CHAPTER 36
(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! Btw, sorry nga pala kung super crowded pagdating dito ah... ung tipong siksikan mga words, haha! Sa word kasi ako nagta-type and di ako mahilig sa maraming spaces, kasi i am used na matipid sa paggamit ng pages eh... hahah! please forgive me... hehe!)
NICK ALVAREZ
Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain kasama ang barkada. Wala nang klase dahil wala nang mga teachers... kaya heto, tambay lang kami.
"Guys, what if kung mag-outing naman tayo?" napatigil kaming lahat sa suggestion ni Vince.
"Alam mo ang gandang idea niyan!" sang-ayon naman nitong si Dara habang ginagamit na pang-duro yung tinidor na hawak hawak niya.
"Ano sa tingin mo Nick?" napatingin ako sabay turo sa sarili.
"Ako?" O.O
"Ay hindi hindi ikaw! Ano ka ba!" sapakin ko kaya itong si Sam noh?
"Sasama lang ako kung kasama siya." Sabay tingin ko sa katabi ko na busy naman sa pag-aaral ng script niya.
"Oi, Kaith, sasama lang raw si Nick kung kasama ka rin..." tapos napatingin siya sa aming lahat. Parang di alam kung anong pinaguusapan.
"Huh? Ano yun?" di nga siya nakikinig kanina pa.
"Ay sows, nagbabalak kami mag-outing, yung tayo-tayo lang... eh sabi ng katabi mo di raw siya sasama kung di ka kasama." Paliwananag naman nitong si Marco. Si Kaith naman uminom muna ng orange juice niya bago nagsalita.
"Ah ganun ba?" tapos tumingin sa akin at bumalik ng tingin sa kanila.
"Kelan ba yan?" tapos binalik niya ulit yung atensyon sa ginagawa kanina pa.
"After graduation na lang siguro para din a tayo busy." Sagot naman nitong si Vince.
"Ha? Pagkatapos pa ban g graduation? Akala ko naman ngayong Christmas break eh..."nagtawanan na lang kami... si Vince kasi ang aga magplano, excited masyado.
"Eh busy rin kasi noh... saka graduating tayo, diba may pamahiin pag ganun??" binatukan ni Marco si Vince
"Ang bading mo dude! Naniniwala ka dun?" tapos tumawa kami... napatingin ako kay Kaith na pinagtutuunan talaga ang script niya.
"Bebz ano sasama ba tayo?" napatingin siya sa akin...
"Since after graduation pa naman pala... okay lang sa akin." Yes! Okay lang sa kanya.
"Ayun! Akala ko di ka pwede eh." Smile ko ganito oh, ^____________________^
Napansin ko siyang nililigpit na nang gamit. Aww... aalis na naman siya.
"Ahm guys, I have to go. Mag-start na kasi ang practice." Tapos tumayo na siya. Di na lang ako umimik, di ko na rin naman siya mapipigilang umalis eh.
"Sige bye. Daanan na lang kita mamaya. Text me if your done." Yan na lang nasabi ko. sila Mico nakatingin sa akin. Parang... ay ewan ko.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napatingin ako sa kanya. Nilapitan niya ako tapos bumulong.
"Gusto mo bang samahan ako?" napangiti ako sa sinabi niya...
"Woi! Ano meron??!" tanong ng mga chismosang kaibigan namin. Si Kaith ngumiti lang ng parang may malalim na meaning...
"Let's go?" nag-nod ako tapos tumayo na at sumama na sa kanya. Ngayon niya lang ako inaya para sumama sa kanya kaya masaya ako. makakasama ko na naman kasi siya.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...