(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )
CHAPTER 26
Ngayon maaga ako nagising. Ewan ko ba, 7:30am pa lang kasi gising na ako. Hay… Himala nga at first time kong magising ng maaga ngayon, siguro excited umalis ng bahay? Baka nga. Pupunta kasi ako sa bahay ng mahal ko eh. Actually 8am pa lang pero nagdecide na akong kumain at maligo para maagang makabisita. Wala akong pakialam kung tulog pa siya sa mga oras na ito basta ang mahalaga makikita ko ngayon si Kaith…
Mga 9am na ako ng makarating sa bahay nila. Bumaba na ako sa sasakyan ko at nagdoorbell.
“Sir Nick?” nagulat sa akin yung isang maid nila… lahat ba talaga sila kilala na ako? astig!
“Ay, Good morning po.” Bati ko sa kanya.
“Tuloy po…” pinapasok na ako niya sa may gate.
“Gising na ba si Kaith?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa loob ng bahay nila.
“Ah, opo, nasa dining room po siya ngayon at nagbe-breakfast…” di nagtagal nakarating na kami sa lob ng bahay nila… sa salas.
“Maupo muna kayo… tatawagin ko lang po si Mam.” Aalis n asana siya pero pinigilan ko.
“Wag na po… wag niyo na lang pong sabihing nandito na ako… hihintayin ko na lang po siya.” Nag-smile ako. gusto ko kasi masorpresa siya eh…
“Ah ganun po ba? Sige kayong bahala… dadalan ko na lang kayo ng maiinom.” At ayun umalis na yung maid… pero bumalik agad para ibigay yung juice na kinuha niya kanina.
“Salamat po.” Sabi ko habang kinukuha yung juice na inaabot nung maid…
Habang iniinom ko yung juice nakita ko na si Kaith paakyat sa stairs nila galing sa dining room. Inilapag ko na yung juice ko sa table par asana tumayo na at malapitan siya pero napansin niya na ako kaya napahinto siya sa paglaalkad…
“Oh! Nandito ka na pala!” nagturn siya sa may part kung nasaan ako… gulat ang expression na pinapakita niya sa akin… pero ako napakamot lang ng ulo at ngingiti-ngiti lang…
“9:15 pa lang ah… di ka naman siguro excited pumunta?” nag-smile siya sa akin at lumakad na papalapit sa akin… agad naman ako tumayo at niyakap siya…
“Bakit ayaw mo ba ako makita agad? namiss mo ba ako?” tanong ko sa kanya habang nangingiti… umalis siya sa pagkakayakap sa akin.
“Tss. Di pa nga kita naiisip ngayong umaga eh.” Tumawa siya… nagpout ako… nakakainis naman ito!
“Asus… disappointed sa sagot ko?” naka-smile niyang sinabi habang kinukurot yung pisngi ko… tumango lang ko kahit nasasaktan sa kurot niya…
“Teka… may kukunin pala ako sa itaas… wait mo na lang muna ako dito ah…” at ayun umakyan na muna siya at ako bumalik sa pagkakaupo... di nagtagal bumalik na siya at umupo sa tabi ko…
“Ano kinuha mo?” tanong ko sa kanya.
“Ah, yung cellphone ko.” nagsmile siya sa akin at sumandal… ako naman inilagay yung ulo ko sa shoulders niya tulad ng ginagawa niya sa akin.
“Magaling ka na ba?” tanong ko sa kanya… pero alam kong isasagot niya is okay kahit na hindi kaya hinawakan ko na lang yung noo niya.
“Aba magaling na nga ang bebz ko ah…” naka-smile kong sinabi… siya naman nag-sigh lang…
“Si Tita pala?” iniangat ko ulo at tumingin sa kanya.
“Ahm wala siya today, nasa office yun. Bakit?” tanong niya sa akin habang ginagamit yung cellphone niya.

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Dla nastolatkówSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...