(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! Btw, sorry nga pala kung super crowded pagdating dito ah... ung tipong siksikan mga words, haha! Sa word kasi ako nagta-type and di ako mahilig sa maraming spaces, kasi i am used na matipid sa paggamit ng pages eh... hahah! please forgive me... hehe! )
KAITH TORREZ
“Tita alis na po ako…” nagkiss na ako kay tita habang nakaupo sa may garden at nagbabasa ng magazine. Papaalis na sana ako papunta ng school pero hinawakan niya yung kamay ko. at lumapit sa akin para hawakan yung part na nasampal ni Dad.
“Ahm, nagkapasa ng bahagya ang mukha mo. Buti na lang di masyadong halata. Masakit pa ba?” umiling ako.“Alright hija. Ingat ka. Di ka na ba magpapaalam ka na ba sa Dad mo?” umiling ako sa kanya…
“Wag na po Tita… male-late na po kasi ako eh… pakisabi na lang po na umalis na ako.” At sumakay na ako sa sasakyan.
“Rigs! Pakisabi kay Yan-yan na umuwi ng maaga para di magalit yung Dad niya ah.” At binalik na niya uli ang atensyon sa pagbabasa ng magazine.
“Opo mam.” At umalis na nga kami.
Mga 30 mins lang nakarating na ako sa school. Medyo ilang minutes na lang medyo male-late na talaga ako.
“Sige Kuya… mamaya na lang ulit!” at mabilis ko nang kinuha yung gamit ko sa kanya.
“Ah Mam… gagabihin po ba ulit kayo ng uwi ngayon?” tumango ako sa kanya.
“Pero sabi po ni-“ pinutol ko sasabihin niya.
“Alam ko po, narinig ko… 6 ka na lang bumalik, uuwi ako ng maaga… sige na male-late na po ako. Bye!” at tumakbo na ako papunta ng room.
Malapit na ako sa main entrance ng high school department nang…
*BAAAAAAM*
“Ouch!” napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact. Sakit ng pwet ko! :<
“Ooops sorry, nakaharang ka kasi sa daan!” pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko yung yung lalaking nakabunggo sa akin… nagmamadali umaalis. Teka, mukhang namumukaan ko yung lalaking iyon ah! Hay! WOW, di man lang ako tinulungan tumayo. Napaka GENTLEMAN! Tsss! Nakaka-BV kainis!
“Kaith! Ano nangyari sayo??” Agad may tumulong sa akin para makatayo… isang concern citizen!
“Ah, may nakabunggo kasi sa akin…” grabe! Umagang umaga, sira na yung araw ko dahil sa nangyari.
“Sino? Okay ka lang ba?” tanong sa akin ng isang schoolmate.
“Ah, I don’t know his name eh… don’t worry I’m fine, thanks!” iniabot niya sa akin yung mga nalaglag kong gamit. Buti pa itong isang ito… unlike nung lalaking bumunggo sa akin na wala man lang pakialam kung nasaktan ako sa ginawa niya!
“Sa susunod mag-ingat ka ng di ka nasasaktan… hayaan mo, ha-huntingin ko yung gumawa sa’yo nito!” pagmamalaki niyang sinabi.
“Naku huwag na! Gulo lang yan. Baka gusto mo madala sa office for that?” Magka-offense ka pa. pagwawarning ko sa kanya.
“Okay nga yun eh, nang makita kita ulit! Tagal na kitng crush eh! Ganda mo kasi!” nakasmile niyang sinabi habang nag-ba-blush… kailangan may ganun?
“Ah, oh sige, kailangan ko na pumasok, baka malate ako. Thanks again for helping me ah!” naka-smile kong sinabi habang naglalakad na paalayo.
Finally… nakarating rin… buti wala pang teacher… haha! Di pa ako late.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Ficção AdolescenteSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...