Nick Alvarez:
"Ma..." Napatingin sa akin si mama nung tinawag ko siya.
"Angelo?" Ngumiti siya at nilapitan ako.
"Can we talk?" Tanong ko sa kanya.
"Of course. Tungkol san ba yan? Dun tayo sa clinic mag-usap."
Pagdating namin sa loob agad niya akong pinaupo sa may upuan sa may table niya.
"So tungkol san ba yung pag-uusapan natin?"tanong niya.
"It's about Kaith." Napansin kong nag-iba yung expression ng mukha niya.
"I knew everything, Ma. Alam ko na po yung tungkol sa sakit niya." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"You knew na..." Nag-nod ako
"Alam ko na rin na ikaw ang doktor niya." Bigla lumungkot ang mukha niya
"Angelo... Please don't hate me dahil hindi ko sinabi sayo. I just want to grant her wish bilang kapalit ng naging effort niya para mapag-ayos tayong mag-ina. It doesn't mean na inilihim ko sayo yung about dun... Gusto ko lang talaga magtanaw ng utang na loob sa kanya. I'm sorry." Umiling ako at binigyan siya ng mahinang ngiti
"It's fine. You don't have to explain everything to me. I understand." Napahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko
"I just want to know the real state of her condition, Ma" pinipigilan kong maglabas ng emosyon hangga't maari. Ayokong maging mahina. Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.
"She's...." Parang nag-aalangan pa siyang sabihin.
"It's okay, Ma. Kaya ko, gusto ko lang talaga alamin yung totoong lagay ng mahal ko." Nag-nod siya. Handa kong tanggapin kung ano man yung totoong kalagayan niya kahit alam kong masasaktan ako sa maririnig ko.
"Angelo, sa totoo lang, she's not okay. You're aware naman na sobrang hina na ng puso niya. It's dilated cardiomyopathy. And DCM has no cure. Medications are not enough. Even surgical procedure won't help to treat her condition. Akala ko nga noon, gagaling na siya dahil she went to America for treatment, pero even them cannot cure her, pero may sinabi yung auntie niya na she refused to undergo another treatment and just decided to go back here. Honestly, I really don't know her the reason. Maybe you can ask her about it." Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko habang sinasabi niya yung mga ito ngayon.
"You need to be strong, Angelo. Kailangan mong maging matatag para sa kanya. Huwag mo sanang ipakita na nasasaktan ka sa harap niya... I'm sure mahihirapan rin siya. Kaya nga ayaw niya ipaalam sayo dahil alam niya masasaktan ka. Gusto niya raw maging normal sa paningin mo."sa kinuwento niya lalo akong napapaluha
"My son..." Nilapitan niya ako at niyakap. Lalo na akong napahagulgol sa iyak. Ngayon lang ako naiyak ng ganito... Ngayon ko lang nailabas yung bigat sa dibdib ko. Tama siya, ayaw ni Kaith na nakikita akong nagkakaganito. Kaya nga pigil na pigil ang emosyon ko kapag nasa harapan niya.
"Tatagan mo loob mo. Kailangan ikaw ang malakas, kasi sayo siya kukuha ng lakas para labanan yung sakit niya." Nag-nod ako.
Kaith Torres:
"Tita, si Nick po?" Kakagising ko lang ngayon. As usual, nandito na naman ako sa hospital... Nawalan daw kasi ako ng malay after namin magkita ni Nick after nung nangyaring kabaliwan ko... Yung binreak ko siya dahil natakot ako na iwanan niya kasi may sakit ako? Ayun, kaya heto ang bagsak ko...
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Novela JuvenilSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...