Chapter 23: Eh nakailang kiss na kayo?

396 1 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )

CHAPTER 23

KAITH TORREZ:

Naging maganda yung event kahapon… nanalo kasi yung mga kasali sa varsity, halos lahat nagchampion. Sila Marco at Vince, nanalo  yung team na sinalihan nila as 2nd place sa basketball. Tapos si Mico 1st place sa singles ng tennis, at siyempre yung team nila Nick sa soccer nag-champion… Btw, naka-third place pala yung swimming team namin, kaya masaya rin ako at nakakuha kami ng award kahit di naman ako nakapaglaro… at least this year maganda yung naging stand ng SMU dahil overall champion ang school… ang saya nga eh… ngayong year na lang ulit namin nakuha yung place kasi last year nasa second place lang ang school, kaya ang saya saya ng mga admins kasi nanalo ulit ang campus. Ngayon yung awarding, pero yung mga non-players, heto nasa classroom, nakatambay… yung mga players kasi excuse muna ngayong umaga since pagod raw sa game kahapon. Half day lang yung class dahil mamaya na nga yung awarding and kailangan manuod kami.

“Kaith how’s your first day with your BOYFRIEND?” ito talagang si Sam. Talagang inemphasize pa yung word na ‘boyfriend’. Sumenyas ako sa kanya na wag maingay kaya napahawak siya sa bibig niya.

“Oo nga!” hirit pa ni Dara.

“We’re ok.” Sagot ko. lumapit na yung dalawa sa akin para makapag-usap ng maayos. Nasa kanya-kanya kasi kaming desks…

“Tipid naman sumagot nito.” Sabi niya na pinu-push-push yung balikat ko gamit yung hintuturo niya.

“Eh ano ba dapat kong sabihin? Wala naman masyadong BIG event sa amin kahapon eh.” Sagot ko.

“Yung ibig kasing sabihin ni Sam, wala pa bang improvement? I mean nasa next level na ba yung relationship niyo?” huh? Ano raw?

“What do you mean?” sorry, so dumb dumb pagdating sa mga ganung bagay…

“I mean, yung…” pinout-pout niya yung lips niya… what’s the meaning of it? Weird! Ow wait! Kiss??? Tsss… napa-smile ako sa kanya…

“So meron nga?!” tanong naman ni Sam. Tumango ako…

“Waaahhh!” napasigaw sila Dara dahil sa kilig, nakapag-apir pa nga eh. Pero sinabi kong wag maingay kaya napatigil siya…

“Eh nakailang kiss na kayo??” mahina niyang sinabi. Hay, ito talagang mga ito…

“Ahm, can’t remember eh.” Sagot ko naman… unease yung feelings ko… grabe, pinag-uusapan kasi yun eh…

“WHAT? So does it mean ang dami niyong beses ginawa yun?” tanong ni Sam pero pabulong lang naman para kami-kaming nag-uusap lang yung makarinig.

“Why? Is there something wrong? I think that’s normal naman eh.” Sagot ko sa kanya.

“Tama si Kaith, sira!” sabay batok kay Sam ni Dara.

“I mean, sa personality ni Kaith kasi parang…” di mawari ni Sam kung anong dapat na word para sa explanation niya… para tulungan siya, sumagot na ako.

“Parang di ko magagawa yung mga ganun? Ano ka ba! Chicks lang naman yun noh, siyempre keri ko yung mga ganung bagay…” nagulat yung dalawa sa sinabi ko… anong meron? May nasabi ba ako?

“Sira!” sabay batok sa akin nung dalawa! Aba! Sobra itong mga ito ah…

“Aray! Bakit niyo ginawa yun??” sabi ko sa kanila habang naka-pout ako.

“Akala pa naman namin sa lips yung mga kissing scenes niyo!” nakasabungot na mukha ni Dara.

“Oo nga! F na F pa naman naming dalawa ni Dara…” nakasimangot na mukha ni Sam…

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon