(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )
CHAPTER 22
Ngayon na yung school meet sa school… masaya ang buong SMU dahil walang class… doon kasi ginaganap yung school meet every year… kapag nag-champion yung school lalaban sila for regional, then kapag nanalo ulit, for national na. Btw, nasabi ko na pala yung about sa amin ni Nick kay Sam, pano kasi kinulit ako ng kinulit sa phone kagabi kaya ayun, napilitan kong sabihin, siguro by this time sinabi na niya kay Dara yung nangyari…
Maaga akong gumising dahil maaga akong pinapunta ni Miss Lopez sa school. Di ko alam kung bakit eh, may papagawa yata. Katatapos ko lang maligo nang mag-ring yung phone ko…
*ring*
Nag-flash sa screen ko si… Mokong…hehe
Hay, yung boyfriend ko pala… J
“Hello?” sagot ko…
“Nasaan ka na?” bakit tinatanong ako kung nasaan na ako? ang aga pa masyado… ang alam ko 10 ang start, at 6am pa lang…
“Nasa house pa malamang… bakit?”
“Maaga ako papasok eh… pasok ka rin ng maaga ah.”
“Anong gagawin ko dun kapag maaga akong pumasok?” iinisin ko muna… buti maaga rin ako pinapapasok ni Miss.
“Edi, sasamahan ako… pinag-wa-warm-up kami ni coach eh… panuorin mo ako, ha?” hay naku…
“Kesa panuorin kita, itutulog ko na lang yun!” sabi ko habang nakangiti…
“Bakit, hindi ka manunuod ng game?” naiinis na yata.
“Hindi!” joke ko sa kanya…
“Anong hindi! Sabi mo manunuod ka ah!” naiinis na nga.
“Kelan ko sinabi aber?”
“KAHAPON! TUMANGO KA KAYA!” aba, bakit sumisigaw itong mokong na ito??
“Wag ka ngang sumigaw! Bababaan kita jan eh! Hello, di kaya sinasabi yung pagtango! Nag-move lang yung ulo ko!” hay…
“Parehas na yun! PUMAYAG KA PA RIN!” hay, ang kulit sinabi nang wag sisigaw eh… dinidistansya ko tuloy yung cellphone ko sa tenga ko para maiwasang mabingi!
“I SAID STOP SHOUTING! MAGKAIBA YUN, SIRA!!” sinigawan ko na rin habanag malapit yung bibig ko sa cellphone…
“Ah basta manunuod ka mamaya, kung hindi pagsisisihan mo!”
“Ba—“ aba, loko ito ah, binabaan ba naman ako! grabe talaga! Walang ka-amor-amor sa katawan!
After that sagutan with my boyfriend… agad na kong bumaba para mag-breakfast.
“Good morning Tita!” sabay kiss ko sa kanya…
“Oh, ang aga yata nagising ng baby ko?” sabi niya habang hinahanda yung pagkain sa mesa. Si tita kasi ang incharge sa food, ayaw niya kasing iba yung gumawa nun, kasi may mga ‘cook’ na naglalagay ng artificial enhancers para sumarap yung pagkain, eh si Tita medyo usi pagdating dun, gusto niya kasi ‘organic’ lahat…
“Ahm, pinapapasok po kasi ako ng maaga ni Miss eh…” sinabi ko habang papaupo na sa may dining table.
“Oh? How’s your boyfriend?” nangingiti niyang tanong. Si Tita talaga… di ko na rin naiwasang mangiti…
“Tita talaga! Ahm, we’re okay, may konting argument kanina pero part na po yun, medyo may pagkaisip bata po kasi yun eh.” Natatawa kong sinasabi, kaya pati si Tita natawa dahil sa sinabi ko…

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...