Kaith Torres:
"Guys, Practice na ulit!" ayan sumigaw na si Ate Pau. Nasaan na ba si Nick? Ang tagal naman yata... Kailangan abutin ng 30 minutes para makabili ng tubig?!
"Kaith... Okay ka lang? Mag-start na tayo." Napatingin ako kay Ate Pau na nakahawak sa shoulder ko. Nag-nod lang ako.
Since sa susunod na araw na yung performance, kailangan mapolish na namin ito ngayon dahil bukas rest day... Kaya heto, kahit ilambitin nila ako okay lang. Nakakapagod, pero masaya ang feeling, para kasi akong lumilipad!
"Kaith... Lambutan mo pa ng konti yung galaw ng mga fingers mo." Nag-nod na lang ako.
Sorry naman ah. Alam kong para akong kawayan kung sumayaw. Hello! Di naman kasi ako dancer! Lahat ng parts ng katawan ko kailangan pang ipressure cooker para lumambot.
"Ayan... Okay na yan Kaith, i-sunod mo lang sa tempo ng song, perfect na yan!" Napapalakpak si Ate Pau sa tuwa... Jusme, grabeng effort ito ah! Pero okay lang, for the sake of the show,,, GO!!
After 123456 years, natapos rin kami mag-practice, and yung magaling kong boyfriend,,,, WALA PA RIN. Ano na nangyari dun? Nalunod sa inuming binili? Haaay.
Pumunta na muna ako sa backstage para ayusin na yung gamit ko at para makapagpalit na rin ng damit.
Pero bago pa ako makapasok sa may dressing room nag-ring phone ko.
Pagtingin ko sa screen...
*Dara calling*
"Dara, what's up?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Ready for tomorrow?" Napa-smile ako.
"Okay na ba lahat?" Tanong ko sa kanya.
"Of course! Bonggang effort ang ginawa namin ni Sam noh! Kayo na lang kulang, perfect na yun." Napa-tawa ako sa tono ng pagdeliver niya sa sinabi niya.
"Thanks ah!"
"WC friend! Ikaw pa!" WC?? O.o
"WC? What word is that?!"
"Haha! Dumb dumb Kaith... It means, welcome! Sige na we have to go, contact us na lang kung may problem ka for tomorrow's event ah... Love you friend!"
"Aaahhh.. Owkey. Sure. Thank you so much friend, love you too!" Then we both hung up.
After kong magpalit ng damit, I checked again my phone to check if my boyfie texted me or not... Pero wala! Ano na nangyari dun? So di na ako nakatiis... I dialled his number and called him.
*Calling Bebz <3*
===the subscriber cannot be reached please try again later===
What the heck is wrong with him? Haaayy, worried na ako. If my emergency siyang pupuntahan I'm pretty sure tatawag yun or magtetext sa akin. Baka...
No... Erase erase... Wag naman po sana.
Pero kasi... Hay Kaith stop thinking anything bad!
Kinuha ko na gamit ko pati yung bag niya na nasa seat pa pala at agad lumabas na ng auditorium...
I was about to call kuya Rigs para magpasundo at magpatulong hanapin si Nick when I saw someone sitting sa stairs sa harap ng front door ng audi...
"Nick?" Nilapitan ko siya to check kung siya nga, eh,,, siya nga talaga eh! So I sit next to him.
"What happened? San ka ba galing? I've been calling you. Nag-woworry na nga ako, i thought may nangyaring masama sayo." He remained silent.
Shocks! Ano bang nangyayari sa kanya? Ang ganda ganda ng mood nya bago umalis kanina, tapos ngayon parang ewan lang...
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...