Chapter 21: AKO PINIPILI MO??

449 1 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )

CHAPTER 21

NICK ALVAREZ

Almost two weeks na simula nung pumayag si Kaith na magpaligaw sa amin ni Mico… ang galing noh, dalawa kaming magpinsan yung tinamaan sa kanya… ang dami na rin nangyari, tulad ng nanalo kami sa cooking competition. Best event sa akin yung araw nay un, dahil nung in-announce na kami yung winner, napayakap sa akin si Kaith unconsciously dahil sa tuwa! Saya noh? Mabait na si Kaith sa akin, di niya na ako sinusungitan, kapag iniinis ko siya, babawian niya ako ng pang-iinis din…  masaya kami ngayon, tuwing break kasi nakakasama na namin sila… si Kaith since di na siya makakapaglaro, bumalik na siya sa klase, marami ngang na-disappoint dahil sa desisyon na iyon pero si Sungit na mismo ang nagpapaliwanag para sa kanila. Grabe, bukas na yung game at hanggang ngayon mukhang di ko pa alam kung sasagutin na ako ni Kaith… may karibal kasi eh!

“Oi! Tulala ka na naman! Masyado ka nang nakatitig sa akin… ganyan ka ba ka-inlove? Baka naman matunaw na ako niyan ah…” natauhan ako sa sinabi niya… sila Marco naman natawa… pambihira! Simula ng magkakasama na kami, ayan, naging ganyan siya katindi!

“Anong nakatitig sayo! Di kaya.” Depensa ko… pero nakatingin nga ako sa kanya… di ko maiwasan eh.

“Pare masyado ka nang nababara ni Kaith ah… papatalo ka na lang ba? Paano na pride mo?” nagtawanan sila… grabe, nakakapikon itong mga ito ah!

“Hoy! Di ako papatalo jan noh! Pasalamat siya at—“ napatigil ako…

“Ano?!” pinandilatan niya ako…

“Wala!” binaling ko na lang yung atensyon ko sa pagkain ko.

“Teka Kaith, sino na ba mas matimbang sa dalawang ito ngayon? Si M o si N?” tama bang itanong yun?

“Hay naku… ewan ko. haha! Bahala na kung sino…” tumawa lang siya… ito na panahon ko para makabawi…

“Ang sabihin mo kung paano mo sasabihin kay Mico na ako gusto mo, sa gwapo kong ito!” nag- ‘Mr Pogi’ pose ako tapos kinindatan ko si Mico na parang sinasabi kong ‘magaling akong dumeskarte, pasensya na’ nangiti lang naman siya tapos napailing.

“KApal mo! Baka nga ikaw super nagagandahan ka na sa akin kaya kung titigan mo ako parang gusto mo na ako angkinin! Haha! Ngayon ngang di ako naggu-groom natutulala ka na sa akin eh, pano pa kaya kung ipakita ko talaga ang tunay kong itsura?!” natawa sila sa sinabi ni Kaith! grabe itong babaeng ito!

“Bakit? Mukhang alien ka siguro kaya di mo mapakita tunay mong itsura noh?” nag-evil smile ako sa kanya…

“Anong alien?! Kung alien ako ano ka pa kaya? Kung alien man ako… I’m the most beautiful alien you have ever seen!” tinaas niya yung isa niyang kilay tapos nag-evil smile rin siya… oo na, sige na talo na ako… kainis!

“Oh, tama na baka magkapikunan pa kayo…” awat sa amin ni Marco… ayun tumigil na kami… after naming kumain, nag-kwentuhan muna… sila Dara nag-kwento sa lovelife niya si Sam naman, kinuwento yung dahilan kung bakit wala pang boyfriend hanggang ngayon.. alam niyo ba sabi?

“Eh paano may magkakagusto sa akin eh lahat ng mga mata ng mga lalaki nasa mukha ni Kaith… naiinggit na nga ako eh!” nagtawanan agad kami sa sinabi niya sa amin tapos nung napatingin ako kay Kaith tiningnan niya ako ng kakaibang tingin na parang sinasabi niyang ‘mukhang alien pala ah’ kaya napangiti na lang ako at ganun na rin siya. Hayaan mo Sam, kapag naging girlfriend ko na itong bestfriend mo wala nang titinging iba dito… di ko hahayaang mangyari yun.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon