Chapter 45: Wala na ba talaga?

217 0 0
                                    

Nick Alvarez:

"Oh my GHaad! Buti naman gising ka na! May masakit ba sayo ha?! Tell me, papatawag ko yung doctor." Naghi-hesterical na pagkakasabi ni Sandz...

"Okay lang ako Sandz. Masakit lang katawan ko." Sagot ko sa kanya. Umupo siya sa may side ng kama ko at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo ba nung nabalitaan kong binugbog ka nung mga walang kwentang lalaking iyon, agad akong pumunta dito para icheck kung kamusta ka... Buti na lang sinabi nila na okay ka dahil kung hindi, i really don't know what to do!" Sabay hinga niya ng malalim na para bang na-relieved...

Si Kaith kaya? Nag-aalala rin kaya siya sa akin? Pinuntahan niya kaya ako? Nalaman niya kaya yung nangyari? Gustong gusto ko na siya makita, gusto kong siya mag-alaga sa akin. Balewala naman kasi itong nararamdaman kong sakit dahil sa mga sugat na natamo ko eh, mas masakit pa yung pag-balewala niya sa akin dahil lang sa kasalanan kong di ko naman sinasadyang magawa.

"Nick! What's wrong?! May masakit ba? Kanina pa ako salita ng salita dito, wala ka namang imik jan..." Napatingin ako kay Sandz na parang wala lang...

"S-si K-kaith.... Pumunta ba siya?" Tanong ko.

"Kung pumunta yun, edi sana nandito siya at inaalagaan ka... Wala naman diba? So that means, wa siya care sayo!" Na-disappoint ako sa nalaman. Mukhang tama siya, di niya nga ako pinuntahan diba? Ni silip man lang wala. Galit pa rin siya!

"Hay! Sana naging malala nangyari sa akin para maisipan niya man lang na puntahan ako..." Malungkot kong sinabi. Itong si Sandz naman bigla na lang akong hinampas!

"Aray! Bugbog katawan ko Sandz! Maawa ka naman!" Sagot ko sa kanya habang hinihimas yung part na nahampas niya

"Sorry naman! Ikaw kasi eh! Yan ngang nangyari sayo todo worry na ako panu pa kaya kung grabe? Sapak you want? Kainis ah!" Sabay irap sa akin. Napangiti naman ako sa kanya.

"Ikaw nga ha! Wag mo ngang hanapin yun wala, nandito naman ako oh! Aalagaan kita." Nag-smile siya sa akin kaya nag-nod ako.

"Thanks. Thanks for being there." Slight smile kong sinabi

"I know right?"

Sam Ricks:

Kamusta na kaya si Nick? Ang sabi kasi okay na daw siya... Pero ang mas dapat ko sigurong isipin ngayon si bestfriend, kanina pa siya wala sa sarili, I mean panay nakalutang ganun? This past few weeks kasi ramdam mo kasing may problema yung dalawa, di pumapasok si Nick, if ever naman na present, amoy alak or nag-cutting... Si Kaith naman namamaga mga mata tapos ang dalang ngumiti... Naku, don't tell me nag-break yung dalawa? Bet ko pa naman tandem nila! Ano ba ito, ang alam ko kasi ako unang nakakasagap ng balita eh, anyare?

"Kaith!!" Salubong ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Kaya lumapit na ako sa kanya.

"Hey!" Tawag ko ulit. Grabe idedma beauty ko ah!

"Sam..." Nag-slight smile siya.

"Mag-usap nga tayo girl! Isang linggo ka nang ganyan!" Nakakunot noo kong sabi

"Obvious ba Sam?" Ay?

"Ehhh? Sa tingin mo ba aayain kita makipag-usap kung hindi ko halata?"

Umupo kami sa isang bench dun sa may park na kami lang ang tao...

"Okay, let the story begin." Sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin. Parang di niya knew kung san magsisimula.

"Oh sige ganito na lang, tatanungin kita at sasagutin mo isa isa!" Nag-nod lang siya.

"First, anong nangyari between you and Nick? Bakit bigla na lang kayong magnet na nagrerepel?" Napahinga siya ng malalim.

"Di ko alam Sam eh. Ewan ko." Okay, di ko gets!

"Ha?!" Kunot noo ko ulit sinabi

"Nasaktan ako Sam eh." Nakikita ko na naman yung mata niya na may nagbabadyang tumulong luha.

"Nasaktan? Anong ginawa niya?" Ayan, tuluyang tumulo na mga luha niya!

"Ayoko na alalahanin. Alam mo, mas nasasaktan ako ngayon! Naiinis ako sa sarili ko!" Umiiyak ba siya! OMG! Anong gagawin ko?! Niyakap niya ako tapos sa balikat ko siya umiyak.

"Alam mo na ba nangyari sa kanya kanina?" Tanong ko habang hinihimas yung likod niya. Nag-nod naman siya.

"Sam, gusto ko siya alagaan... Gusto kong yakapin siya kasi alam kong nasaktan siya... Pero wala akong magawa! Wala ako sa tabi niya para gawin yun!" Grabe na iyak niya. The whole life kong nakasama ko siya, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Kaith, bakit ayaw mo siyang puntahan? Bakit ayaw mong gawin ang gusto mo sa kanya?"

"Kapag kasi nakikita ko siya naaalala ko yung nangyari... Ayoko na magalit Sam... Pagod na ako, pero kasi hindi ko alam kung paano siya lalapitan lalo na't alam kong may tao na sa tabi niya para gawin yung dapat na ginagawa ko sa kanya." Nanlaki mata ko sa narinig... Ibang tao?!

"Sino naman?!" Tanong ko sa kanya na medyo napalakas

"Si Sandra..." Umakyat na dugo ko sa ulo ko!!!

"Bakit hinayaan mo?! Ano ka ba Kaith! Ex siya ni Nick! Paano kung agawin niya sayo si Nick?!" Eh sa nanggagalaiti ako sa inis eh! Alam ko kasi ugali nun... SELFISH na PLASTIC pa!

"Ewan ko Sam..." Tumayo na siya at pinunasan ang mga luha niya tapos ngumiti.

"Sorry Sam ah. Parang baliw na ako... Ako itong si hard-to-get indenial pakipot queen na kunwari sinusumpa yung boyfriend pero deep inside gustong gusto nAng yakapin..." Tapos tumawa siya... Napailing na lang ako. Tama siya! BALIW NA NGA!

"Talaga bang wala ka nang pakialam sa akin?" Napatingin kami ni Kaith sa nagsalita... Si Nick. Kawawa itsura niya... ;(

"Umuwi ka na." Cold na sabi ni bestfriend

Anong nangyari? Kanina lang... Hay ANG GULO!

"Wala na ba talaga ha?" Mangiyak-ngiyak na si Nick... OMG! Tagos hanggang buto ang nararamdaman kong awa sa kanya!

"Pahinga ka na lang. Umuwi ka na" tumalikod si Kaith kay Nick. Gosh! Idol ko na talaga si Kaith! Nakeri niya pa ring tiisin si Nick? Napayuko na lang si Nick at umalis na...

Grabe! Sarap ipakuryente itong si Kaith... Di ko alam kung manhid or what! Di na naawa kay Nick. Gosh!

"Friend?" Gusto ko siya tanungin... Ano ba balak niya mangyari? Hahawakan ko na sana kamay niya pero...

"Sige Sam, uwi na ako" tumakbo siya paalis habang umiiyak.

Ako na! Ako na hindi maka-gets ng sitwasyon ng magka-loveteam!

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon