Chapter 69: Promenade

130 0 0
                                    

Nick Alvarez:

Good Morning Nick! :*

Ngayon lang ulit ako ginanahang gumising ngayong umaga... Pagkatapos kasi nung mga nangyari kagabi parang sarap na gumising araw-araw lalo na't alam mong may babati sayo ng ganito? Priceless!

Nireplyan ko na... baka simulan na naman ng away... hehe

Morning din baby ko... Love you <3

Di pa nakaka-isang minuto narinig ko yung pag-vibrate ng phone ko...

Kaith: Tsss... I've been waiting for you reply! Nyways... you're attending sa prom later diba? :)

Nick: Sorry baby... Ngayon lang nagising eh... Why? Do I have to attend? 

Kaith: You're not?? I thought we're clear on that? You'll be my partner later diba?

Nick: Is that so? Can't remember...

Kaith: K fine... I won't force you if you're not interested... Maraming boys later, I can surely found someone else... hmp >.<

Aba... tama bang pagselosin ako? Di na ako nagreply... TINAWAGAN KO NA!

"Wag na wag ka maghahanap dun ng iba! Magagalit ako sayo..." naiinis kong sinabi

"You started it... bakit naiinis ka diyan?" narinig ko pa yung pag-smirk niya... 

"I'm just fooling around here!" 

"Fooling around? tss... Ewan ko sayo." Hala... galit na naman yata siya sa akin

"Bebs galit ka na? Sorry na... I've been insensitive. Sorry if I didn't think about how you'll feel... sorry na..." mangiyak-ngiyak kong sinabi sa kanya... narinig ko yung pagtawa niya sa kabilang linya... 

"Anong drama yan? Grabe maka-emote ah... I'm not mad. I am fooling around just like you." tingnan mo ito... halos umiyak na ako sa takot na baka magalit na naman siya sa akin tapos tatawanan ako??

"Bad! Don't do that okay? Akala ko nagalit ka na naman sa akin eeh... papakamatay na ako kung mag-aaway ulit tayo..." 

"It will never happen Nick. Yun kung magiging good boy ka na."

"Opo. Good boy na ako"

"Good... sige na, I have to go. Take your breakfast okay? See you later."

"Bebs, I'll fetch you later okay?"

"Wag na... Kailangan kong pumunta ng maaga dun eh. Sa venue na lang tayo magkita."

"Ganun ba? Okay..."

"Sige na... bye... @$^$#%&#" di ko masyado naintindihan yung last part na sinabi niya... di ko na naman naihabol itanong dahil bigla na lang nag-busy yung line...

                                                                    <<<<<PROMENADE>>>>>

Dumating ako na nag-start na yung program... 45 minutes akong late dahil sa badtrip na traffic na yan! 

"Nick" napalingon ako sa tumawag sa akin.

Nung nakita ko siya, napangiti ako at sinalubong ko siya sabay halik sa pisngi niya.

"Sorry medyo na-late... traffic kanina eh"

"Okay lang... Let's go?" nag-nod ako tapos sumabay sa kanya

Napalunok ako bigla dun sa may table kung saan siya nagpunta... bigla akong pinagpawisan ng malamig... Nandun kasi sila Dara at Sam pati sila Marco at Vince saka si Mico na alam kong medyo okay naman kami. Pero natatakot ako sa dalawang babae. Halos balatan nila ako ng buhay sa araw-araw na nagkikita kami sa school dahil sa nangyari sa amin ni Kaith... Baka di na ako makauwi ng buhay nito

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon