(Mabigat po ang nilalaman ng chapter na ito... Babala sa magbabasa. ^_^v n/a: editing soon, please bear with typos and grammatical errors...)
Nick Alvarez:
"Ah sir, sa condo po ba kayo magpapahatid?"
"Diretso tayo sa bahay nila Kaith..."
"Sige po."
Diretso na agad ako kela Kaith pagkagaling ko sa airport. Gustung-gusto ko na kasi talaga siya makita. Ilang linggo ko ba naman siyang hindi nakikita eh. Saka ilang araw bago yung flight ko pabalik ng Pilipinas parang may nangyaring hindi ko maintindihan. Sinasagot niya naman yung mga tawag ko kaso lang parang ang lungkot ng boses niya. Kaya nga gusto ko siya puntahan para macheck kung okay nga ba talaga siya.
Pagdating ko sa bahay nila agad ko siyang hinanap sa maid nila. Kaya nandito muna ako sa may living room area nila para hintayin siya.
"Nick?" Napalingon ako sa tawag niya. Nung nakita ko siya agad akong napatayo at napangiti. Iniabot ko sa kanya yung dala kong bouquet ng flowers tapos sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap.
"I missed you soooo much bebs!" Yan yung unang lumabas sa bibig ko nung niyakap ko siya. Mukhang shocked ang itsura niya ngayon. Nasurprise yata talaga siya.
"Kelan ka pa dumating? Sana tumawag ka muna para nasundo ka sana namin..." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako. Umiling ako
"Dumiretso na ako dito para makita agad kita. Besides, I really want to surprise you that's why I didn't contact you." Binigyan niya lang ako ng isang weak smile.
"Nagugutom ka ba? Do you want to eat?" Tanong niya sa akin.
"No, I'm good. Gusto kita ilabas ngayon eh. Let's date?" Aya ko sa kanya
"Wala ka bang jetlag? Kauuwi mo lang eh. Magrest ka na lang muna today."
"Bebs, I waited for this moment, sige na, labas tayo please??" Pakiusap ko sa kanya. Sana pumayag na siya.
"Okay. Wait me here. Magbibihis lang ako." Napa-yes ako nung pumayag siya. Naupo ulit ako at hinintay siya magbihis.
Kaith Torres:
Should I tell him? Sasabihin ko na ba sa kanya? Natatakot ako. Baka mabigla siya. Baka lumayo siya bigla. Sobrang saya niya eh. Baka hindi niya kayanin yung sasabihin ko... KAITH ANO BA DAPAT MONG GAWIN??
Gulong gulo na ako. I really don't know what to do. Ang dami kong what if's. Ang dami kong doubts. Bakit kasi kailangan pa mangyari ito? Ayokong masaktan yung taong mahal ko. Ang hirap!
I decided to call Mico. Sobrang hindi ko na kasi alam yung dapat kong gawin. I'm just scared of what will happen.
"Yan, napatawag ka? May problem ba?"
"Nick is here." I weakly said
"He arrived already? Anong balak mong gawin? You'll tell him?"
"Mico... I'm scared. What if..." My tears started to fall
"Shhhh. Don't cry. Do you want me to tell him? I'll just do it for you."
"No. I want to do it. Let me handle this myself."
"Kaith... Wag ka matakot. Kung ano man mangyayari ngayon, I'll support you. Alam kong natatakot kang masaktan mo ulit siya, pero mas mahihirapan siya kapag huli na ang lahat bago niya pa malaman. Mas maghe-heal agad ang sugat kung ngayon mo sasabihin. Nandito lang kami kung ano man ang mangyayari ngayon, okay? We're just a call away." I nodded even if hindi niya ako nakikita.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...