyang hindi lang basta panaginip ang Panaginip nya, Alam myang babala na ito sakanya Ngunit hindi nya alam kung paano nya ito pipigilan




____________________________________

Abangan ang susunod na Kabanata!!

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon