(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )
KAITH TORRES:
Ngayon, after three weeks... ganun pa rin kami ni Nick. Mukhang mas malala pa nga eh, grabe na siya mang-asar! Pero friends na yung mga friens niya sa mga friends ko, kala niyo kami noh? Well minsan mabait kami sa isa't-isa pero MADALAS bwisitan... Kapag tutorial session lang naman siya tumitino, nakikinig siya, medyo ayos na rin ang mga grades niya. Natutuwa nga sila Miss Lopez at Sir Cruz sa mga nakukuhang scores niya kapag may exams or activities... tinutukso na nga kami ng mga kaklase namin dahil daw araw-araw at may extension pa after class daw kami nagkakasama. Paano kasi malapit na ang exams kaya heto kami ngayon, sinusubsob ko siya sa pag-aaral.
Kami naman ni Mico, mas madalas na kami mag-usap kesa dati... sinabi niya nga na mas okay akong kasama kesa kay Sab na girlfriend niya. as usual patago kami mag-usap kasi kapag nakita kami ni Sab na magkasama, magkakagiyera for sure!
Ngayon, may pasok pa rin... nandito kami ngayon nila Sam sa isang restaurant na bagong tayo lang. ito na naging tambayan naming kasi sawa na kami sa pagkain sa cafeteria.
"Friend, kamusta na kayo Papa Nick?" ito namang si Dara nag-uumpisa na naman...
"Ano ka ba... ayos lang kami, NAKAKAINIS PA RIN SIYA!" sinabi ko na ang itsura ko parang sinakluban ng langit at lupa. Sila naman parang di naniwala.
"Asus, Kaitherine... eh five days a week at extended pa nga after class na nga kayo kung magkita eh,
Hanggang ngayon di ka pa ba nadedevelop sa kanya?" she grinned
"Sam, NEVER AKONG MAGKAKAGUSTO... as in NEVER!" itaga mo pa yan sa bato na made of DIAMOND!
"Asus... oo nga pala... Kaith, need your help... pwedeng maki-join ako sa teaching sessions niyo ni Papa Nick?" nagsmile siya sa akin...
"Sure!" sabi ko... si Sam naman siniko si Dara
"Ouch! BAkit ba?" daing ni DAra
"Ano ka ba... bakit makiki-join ka pa sa dalawa edi di nila nasolo ang isa't-isa..." nag-wink si Sam kay Dara, mukhang nakuha naman ni Dara ang pinapahiwatig ni Sam...
"Ah, sige Sam, tayong dalawa na lang ang mag-study lessons... nakakahiya kay Kaith!" naku, itong dalawang ito talaga!
"Tigil-tigilan niyo nga ako! Kayong dalawa talaga!" naku... ininom ko yung juice na inorder ko kani-kanina lang
"Oh, speaking of..." sabi ni Dara. Nagulat ako sa sinabi ni Dara kaya napalingon ako sa likuran ko at... nakita ko si Mokong naglalakad kasama sina Marco at Vince at papalapit dito.
"Hello..." bati sa amin nila Marco at Vince, si Mokong naman NR...
"Oi, Sungit! Tara na labas tayo!" hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad palabas
"Ui, Ano ba sandali nga!" kinalas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya napatigil kami sa paglalakad
"Sino ka naman para dalin ako sa kung saan hah? Wala ka man lang manners, di ka man lang nagpaalam sa mga kasama ko!" humarap siya sa akin...
"Di na kailangan yun! Saka lalabas lang naman tayo masama bay un hah?" nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako... natatakot ako sa mangyayari... baka...
"Sus! Di kita hahalikan noh! Feeling ka naman! May papikit-pikit pang nalalaman... haha!" kapal naman ng mukha nito!
"As if naman magpapahalik ako sa'yo noh!" inunahan ko na siya maglakad... walk-out ang drama ng lola mo!

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...