Chapter 24: Nick's EX! Don't you get it?

389 1 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )

CHAPTER 24

KAITH TORREZ

"Good morning tita." Bati ko sa pinakamamahal kong tita pagdating ko sa dining table...

"Oh, nandiyan ka na pala. Umupo ka na." nag-smile ako at umupo na.

"Yan! Are you sick?" nagulat ako sa sinabi ni tita. Hinawakan niya yung pisngi ko at mukhang worried na worried siya.

"Huh?" yun lang yung nasagot ko... sa totoo lang medyo masama nga pakiramdam ko, pero di naman masado.

"You look so pale. Wag ka na lang kaya pumasok?" nakita kong super worried yung mukiha ni tita. Hinawakan ko yung kamay niya mula sa pagkakahawak sa aking pisngi.

"Tita, I'm okay and besides I don't want to skip the class." Nag-smile ako sa kanya pero napahinga na lang siya ng malalim.

"Are you sure? Pero namumutla ka eh..." nag-smile lang ako at nag-nod

"Tita you don't have to worry. I'm a big girl now, I can take care of myself... saka sasabihin ko naman sa inyo if there something wrong eh." Tumango lang siya...

"Ok, promise me na tatawagan mo ako if ever na di bumuti pakiramdam mo ah." Nag-nod ako.

"And I want to get the number of your boyfriend." Nanlaki mata ko... ano raw??

"What?" tanong ko

"Sabi ko gusto ko kunin yung number ni Nick..." bakit kukunin niya??

"But why?" tanong ko... in great shock.

"It's because to make sure na babantayan ka niya... para mapanatag akong okay ka lang." napakamot ako ng ulo.

"Tita you don't have to. I'm fine... I assure you that." Di pwedeng makuha ni tita yung number ni mokong, baka kung ano pa mangyari eh.

"Ok. Kung gusto mo talagang solohin ang boyfriend mo wala akong magagawa... I'll contact na lang Sam or Dara to ask if you're okay." Napahinga ako ng malalim... okay... relieved na ako.

"Just finish your meal and after that take your medicines..." hay, eto na naman ang never ending na pag-inom ng gamot na mapait... diba pwedeng ihinto yun? Nag-nod na lang ako para din a mag-alala pa si Tita tiyak kasing di ako papapasukin niyan kapag nagreklamo ako.

Finally nakarating na rin ako sa school... regular class ngayon kaya balik sa usual scenario... pagdating ko sa room, nadatnan kong maraming stalk ng roses and chocolates sa desk ko... nagulat ako kasi super dami naman yata unlike sa dati na paisa-isa lang yung narereceive...

"Kanino galing yung mga ito? Ang dami naman yata." tanong ko sa mga taong nadatnan kong nasa loob na.

"Di naming alam eh. Pero malamang sa mga taga-hanga mo."may ganun? Hay...

"Oh kanino galing yan?!" napansin kong may nagsalita mula sa likuran ko... paglingon ko si Nick pala... nagseselos ba siya?

Pagharap ko sa kanya nagsmile na lang ako... inirapan niya naman ako at umupo na sa desk niya. nagseselos nga yata. Umupo na rin ako...

"Uiii, jelly ka noh?" bulong ko sa kanya na may pinapahiwatig na pang-aasar.

"Ako? di noh. Cheap lang mga taong nagbibigay ng ganyan... walang originality." Palusot pa...

"Kung hindi, bakit ganyan itsura mo? Di raw nagseselos... tingnan mo nga yang ilong mo oh... umuusok na..." nagsmile ako sa kanya... siya naman napahawak sa ilong niya...

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon