Kaith Torres:
"Kamusta na nga pala paa mo??" tanong sa akin ni Mico. Nandito kaming dalawa ngayon sa cafeteria nakatambay. Nagkaroon kasi ng meeting yung mga teachers kaya wala kaming klase. Yung iba naman nasa kani-kanilang orgs at nagpa-plano ng activity kaya wala rin dito sila Dara. At ako naman, nag-break muna from hectic schedule... medyo busy kasi ngayon dahil kinabukasan prom na... LAst project ko na yung event na yun as president...
"Okay na naman siya. Hindi na masakit." Sagot ko naman sa kanya.
"Kamusta na pala kayo ni Nick?" napatingin ako bigla sa kanya. NAgulat ako sa tanong niya... Di ko ineexpect.
"Ha? May dapat bang improvement??" tanong ko... Natawa naman siya.
"Hindi naman sa ganun. Maiba ako, may date ka na para bukas??" hay, actually wala pa... di ko na naasikaso yung part na yun dahil super nag-focus ako dun sa preparations. Hindi ko nga namalayang may nagyayaya sa akin eh... Meron nga ba?
"Wala pa nga pala noh... If you want ikaw na lang..." Nag-smile ako sa kanya and gave him 'what do you think' look
"Tss... Iba na lang... may naaya na ako eh. Alam mo naman... gwapo ako eh." Medyo may pagka-presko rin itong isang ito noh?
"Yabang! Grabe ka, bakit mo ako tinanggihan?? You know what, sa ginawa mong yan, parang pinakawalan mo yung napakaprecious na kayamanan sa buong mundo..." nagtawanan kaming dalawa.
"Ikaw nga diyan yung mayabang eh. Maghanap ka na lang ng ibang makaka-date bukas."
"Di bale na lang... okay lang kahit ako na lang mag-isa. Oo nga pala,,, I have something to tell you." Napatingin siya sa akin bigla at iniwanan yung pinagkakaabalahan niyang pagkain kanina.
"Ano yun??" haaaay... lakasan mo loob mo Kaith... KAya mo ito!
"Yung inorganize ng council na prom... ano kasi yun eh, last project ko na." nakayuko kong sinabi... iniiwasan ko makita expression niya
"Ha? Di ko gets... anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tinanong sa akin.
"I'll be stepping down as the USC President after the event tomorrow..." narinig kong nasamid siya sa narinig mula sa akin...
"WHAT??!"
"Magreresign na ako bilang president..."
"Pero bakit??????" napahinga ako ng malalim.. sasabihin ko na yung napag-usapan namin nila Dad bago pa man ako mag-debut.
"Aalis na ako ng SMU... I'll be flying for US two days after prom." unease kong sinabi sa kanya
"ANO?! Bakit??? Ang bilis naman yata?"
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...