Dara Sioson:
"Sam tara na... baka nauna na sa sasakyan yung dalawa... May balak pa yata tayong iwan." aya ko kay Sam... di na kasi bumalik yung dalawa nung bumalik si Nick dito at biglang nilabas si KAith... Kaloka!
"Baka nga nandun na yung dalawa at gusto muna makapag-solo!" nag-apir kaming dalawa... alam mo naman si Nick... medyo madamot pagdating kay Kaith, ayaw may kaagaw.
PAgdating namin sa parking lot, naka-start na yung otto ni Nick at nandun na nga siya sa loob ng sasakyat at nakatingin lang sa harapan... parang di nga kami napansin na nandun na eh...
Binuksan na ni Sam yung pinto ng sasakyan sa likuran para sana dun umupo kaso...
"Si Kaith??" tanong namin dalawa... pero parang di kami narinig. Kaya lumipat ako sa harapan.
"Uy Nick!! Si Kaith nasan??!" sabi ko sa kanya habang niyuyugyog siya para magising sa pagde-daydream
Tumingin lang siya sa akin tapos binalik yung tingin sa malayo...
"Wala na kami..."mahinahon niyang sinabi pero bakas sa mukha niya yung sakit...
"WHHATT??!!! Pwede pakiulit??!" Si Sam nag-hesterical na naman. Naghiwalay lang naman yung dalawa kala mo kung an--
"ANO? Paanong..."
"WE'RE OVER..." tapos napahampas siya sa manibela niya. at bigla na lang niya pinaandar yung sasakyan...
Jusme Lord! Sana naman po makarating kami ng safe... wala po sa katinuan yung driver namin... SAVE US!!
PArang split seconds lang yung tinagal namin sa daan... nakarating na kami sa pupuntahan namin... sa party nila Vince.. pero si Nick, wala talaga sa sarili... di ko naman makausap ng matino para alamin ang buong pangyayari...
Nang makita na namin si Vince...
"Oh, si Kaith nasaan??" salubong niya sa amin
"Oo nga... saka anyare kay Nick?? Bakit ganun yun?" nag-shrug lang ako sa tanong ni Marco
"Sabi kasi ni Nick wala na sila..." nanlaki mata nung dalawa sa sinabi ni Sam
"Ano?? Bago kami umalis kanina di mo mapghiwalay yung dalawa tapos sasabihin mo wala na sila??" sabay namang sabi nung dalawa
"Ewan ko... yan sabi niya bago kami umalis papunta dito eh"
*rrrrrriiinnnnggggg*
Teka lang may tumatawag...
<Mico Calling>
"Hello?" sagot ko... naku, wag niya sabihing di siya makakapunta... kailangan siya ng pinsan niya...
"Dara!!! Buti naman sinagot mo! kanina pa ako tawag ng tawag sayo!" naghehesterical niyang sinasabi sa akin... Akalain mong marunong mag-heterical mga lalaki??
"Chill... bakit ba?? naku may kwento ako kaya pumunta ka na dito... yung pinsan mo!"
"Dara makinig ka muna sa akin...pwede??" demanding naman nito...
"Oh, bakit ba??"
"Nandito ako sa ospital ngayon..." ospital?
"Ospital? bakit? Napanu ka??" clueless kong tanong
"Hindi ako! Si Kaith! Isinugod ko siya dito sa ospital... Dara, di maganda lagay niya, pwede ko bang tawagan mo yung tita niya?? Di ko na alam gagawin ko eh. Nasa emergency room pa siya hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanya sa loob... Dara..." naririnig kong umiiyak na siya sa kabilang linya

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...