Nick Alvarez:
Lumabas na ako ng backstage para pumasok na dun sa loob at manuod.
"Still happy?" napatingin ako sa nagsalita.
"IKAW NA NAMAN?!" inis kong tanong.
"Buti naman natatandaan mo na ako." napabuntong-hininga na lang ako. Hay, feeling ko walang kwenta na naman ang sasabihin niya, makaalis na nga lang. kakasira ng araw!
"Hey, escaping the truth? Haha! Fine, pero ito tatandaan mo, hindi matatapos ang araw na ito nang okay pa rin kayo ni Kaith. baka, magulat ka break na kayo!" tapos tumawa siya ng malakas. Kung di lang masama pumatol sa babae kanina ko pa nasapak ito!
"Ano bang problema mo sa amin ha?" inis kong tanong.
"I told you already!" napailing na lang ako at nagsimula na ulit lumakad.
"Hey soccer boy! Better be ready for your alibis!" yeah right! Bahala ka sa buhay mo! Bwisit!
Pumasok na ako sa loob ng auditorium at naupo na sa tabi nila Mico. Leche. Sira araw ko ah!
"Tagal mo naman, nag-start na eh" salubong sa akin.
"Wag ka magulo." Sagot ko sa kanya at itinuon na lang ang atensyon sa panunuod.
"Bro, problema mo?" Si Mico nagtanong... Umiling lang ako.
"Di ba kayo nagkita ni Kaith?" umiling ulit ako.
"Eh ano?"
"Wala pre. May babae lang na naninira ng araw!" sagot ko sa kanya.
"Babae? Sino naman?" kailangan talang itanong?
"Di ko rin kilala!" Sigaw ko sa kanya. kalalaking tao tsismoso!
"Chill! Sorry na!" Di ko na siya pinakinggan at itinuon ko na lang ang sarili sa panunuod. Malapit na lumabas si Kaith sa eksena kaya mas maganda kung siya na lang iisipin ko at hindi na yung babaeng iyon!
==========Play the music here=========================>>>>>>>>>>>
(A/n: yung music na yan yung kinakanta ni Kaith sa scene na naka-harness siya)
As usual, lahat na naman kami natameme sa boses niya. Yung iba siguro naglalaway na sa girlfriend ko, at yung iba baka iniimagine na girlfriend na nila si Kaith. Sorry mga tol, AKIN SIYA EH... SHE'S MINE!
Tumingin ako sa kanan ko kung saan nakaupo sina Vince at Dara... Parehas lang sila ng ekspresyon ng mukha, namamangha sa performance ng baby ko, ganun din sa kaliwa ko na sina Mico, Sam at Marco.
Habang pinagmamasdan yung babaing mahal ko, napangiti ako nung nagkataong napatingin siya sa akin tapos kinorte ko yung kamay ko na nakaheart shape... Sheet, baduy lang pero ganun talaga kapag nagmamahal eh.
Malapit na matapos yung song, unti-unti na kasi siyang binababa mula sa taas... Naisip ko tuloy na napakaswerte ko at ako ang napili niyang mahalin. Talagang di ako gagawa ng makakasira sa relasyon namin. Parang di ko kakayanin kapag nawala siya. MABABALIW AKO.
Ano bang nangyayari sa akin, parang ewan lang! Ang keso ko!! Paranoid lang yata ako sa nangyari kanina! Di ako maka-concentrate sa panunuod dahil sa mga pinag-iiisip ko!
>>>>>>>>>>>BBBBBBBBBLLLLLLAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGG<<<<<<<<<<<<<<<<<<
"Uuuuyyyy! Ang galing naman ng pagkakabagsak ni Kaith... Parang totoo!" Napatingin ako sa nagsalita sa likod, anong pagkababsak? Tumingin ako sa harapan para makita kung ano na nangyayari sa stage,
Nanlaki mga mata ko sa nakita, nakahiga nga si Kaith sa sahig ng stage. Talaga bang may scene na ganun?
"Shheeett, bakit parang hindi yata gumagalaw si Kaith?"
"Pards, part pa ba ng play yan?"
"Bakit parang ang tagal naman yata niyang tumayo?"
Naririnig ko na yung mga usap-usapan ng mga tao sa paligid... Bigla akong kinabahan...
"Nick, part pa rin ba ng scene yan? Bakit parang ewan lang?" Tanong ni Dara... Di ko rin alam kung ano nangyayari... Basta ang alam ko, nagkakagulo na sa may stage, nagsilabasan na mula sa backstage yung mga co-actors niya at parang may nangyayaring hindi dapat...
Bigla na lang nag-close curtain...shhheeett!!
Ang dami nang nagbubulungan, lahat nag-aalala.... Ano ba kasing nangyari?
"KAITH!!!" Sigaw ko. Tumayo na ako at tumakbo ng mabilis para makapunta sa stage.
Pagkaakyat ko ng stage, nakita ko yung Ate Pau saka yung ibang miyembro ng guild pati si Sir Reyes.
"Kaith! Wake up!!" Sabi ng adviser nila sa guild. Lahat sila nag-aalala sa kanya.
"Ren, tumawag ka ng staff sa clinic dali!" Utos nung Ate Pau. Agad naman tumakbo papaalis yung lalaking nautusan.
Shet! Bakit naghihintay pa ako?! Aaaarrrggghhh!!
Agad na akong dinala ng mga paa ko sa nakahigang girlfriend ko.
"Ano bang nangyari?!" Tanong ko habang kinukuha siya at inihihiga sa mga bisig ko.
"Di rin namin alam eh... After niyang tapusin yung song bigla na lang siyang bumagsak eh."
"Ohw shiet! Kaith! Wake up please!!" Niyuyugyog ko na siya para magising pero wala pa rin... Walang mangyayari kung maghihintay pa kami ng tulong. Agad ko na siya binuhat para madala na mismo sa clinic.
Paglabas namin ng audi ang daming taong nag-aabang,,, binilisan ko na lang para wala nang masyadong usiserong makalapit!
Bebz, pleeeaaassseee, ano bang nangyari sayo? Pinag-aalala mo na naman ako eh... Bulong ko sa kanya habang dinadala siya sa clinic.
"Nurse, pakiasikaso naman please!" Salubong ko sa nurse nung makarating na kami sa loob
"O-okay... Ihiga mo na lang siya dun sa kama." Nagulat na sabi nung nurse... Ako naman di na nagpaligoy pa at inihiga na siya sa kama.
"Excuse me... We're the guardian of Kaith Torres, I think we need to rush her to the hospital." Napatingin ako sa likod ko dahil dun sa nagsalita. Nakita ko sila Tito Yoland kasama si Tita Chiqui na kinakausap yung nurse.
"Tita, Tito..." Tawag ko sa kanila
"Hijo, please bring our Kaith to the hospital, baka kung anong mangyari pang masama sa kanya eh." Nakita ko facial expression ni Tita Chiqui na teary eyed na tapos alalang-alala pa. Nag-nod ako at binuhat ulit si Kaith para isakay siya sa sasakyan.
Sa Hospital:
"She's already fine, stable naman lahat ng vital signs niya. Maybe she's just stressed kaya nag-collapse siya but I think there's nothing to worry about." Nag-smile yung doctor tapos umalis na.
Kami naman napahinga ng maluwag. Buti naman at okay siya. Hay, kanina pa kasi ako paikot-ikot dito sa corridor ng hospital na tapat lang naman ng ER kung saan siya inoobserbahan kanina.
"Nick, hijo, paki bantayan mo muna si Kaith sa kwarto niya ah, kukuha lang ako ng gamit niya at ito namang si Yoland may meeting sa opisina kaya walang maiiwan sa kanya dito." Hinawakan ni Tita Chiqui yung isang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti naman ako sa kanya para ipahiwatig na pumapayag ako.
"Sure po! Di ko po iiwan si Kaith dito." Nag-nod siya at nag-smile.
"Rigs let's go." Aya nila sa driver at naglakad na sila paalis.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Kaith para maalagaan siya. Pagkakita ko sa kanya, naalala ko na naman yung panahon na nasa clinic kami pareho dahil dun sa issue na lumabas noon. Yung mahimbing siyang natutulog at wala akong ginawa kundi pagnasaan siya, este, pagmasdan siya.
Lumapit ako sa tabi ng kama niya at dun naupo tapos hinawakan ko yung kamay niya at hinimas yung buhok niya.
Ngayon di na ako magdadalawang isip na hawakan at halikan yung kamay, noo, o pisngi niya kasi alam kong AKIN NA SIYA eh.

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...