Kaith Torres:
"I thought wala kayong pasok ngayon?" Tanong sa akin ni Tita habang kumakain kami ng breakfast. Si Dad naman busy sa pagbabasa ng newspaper pero halatang nakikinig rin sa pinag-uusapan namin.
"Excuse po yung mga actors today, pero di naman po mandatory eh, kaya po pwedeng pumasok pwede namang hindi." Nag-smile ako tapos ininom yung juice ko.
"Tomorrow ba ang performance niyo Kaitherine?" Napatingin ako kay Dad na nagbabasa pa rin ng dyaryo. Binaba ko muna yung hawak kong juice bago nagsalita.
"Ahm, opo." Tumango lang naman siya. Kaya ako bumalik na lang sa pagkain.
"Excuse me po. Ma'am, Sir, may bisita pong dumating." Napatingin kaming lahat kay Manang.
"Sino daw? Ang aga naman niyang bumisita." Tanong ni Tita.
"Ahm, yung boyfriend po ni Ma'am Kaith." Nasamid ako at nanlaki ang mga mata sa narinig, kaya dali-dali kong kinuha yung baso kong may juice at ininom ito.
"Oh, mukhang di na kita ipapahatid kay Rigs niyan, may sundo ka na pala." Ano kayang pumasok sa utak nung mokong na yun?
"Ising, papuntahin mo dito." Aya naman ni Tita. Si manang tumango naman.
"Good Morning po!" Sabi ni Nick with this face ^______________________^
"Oh, hijo, nagbreakfast ka na ba? Kain ka muna."
"Thank you po, pero nakakain na po ako." Naka-smile pa rin.
"Ah ganun ba?" Tumango na lang si Tita.
Bumalik na muna si Nick sa may sofa at dun na lang ako hinintay. May kinuha pa kasi ako sa room bago kami umalis for school...
Oh nasabi ko na ba sa inyo ang plan ko for today? Well, walang alam ang magaling kong boyfriend sa mangyayari ngayong araw.
Today kasi yung araw na babawi ako. Kasi nga diba, di kami nakapag-celebrate ng monthsary? Kaya ito yung day na naipangako ko sa kanya. Sila Sam and Dara yung tumulong mag-prepare since wala akong time dahil sa practice. Wala rin akong idea kung ano ang magiging set-up mamaya basta ang alam ko masusurpresa si Nick.
Pagdating ng school, naabutan ko sila Dara na nagkukwentuhan sa room.
"Morning!" Bati ko sa kanila na naka-smile. Napatingin naman sila sa akin at binati rin ako. Si Nick naman nauna na sa may table ko at inilagay sa desk ko yung bag ko.
"Bakit sabay kayong pumasok?" Tanong naman ni Sam.
"Kelan pa naging bawal magsabay ang magboyfriend-girlfriend?!" Inis na sagot naman nitong si Nick. Anong problema nun?
"Sunget! Problema mo ha?" Nag-smile na lang ako. Itong dalawang ito, laging nagbabangayan...
"Sino ba kasing nagpapadala ng roses at chocolates sayo?! Nakakainis ah!" Out of nowhere nagsalita siya... MAG-ISA. Kaya napatingin kaming tatlo sa kanya na irritated nga. Kaya lumapit na ako.
"Big deal? Di ka na nasanay." Sagot naman nitong si Dara.
"Ang aga-aga sinisira mo araw mo. Relax! It's just a rose and a chocolate. Wala lang yan." I told him while sitting on his table. Tumingin siya sa akin.
"Eh pano naman kasi, inaraw-araw na. Nakakainis! Di ba matanggap ng kung sinong unggoy na nagpapadala sayo na AKIN KA NA?!" Nanlaki mga mata ko sa narinig ko... Napa-smile ako sa sinabi niya. Alam kong kailangan kong pagaanin yung loob niya, eh sino ba naman kasing hindi mapapangiti sa kilig dun sa sinabi niya diba? Napatingin nga ako kela Dara eh... Kinikilig rin. Haaay.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Genç KurguSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...