Chapter 42: "Ang sakit mo pala gumanti"

282 1 0
                                    

Kaith Torres:

From: <3 Nick <3

Bebz, pasok ka n ngaun ryt? Sunduin kita?

Di ko na lang nireplyan text niya. Actually marami pa akong texts niya na di nirereplyan. Ewan ko ba. Ayoko kasing kausapin, tawagan, or makita siya. Basta ayoko talaga. Parang umiinit ulo ko pag dating sa kanya. Tatlong araw na kami di nag-uusap ni Nick simula nung scenario sa play. Pero ngayong araw na ito, ewan ko na lang, gusto ko siyang tanungin about dun sa mga photos, gusto ko marinig side niya... Kaso kasi, parang di maaabsorb ng sistema ko mga explanations niya dahil parang nasira yung trust ko. Papasok na kasi ako ngayon, obviously ayoko pa talaga pumasok dahil nga makikita ko siya kaso kailangan eh, marami na akong na-miss na lessons saka may work rin na kailangan tapusin dahil sa council.

"Ma'am Kaith, nandito na tayo." Napatingin ako kay Kuya Rigs. Nandito na pala kami sa school.

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng sasakyan. Pagbaba ko ang daming nangamusta, marami palang nag-alala sa nangyari sa akin. Smile at thank you na lang napakita at nasabi ko sa kanila tapos nagsimula na akong maglakad papunta ng classroom.

Nagulat na lang ako sa mga nakahilerang mga estudyante sa may corridor hanggang sa may pintuan ng room namin. May mga hawak silang isang stalk ng pink rose at sa bawat estudyanteng nadadaanan ko, binibigay yung rose na dala nila sa akin. Anong meron?? Di ko naman birthday, di ko rin naman debut...

Nang makarating na ako sa may tapat ng pintuan ng room namin kung saan naputol yung mga nakahilerang mga schoolmates, napansin ko na si Nick na naglalakad palabas ng room para salubungin ako. May dala siyang napakalaking bouquet ng pink roses. Nakangiti siyang lumalapit sa akin, take note, abot tengang ngiti ang ipinapakita niya ngayon.

"Welcome back my angel. *smiles* namiss ka namin, namiss kita." Ngumiti siya ulit at iniabot niya na yung dala niyang bouquet.

"Thanks." Cold kong pagkakasabi. Ewan ko, wala talaga akong ganang makita at makipagusap sa kanya. Marahil lahat ng babaeng makaka-experience ng ginawa ni Nick matutuwa, kaso kasi may kasalanan siya eh, parang pakiramdam ko tuloy di siya sincere. Yung feeling na baka ginagawa niya rin itong mga bagay na ito sa babaeng kahalikan niya sa picture?... Hay ewan ko. Nabasag na kasi tiwala ko sa kanya eh.

He is about to hug me kaso umiwas ako. Parang nagtataka siya kung bakit umiwas ako. Naglakad na ako papasok ng room habang dala yung bouquet at sandamukal na roses. Narinig ko pa siyang nagpasalamat sa mga tumulong sa kanyang mga estudyante na yung iba kaklase pa namin.

Umupo na ako sa desk, still wala akong gana sa kanya.

"Bebz, masama pa rin ba pakiramdam mo hanggang ngayon? Sana di ka muna pumasok baka mabinat ka." Sabi niya sa akin habang nakaluhod sa may tabi ko nang sa ganun makapantay ko siya. Di ko siya pinansin.

"Ui... Di mo ko kakausapin? *pout* di na nga tayo nag-usap ng tatlong araw, dedma rin mga messages at tawag ko, hanggang dito dedma pa rin?" Hinawakan niya na kamay ko habang nakanguso.

"Nick, bumalik ka na sa pwesto mo. Wag mo muna akong kausapin please?" Cold kong sinabi.

Sinunod niya naman ako. Bumalik siya sa desk niya pero nakasimangot ang mukha.

Nick Alvarez:

Ano kayang problema ni Kaith? Nainis kaya siya sa ginawa kong pagwelcome sa kanya? Hhhaaay! Di ko siya gets. Baka PMS na naman ito.

"Bro, LQ?" Napatingin ako kay Vince na sinisiko ako sa likod.

"Ewan ko nga kung bakit ganyan treatment niya eh." Pabulong kong sinabi.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon