Chapter 56: Nick's EX

158 0 0
                                    

Kaith Torres:

After nung simpleng date namin ni Nick, bihira na naman kami kung magsama... ang excuse niya kailangan niya samahan si Sandra kasi kailangan daw ng kaibigan. Di pa niya nakukwento yung buong pangyayari kasi nga busy sa pag-comfort sa tao na siya lang yata yung tinuturing na kaibigan...

"Naku Kaith, wag mong sanayin si Nick na laging kasama yung ex niya noh!" si Dara mainit na naman ulo

"Dara, friends na lang sila..." sagot ko habang nag-aayos kami ng gamit

"Friends?? Si Nick baka friends na nga lang tingin dun sa baabeng iyon, pero yung Sandra??? I doubt! Baka pinagnanasaan pa yung boyfriend mo nun noh!" haaay

"Dara, foul na yan. Wag na lang natin bigyan ng ibang meaning yung sitwasyon. Kailangan lang talaga ng kaibigan nung tao..." sagot ko naman

"Na nagkataong yung EX niya?? Ganun ba yun??" haaay... nagtataray pa rin ang babaita

"Teka nga Dara, bakit ba ang init ng dugo mo dun sa babae na yun??" sumali na rin sa usapan si Sam

"Hay naku! basta! Ayoko dun sa babae na yun! Naku, Kaith, mag-isip isip ka na at baka mamaya masulot na rin niya yang boyfriend mo! Ang lakas pa naman ng tama niyan sa kanya dati noh.... Ikaw rin!" Tapos bigla siya nag-walk out

"Anyare dun?" nag-shrug lang ako ng shoulders

"Ikaw ba Kaith... bakit pinapayagan mong magsama yung dalawa?" napatingin ako kay Sam...

"Mag-kaibigan sila eh..." yan lang sagot ko.

"Kahit alam mong dating naging sila?? Di ka man lang natatakot?" 

"May takot rin siyempre. Kaso, sobrang laki kasi talaga ng tiwala ko kay Nick. Pinanghahawakan ko yung sinabi niya sa akin nung nasa park kami..." napailing na lang si Sam

"Nagseselos ka ba dun kay Sandra?" nagseselos nga ba ako?

"Bakit naman ako magseselos??" tanong ko

"Hello! Kung kailan libre ka sa commitments sa school saka naman disappear yung bf mo dahil dun sa babae na yun. In short, mas binibigyan pa siya ng time kesa sayo..." 

"Naiintindihan ko naman yun eh. Kailangan niya lang ng masasandalan.... Parang kami ni Mico... as simple as that." explain ko

"Sus! Si Mico nga kung pagselosan ni Nick wagas eh... pinsan niya pa yun ah! Makita niya lang kayong magtawanan umuusok na ilong sa galit yun eh..."

"Ganun talaga si Nick... alam niya kasi na nagkagusto si Mico sa akin before kaya natural na lang na pagselosan niya yung tao."

"PArang ganyan din naman yung sitwasyon with Sandra diba?"

"That's why I don't need to be insecure kasi assured ako kay Nick kasi ganun ako sa kanya.. Sam, let's not talk about them na lang okay?" napailing na lang siya sa request ko.

"Sorry bebs! Hinatid ko pa si Sandz eh... Tara?" napatingin kami bigla kay Nick

"Speaking of..." sabi naman ni Sam.

"Uy pards! hello!" binati naman siya ni Nick... pero inirapan lang siya ni Sam... Si Sam talaga!

"Problema ng kaibigan mo bebs?" nag-shrug lang ako habang nakangiti.

Kinuha na ni Nick yung gamit ko at nauna nang lumabas.

"Sige Sam, una na kami ah. See you tom." nag-beso na kaming dalawa... tapos umalis na kami ni Nick...

Sa sasakyan habang nagda-drive si Nick... TAhimik lang kami parehas. Ayaw ko rin naman siyang tanungin kung ano ba talagang nangyari kay Sandra at kailangan niya pang samahan araw-araw. Aaminin kong nagseselos na rin ako, pero kasi kung ipapahalata ko mag-aaway lang kami. Ayoko na nag arguement.... nakakasawa saka nakakapagod. Alam kong pagod na rin si Nick kasi para siyang lagare sa aming dalawa...

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon