Chapter 19: "Ah, di mo titigilan ah... hahalikan kita!"

395 3 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! comments are greatly acceptable... haha! )

CHAPTER 19

NICK ALVAREZ

Ewan ko ba kung anong problema sa akin… kahapon tinawagan ako ni Kaith, tinatanong kung anong problema ko, sabi ko wala, pero sa totoo lang nasaktan ako nung nakita kong magkayakap sila ni Mico! Naiinis ako, bakit di ko magawa sa kanya yun, tapos nalaman kong pumayag rin siya para ligawan nung pinsan ko… ano pang laban ko sa kanya, eh nalaman kong crush niya yun simula nung bata pa sila! Tapos ang mali pa dun, nakipag-deal ako sa pinsan ko kahit alam kong matatalo ako dun… hay.

Kanina sinubukan kaong kausapin si Kaith pero di ko siya pinansin… ewan ko ba… naiinis ako eh! Hindi pala naiinis, nagseselos ako! mas gusto pa niyang kasama si Mico… tapos kung kalian aayain ko na siyang magsabay umalis dahil excuse kami, naunahan naman ako at piniling sumama dun… ewan ko! gusto ko manuntok… nagseselos ako kapag magkasama sila! Naiinggit ako… lagi na lang nauuna sa akin dumiskarte si Mico… parating pangalawa lang ako.

Ngayon nandito ako sa field para magpractice… nakapagpalit na rin ako agad para makapag-simula na… gusto kong malimutan muna yung mga nangyayari… kapag nakikita ko siyang Masaya kasama yung iba, parang dinudurog yung puso ko…

“Oh, Pre, nu problema natin? Ang lalim yata ng iniisip mo?” napatingin ako kay Ken, teammate ko… medyo kasundo ko siya, mas may sense kasi siya kausap kesa sa iba… siya rin pinagsasabihan ko sa mga problema o pangyayari sa buhay ko.

“Ah, naiinis kasi ako sa sarili ko eh…” umupo siya sa tabi ko para siguro tumulong sa problema ko.

“Oh bakit… tek hulaan ko. Problema sa puso noh?” napatingin ako sa kanya… at napangiti ng bahagya… tumango ako dahil iyon naman talaga yung dahilan.

“Eh bakit ba naiinis ka sa sarili mo?” napakamot ako sa ulo… di ko alam isasagot ko eh.

“Pare, nagseselos ako! naiinggit ako kasi sa tuwing lalapitan ko siya parating may nauuna at mukhang mas masaya siya kapag kasama yung taong iyon!” hinawakan niya yung balikat ko.

“Alam mo pare, hindi madaling mahalin yung babaeng nagugustuhan mo ngayon… kahit sinong lalaki dito karibal mo pagdating sa kanya, kung gusto mo talagang mapasayo siya, kailangan mo talagang magpauna. Saka di mo kailangan pairalin yang pagiging isip bata mo sa ganitong sitwasyon, subukan mo kayang magbago ng pakikitungo sa kanya baka sakaling ibaling niya lang mismo sayo atensyon niya diba?” may point siya… see? Kaya siya yung nasasabihan ko ng problema kasi alam kong may maitutulong siya…

“Anong kailangan kong baguhin para sa kanya?” humarap siya sa akin…

“Diba sabi mo panay inis sayo yung tao? Subukan mo kayang maging expressive sa kanya… alamin mo lahat ng infos tungkol sa kanya, kung anong ayaw at gusto niya… maging sweet ka naman… dinadaan mo sa pang-iinis kasi eh.” Oo nga noh. bakit di ko naisip yun?

“Sige pare, mamaya pagkatapos nito pupuntahan ko siya! Salamat…” inaamin ko, mahina ako pagdating sa panliligaw, di ko naman kasi masyadong pinapahalagahan yung bagay nay un eh, nagiging maeffort lang ako kapag naging kami na…

Nagstart na kami maglaro… medyo okay na yung pakiramdam ko… magaan na di tulad kanina na parang nilagyan ng malaking bato yung dibdib ko. medyo mainit na yung laro nung pinatigil kami ni coach… break daw muna. Kaya ayun, pumunta na ako sa bench para uminom at magpunas ng pawis…

“NICK!” napalingon ako sa sumigaw.

Nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin…

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon