(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )
CHAPTER 13
Kinabukasan…
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko… nagising ako… si Kaith gising na…
“Yan… gising ka nap ala… ok nab a pakiramdam mo?” tumango siya at nag-smile…
“Gusto mo kumain? Ano gusto mo?”
“Kahit ano po…” inayos ko yung buhok niya…
“Sandali lang magpapabili ako” hinawakan niya kamay ko…
“Tita… thank you… thank you for loving me…” napaiyak ako sa sinabi niya sa akin… pero bumangon siya at pinunasan yung luha ko.
Di nakapasok si Yan sa school dahil nga sa kalagayan niya ngayon, sabi niya itetext na lang daw niya sila Dara para ipaalam yung nangyari kaya di siya nakapasok.. Tanghali na nung pumunta si Dra. Para sabihin yung resulta ng tests… nung una di ko matanggap… kasi tama nga siya… may sakit nga ang pamangkin ko… iniiyak ko iyon habang natutulog si Kaith… ibinuhos ko lahat… di rin siya nagkaiba sa nanay niya… maghihirap rin siya… bakit ba ganito buhay niya… awang-awa ako sa kanya… kaya habang natutulog tinititigan ko siya at umiiyak… nagdesisyon akong wag muna ipaalam sa kanya yung tungkol dito… baka mahirapan din siya… nagstay pa kami dito ng isa pang-araw…
Masaya naman kahit papano si Kaith despite sa mga nangyari… nang-umuwi na kami… nagkasalubong yung mag-ama… pero si Kaith nagderetso lang papunta sa kwarto niya… siguro sumuko na yung bata sa kanya… pansin kong magsasalita pa si Yoland pero pinigilan ko siya…
“Siguro naman di ka na magiging marahas sa anak mo kung malaman mong nakuha niya yung sakit ng asawa mo!”nanlaki yung mga mata niya… nagulat sa nalaman.
“Ano?”
“Di ka makapaniwala sa nalaman mo? Bakit nagulat ka? Matuwa ka na dahil matutupad na gusto mo… mawawala na siya sayo!” paalis na ako pero napigilan ako sa sinabi niya…
“Ate… I’m sorry…”
“Bakit sa akin ka humihingi ng sorry? Dapat sa anak mo… ibigay mo ang matagal niya nang gusto mula sayo.”
“Natatakot ako… natatakot akong mahalin siya… kasi dumating na ikinakatakot ko. ayokong mahalin siya kasi alam kong balang araw iiwan niya na rin ako… ayokong masaktan ulit… kaya inilalayo ko sarili ko sa kanya para hindi ako masaktan kung sakaling mangyari yun.” Napaluha siya… alam niya na? matagal niya na bang alam?
“Alam mo? Alam mo yung tungkol dito?” tumango siya.
“Pano mo nalaman?” huminga siya ng malalim, parang pinipigilan niya pang mapaluha ulit.
“Nung araw na ipinanganak siya ni Catherine, sinabi ng doctor sa akin na mahina rin daw yung puso ng bata, na malaki ang possibility na namana raw niya yung sakit ng ina niya.” napatakip siya ng mukha niya…
“Kaya, kahit anak ko siya, ayokong mapalapit sa kanya, dahil alam kong parehas sila ng nanay niya… iiwan rin niya ako!” di niya na napigilan yung luha niya… patuloy na sa pag-agos… ako naman, parang hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. masakit para sa akin ang nangyari… masakit para sa akin ang kahihinatnan ng pamangkin ko…
KAITH TORREZ
Nakalabas ng ako ng ospital… pagdating ko sa bahay nakita ko si Dad… di ko alam kung anong gagawin ko nung nakita ko siya… masyado nang masakit yung mga sugat na ginawa niya sa katawan ko at sa damdamin ko, kaya nagdecide ako na dumeretso sa kawarto ng di siya pinapansin… na parang walang nakita… pagpasok ko sa kwarto ko agad akong nagsulat sa diary ko… sinulat ko lahat ng nararamdaman ko… lahat ng hinanakit ko sa tatay ko. after kong masulat lahat… kinuha ko cp ko…
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...