Chapter 18: "May problema ka ba?"

428 3 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! comments are greatly acceptable... haha! )

CHAPTER 18

NICK ALVAREZ

Lalapitan ko sana si Kaith kanina pero naunahan ako ni insan at pumunta sila sa labas. Mukhang sinabi niya na yung tungkol sa napag-usapan namin kagabi sa bahay. Natatakot ako na baka mawala sa akin si Kaith kapag sinabi na nitong gusto niya rin siya. Masakit para sa akin kung ganun ang mangyayari…

Medyo maaga yung break ngayon. Napansin ko si Kaith na nasa mood, siguro dahil sa naging pag-uusap nila ni Mico, ano kaya yung naging pag-uusap nila. Susuko na ba ako? siyempre pinsan ko kalaban ko dito eh, saka mukhang gusto rin siya ni Kaith. di ko na alam gagawin ko.

“Gusto mo sumama sa amin?” napatingin ako bigla… si Kaith? inaaya niya akong sumama sa kanila? Anong nakain nito?

“Ha? Ako? Ba-bakit?” siyempre nagulat ako diba, unang beses niya ginawa sa akin yun eh.

“Oo, may iba pa ba akong kausap dito? Wala lang gusto ko lang itanong kung gusto mo sumama… kung ayaw mo di wag, kumain ka mag-isa! Kasama pa naman sana namin sila Marco…” ang sungit naman nito… lumingon na siya at nagsimula na maglakad papunta kala Sam “Tara na nga, mukhang nag-aaksaya lang ako ng oras…”

“Hoy! Wala naman akong sinasabing ayoko ah. Teka lang hintayin niyo ako.” nagmadali na akong tumayo para sundan sila.

Kaya pala nag-aya sila kasi may isang bagong food chain malapit sa school… kaya nung makarating na kami… naghanap agad sila ng mauupuan, ako naman, di ko alam kung bakit ganito reaksyon ko.

“Hoy! Di ka pa ba uupo? Tara na…” natauhan ako dun ah, lakas kasi ng boses…

“Ah oo… sige.” Sagot ko naman habang papalakad na kung nasaan sila nakaupo.

“Dito ka na umupo sa tabi ko.” nagulat ako sa offer niya.

“Ha? Jan? Sa Tabi mo??!” napatingin siya sa akin na parang nagtataka…

“Oo, bakit anong masama dun? Saka ito lang yung bakanteng upuan noh… Wag kang mag-alala, wala akong pangil para kagatin ka at kahit meron man di kita nanaising kagatin… eeewwwww! In your face!” nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Sungit! tss… akala ko gusto niya lang talaga akong makatabi… hay ano ba kasing nangyayari sa akin? Tsss…

Bale ganito yung seating namin:

Ako-siya-Sam

Vince-Marco-Dara

Nung inabot na sa amin yung menu…

“Anong order mo?” nagulat ako, tinanong na naman ako…

“Ha? Di ko pa alam eh… ikaw?” nung tiningnan ko siya nakatingin siya sa menu…

“di ko nga alam yung kakainin ko eh…” bigla siya tumingin kala Marco.

“Kayo? Anong kakainin niyo?” napatingin naman sila sa kanya.

“Ako Lechon kawali meal na lang…” sagot ni Vince

“Ako baka mag-pork chop na lang…” Sagot naman ni Marco.

“Magpapasta na lang siguro ako…” sabi naman ni Dara.

“Ako rin baka pasta na lang din… ikaw KAith ano sayo?” napatingin kaming lahat sa kanya na nakatingin naman sa menu…

“Hmmm…siguro magsasalad na lang ako.” salad? E puro dahon lang yung meron din eh, yung pinili pa naman niyang kainin yung may ‘garden’ sa pangalan, di ko natandaan yung tawag eh… basta yun.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon