Chapter 55: Date

149 0 0
                                    

Nick Alvarez:

"Bebs, alis na tayo!" aya ko sa kanya. 

Ngayon kasi yung araw nung ipinangako niya sa akin na ililibre niya daw ako kapag nanalo kami. Since nanalo nga kami, no choice siya, kailangan niya akong ilibre. Balak ko dalin lang siya sa isang park malapit sa school para di masyadong hassle.

"Oo, sandali lang. Inaayos ko pa gamit ko." nilapitan ko na siya at tinulungan ko na magligpit ng gamit. Nakakainip maghintay eh.

"Bakit kasi ang tagal mo mag-ayos ng gamit... gagabihin tayo niyan eh" napatingin siya sa akin

"Gagabihin?? Bakit, marami ka bang ipapabili??" tanong niya sa akin.

"Hindi... kakain lang tayo." sagot ko naman habang busy sa pagtulong sa kanya

"Oh, eh panu tayo gagabihin sa pagkain lang?" clueless pa rin siya

"Basta..." naka ngisi kong isinagot sa kanya

"tss... baliw ka talaga." 

Nang matapos kami mag-ayos ng gamit niya dumeretso na kami sa parking para kunin yung big bike na dala ko. Sinadya kong iyon ang dalin para kahit san kami pumunta hawak niya pa rin ako.

Pagdating namin sa park agad akong nagyaya sa mga streetfood corners dun. 

"Nick, sure ka bang ito lang gusto mo kainin? May malapit lang yata na restaurant dito, gusto mo dun na lang tayo kumain?" tanong niya sa akin.

"Bebs okay na ako dito. Saka, ang gusto ko lang na makasama ka kahit simpleng kainan lang dito." binigyan ko siya ng ngiti.

"Sus! Di mo pa sinulit. Minsan lang ako mang-treat oh" pinisil ko yung chicks niya. Wala lang gusto ko lang gawin. Cute niya eh!

"Sayo pa lang sulit na ako." sinabayan ko ng pagkindat sa kanya.

"Sira! Tara upo na tayo dun sa may bench oh.." sus! kinilig naman. Indenial lang talaga girlfirend ko.

Pag-upo namin binuksan ko na yung pinaluto naming pagkain na nabili kanina. Masaya niyang tinitingnan yung view na nasa harapan namin. May dancing fountain kasi yung view namin ngayon. 

"Nick, lumapit ka ng kaunti. Ang layo mo..." hinawakan niya yung braso ko tapos hinila papalapit sa kanya para umusog ako... 

Ni-lean niya yung ulo niya sa balikat ko habang nakayakap sa braso ko. Ako naman, hinalikan ko lang siya sa ulo niya... Naamoy ko siya ngayon. Sobrang bango niya. Ang sarap lang ng feeling ng ganito... kahit wala kayong ginagawa pero hindi mo makuhang mainip kasi kasama niyo yung isa't-isa...

"Nick..." napalingon ako sa bigla naiyang pagsalita

"Hmmm??" tanong ko

"Kung hindi ka  kaya nalipat ng section? Kung hindi kaya tayo nagkakilala, ano sa tingin mo mangyayari sa atin?" grabe naman. Ang seryoso ng tanong niya. di ko alam kung bakit pumasok sa utak niya yung ganung tanong. 

Napaisip muna ako sa tanong niya... paano nga kung di kami nagkakilala???

"Hmmm... Siguro... Siguro magiging tayo pa rin? Maliit lang ang SMU para hindi tayo magkita.Malay mo sa ibang paraan tayo magkakilala." seryoso kong sagot sa tanong niya

"Naniniwala ka ba dun?" nag-nod ako. Iniangat niya yung ulo niya at hinarap ako.

"Paano kung hindi tayo meant to be?" malungkot niyang tinanong sa akin. Ano ba naman itong babaeng ito... kung anu-ano pinagtatatanong

Hinawakan  ko yung mga pisngi niya at inilapit ko yung mukha ko sa kanya at tiningnan siya sa mata

"Gagawa ako ng paraan para maging meant to be tayo! Hindi ako papayag na hindi..." napataas yung isang kilay niya.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon