Chapter 17: "Just prove it!"

450 3 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! comments are greatly acceptable... haha! )

CHAPTER 17

NICK ALVAREZ

Mahirap para sa akin yung ginagawa ko ngayon. Masakit na layuan ko ng tuluyan si Kaith, pero wala akong magagawa, nasaktan ako sa sinabi niya... "Then forget it! Kalimutan mong gusto mo ako! Stop loving me! Kalimutan mo lahat!"patuloypa rin bumabalik sa isip ko yung mga sinabi niya nung isang araw. Masakit para sa lalaking matanggihan ng taong mahalaga sa kanya kahit ginawa mong memorable yung pagtatapat mo.

Ngayon siguro dapat iexplain ko na talaga lahat yung mga nangyari... di pa kasi ganun kaayos yung pagtingin sa kanya ng mga tao... nasabi ko kasi na 'kami' kaya kailangang magexplain ako...saka maraming nakakita sa pagtatapat ko... kaya mamaya ko gagawin yung dapat kong gawin. Sana pagkatapos nito, ang next na gagawin ko na lang ay kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya like what she wants.

Half day lang nakapasok si Kaith kasi kailangan daw nilang imeet yung mentor nila sa guild, may audition yata... ewan ko ba. Wala na akong pakialam. Ang alam ko lang nagkapag-exam na siya ahead sa regular schedule ng exam kaya inexcuse na siya... palibhasa matalino kaya madali natapos lahat, samantalang ako, kahit todo review para ipasa yung exam natuyuan pa rin ng utak... ang hirap kaya!

Ngayon katatapos lang ng exam... pumunta ako sa cafeteria... alam ko maraming tao dun, kaya dun ko na lang gagawin yung mga dapat kong gawin, sasamantalahin ko na lang siguro itong pagkakataon na ito. Bahala na, basta sasabihin ko na lang lahat.

Dumating ako dun na kasama ko si Vince, di pa rin kasi kami masyadong ayos ni Marco.

"Pre, ano bang gagawin natin dito? Nasabihan ko na pala si Marco na pumunta ditto ngayon pati yung iba pa..." marami nang tao sa loob... pinatawag ko kasi... daig pa may conference noh? Pumunta na ako sa gitna para makapagsalita na.

"Buti naman nakarating kayo. Pasensya na sa abala pero kailangan maliwanagan kayong lahat ngayon." Napatingin ako kay Vince, tumango lang siya... nakita ko nandun rin sila Sam, Dara at Mico... pinagpatuloy ko yung pagpapaliwanag. "Alam niyo naman siguro lahat yung tungkol sa picture na kumalat last last week... totoo pong kami yung nasa picture..." narinig kong nagbulungan sila...

"Sabi na totoo yun eh, sila na nga siguro."

Pinagpatuloy ko... "Pero kung ano man yung nasa picture, hindi po namin sinasadya yung pangyayaring yun, di namin ginusto, di namin inaasahan, aksidente lang po yung pangayayring yun. Alam kong mahirap paniwalaan pero iyon po yung totoo. Di rin po totoong kami ni Kaith, dahil kahit kalian di po mangyayari yun. Simula nung una pa lang po kaming nagkita, hindi na po naging maganda yung impresyon niya sa akin. Sa kanya po, ako'y isang antipatiko at nakakainis na lalaking dumating para sirain ang araw niya, kaya po madalas kaming nagtatalo.(napangiti na lang ako dahil naalala ko yung mga nangyayari sa amin, nakikita ko sa ala-ala ko yung itsura niya.) kaya malabo pong mangyari yung iniisip niyo. Siguro madalas niyo kaming nakikitang magkasama, pero dahil tinuturuan niya lang ako, iyon lang yun wala nang hihigit pa dun. Kaya po sinasabi ko ito sa inyo dahil ayokong tuluyan siyang masira sa inyo. Ako po may kasalanan dahil sinabi kong kami kahit hindi naman kami. I'm sorry. Gusto ko siyang protektahan dahil malaki na yung pangalan niya dito sa campus, at tulad niyo, I also like her, mahal ko rin po yung taong iyon, kaya kung ako rin yung nasa sitwasyon niyo, maiinis po ako. Pero di po nagsinungaling sa inyo yung tao, Kaith still holds her words. She never lied and she will never break what she said. Sana po after nito, maging ok na talaga ang lahat, and as for the consequence for what I did, lalayo na ako sa kanya... and sana po kung maging handa na siyang mamili ng taong mamahalin niya, sana tanggapin na lang natin iyon ng bokal sa kalooban natin (napatingin ako kay Mico, dahil alam kong mukhang siya yung pipiliin ni Kaith kung sakaling magmamahal na siya) hindi naman po sigurong lahat tayo dapat mahalin niya rin." after ng mahaba kong explanation umalis na ako...

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon