Chapter 76: Mico's New Love

66 1 0
                                    

Mico Gomez:

"Yan.... Pwede ka ba today?" Tinawagan ko si Kaith. May binabalak kasi akong event ngayon kaya kailangan ko siya para tulungan ako.

"Wala naman akong gagawin today. Aalis ba tayo?" Buti na lang wala siya gagawin ngayon at buti na lang wala ang mokong para bantayan itong girlfriend niya.

"Oo sana eh. Papatulong kasi ako." Mag-work kaya yung gusto ko mangyari ngayon? Sana

"Help saan?" Napangiti ako.

"Mamaya ko na ikukwento sayo. Mag-ready ka na. Susunduin kita jan. Okay?"

"Okay..." Pagkatapos nun nagbihis na rin ako at nagdala ng mga ilan pang kailangan para sa pinaplano ko.

Tinawagan ko si Dara...

"O bakit??" Ang ganda ng salubong sa akin nito. Minsan talaga may pagka-manang ito

"Wag ka gagawa ng lakad ngayon ah. May pupuntahan tayo!" Sagot ko naman

"Hala?! At saan naman? Magkikita kami ni Sam ngayon. Tatawagan ko na nga rin si Kaith para sumama eh." Buti na lang tumawag muna ako.

"I-cancel mo yan!!" Medyo inis kong sinabi. Mapupurnada kasi plano ko kapag tinuloy nila balak nila.

"At sino ka para pigilan kami aber?" Napapailing na lang ako kahit di niya naman nakikita.

"Sa amin na lang kayo sumama. Kasama ko na si Kaith kaya di mo na siya maaaya."

"Inaya mo na naman si Kaith?? Naku, susumbong talaga kita kay Nick!! May boyfriend na yung tao, aya ka pa ng aya sa kanya! Ang tindi mo!!" Aba, bakit sobra kung magalit ito?

"Bakit nagagalit ka jan? Selos ka??" Tapos tumawa ako ng malakas. Lalo pa yata nainis.

"Baliw! A-ako? Mag-seselos? Hindi noh!" Kunwari pa mukhang obvious naman sa tono ng boses niya.

"Basta sunduin ka namin jan mamaya ah. Bye." Binaba ko na yung phone at hindi ko na pinakinggan pa yung sasabihin niya. Baka kung saan pa umabot yung pag-uusap namin.

Pinuntahan ko na si Kaith para sunduin kasi nga magpapatulong ako. Siya lang naman ang alam kong makakatulong sa akin sa taong yun eh. Balak ko na sana kasing magtapat. Gusto ko na sanang manligaw. Ngayon lang kasi ako nagkalakas ng loob, nagka boyfriend kasi siya dati, naunahan ako, buti na lang (ang sama ko yata) nagbreak sila, kaya to the rescue ako para icomfort siya, hindi naman ako nabigo, kaya hanggang ngayon available pa siya. Ahaha! (Hoping ako na hinihintay niya ako kaya di pa siya nagboboyfriend).

"Talaga Mico?? Sure ka na ba?? As in?? Wooooow!! I'm so proud of you! Finally!! Sabi na sayo eh, you'll fall for her. Ayan na nga! Nangyari na! Nakakatuwa!" Yan ang reaction ni Kaith nung sinabi ko na sa kanya yung gusto ko mangyari... Halos nga mamaga na yung braso ko sa kakapalo niya sa tuwa eh.

"So paanong setting mo ba siya isusurprise? Natawagan mo na ba si Dara? Naku Mico!! I'm soooo excited!" Mukha ngang mas excited pa siya kesa sa akin.

"Oo natawagan ko na siya. Nagagalit nga eh, inaya na naman daw kasi kita."

"Leave it to me! Ako na bahala sa kanya. Hindi matatapos ang araw na ito nang hindi nagiging kayo! Trust me! I'll help you with that." Sinabi niya yun na may kasama pang kindat. Haaaay naku, pasalamat talaga siya nainlove na ako sa kaibigan niya, kundi naku, baka kahit na pinsan ko pa boyfriend nito, sinuyo ko na naman ito.

"Thanks Kaith!"

Nagpunta na muna kami sa mall para mamili ng ilang gamit. Siya mga namili, taga bitbit lang ako. Tapos nun pumunta na kami sa venue, sa isang restaurant... Pina-exclusive ko yun para sa araw na ito... Tinulungan ako ni Kaith sa pag-aayus. Wala ngang tigil sa pagsasalita. Sobrang excited nga yata siya. Ako medyo kinakabahan na, hindi ko rin kasi alam kung ano magiging reaksyon niya o ano yung sasabihin niya mamaya eh. Nakakatakot.

Dara Sioson

"Miss Dorothea Anne Tiangco Sioson... Alam kong parang ang imposible ng nangyayari ngayon, pero ito na yun eh. Gusto na kita kahit ang sungit sungit mo sa akin. Kahit laging nakasimangot yung itsura mo na nagmumukha ka tuloy pitbul." Nataw siya... Ay naku! Pinalo ko na! Pinagbigyan ko na siya sa pagbanggit ng buo at nakakadiri kong pangalan, ibang usapan na kapag inihalintulad niya pa ako sa pitbul...

"Sobra ka ha!!" Sabi ko sa kanya... Nakita ko sila Kaith at Sam na tumatawa lang habang pinapanuod kami.

"Joke lang yun siyempre. Alam mo ba, dahil dun, minahal kita. At kapag broken hearted ka, kahit nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko, pupuntahan kita sa inyo para icomfort ka. Wala eh, masaya ako kapag nakikita kita. Mahal na pala kita nun kaya halos lahat ng call history sa phone ko, pangalan mo yung makikita... Dara, sa maniwala ka man o sa hindi, mahal na kita, and I want to win you. I hope na sana mapagbigyan mo ako." OoooowwwwwEeeemmmmmGggEeeeee! Grabe... Sa lahat ng lalaking ginusto ko, siya lang ang nag-effort ng ganito! Sobrang kinikilig ako.... Soooobraa! As in! Bongga!

"Ang dami ko nang sinabi... Mamumula ka na lang ba jan? Wala kang ireresponse?" Natauhan na ako nung sinbi niya yun... Binabawi ko na pala!

"Ano ba gusto mo sabihin ko??" Tanong ko.

"Na oo pumapayag ako. Na you'll give me chance to prove myself to you... Or much better kung next level agad. Boyfriend mo na ako at girlfriend na kita. Mamili ka dun sa sinabi ko. Medyo masakit na tuhod ko kaya bilisan mo magdecide" napangiti ako sa sinabi niya... Mukha ngang nasasaktan na siya sa pagluhod niya kasi pinagpapawisan na siya...

"Oo na... Pinipili ko na yung last na sinabi mo. Ikaw lang naman hinihintay ko papakipot pa ba ako?" Nanlaki mga mata niya... Don't tell me papaulit niya ulit? NO WAY!

"Sooo?? T-tayo? Tayo na?" Nag-smile ako at nag-nod sa kanya. Tumayo sa tapos niyakap niya ako nang sobrang hipit at walang tigil siyang nagte-thank you. Napatingin ako sa side kung saan nandun sila Kaith. Nag-smile sila sa akin kaso si Kaith umiiyak na.... Dapat ako umiiyak eeeh kasi moment ko ito!

"Oh my gosh!! KAITH!!!" Napatigil kami ni Mico sa moment namin nung narinig namin si Sam na sumigaw...

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon