Marco Angeles
Hindi magandang ito…. Mukhang gulo yata itong pinasok namin... Yari! Nangako kasi kami kay Kaith na walang Nick na sasama sa outing na ito... Kaya nga sumama si Kaith dahil alam niya hindi pupunta ito eeeh,kaso ito nangyari...
Lumapit ako kay Kaith...
"Kaith... sorry hindi talaga namin alam na pupunta siya..." napatingin sa akin si Kaith.
"It's okay..."Ngumiti lang siya sa akin habang tumatango tapos bumalik ulit siya ng tingin kay Nick...
"Pare, nakainom ka yata eh. Bukas na lang ito oh." Nakita kong lumapit si Vince kay Nick pero pumalag eh.
"PWEDE BA?! UMALIS MUNA KAYO??" Nilapitan niya si Kaith... bigla niya kinuha yung braso niya naikinabigla naman nito
"Nick... le-let me e-explain..." halata kay Kaith yung takot... Natural... ibang Nick itong kaharap niya noh... Hindi niya rin masisisi si Nick... Kasalanan niya kung bakit siya naging ganyan
"Explain?? FIVE YEARS KAITH! FIVE YEARS AKO NAGHIHINTAY KUNG ANONG RASON MO! SIGE IBIBIGAY KO SAYO YANG HINIHILING MO... MAG-USAP TAYO!!" hinila niya si Kaith palayo... pero mukhang nasasaktan siya... biglang lumapit si Mico para pigilan siya
"Nick... Nasasaktan si Kaith ooh... Tama na muna ito. Wag ka muna manggulo ooh." bigla na lang inalis ni Nick yung kamay ni Mico na nakakapit sa brasong pinanghahawak niya kay Kaith.
"Hindi ako nanggugulo... Mag-uusap lang kami ng girlfriend ko ooh... Diba babe? Limang taon kasi kami hindi nagkita... we have something to talk to... We need privacy! PWEDE BA YUN??" pati si Mico hindi na napigilan si Nick... Hinayaan na lang niya makaalis yung dalawa.
Nilapitan ko si Mico...
"Uy! Bakit hindi mo pinigilan??? Naku... mato-trouble tayo niyan eeeh." napatingin lang sa akin si Mico
"Mics! Alam mo namang kinasusuklaman nung taong yun si Kaith diba? Baka kung ano gawin niya dun..." si Sam naman lumapit
"Mico... puntahan natin yung dalawa... hindi natin alam pwede magawa ni Nick..." si Dara naman ngayon...
"Hayaan na lang muna natin sila..." umalis na lang si Mico at nagpunta sa kwarto...
Nick Alvarez
Dinala ko si Kaith malayo sa maraming tao... yung kaming dalawa lang... Yung walang pwedeng mambulabog sa amin... Nakarating kami sa lugar malapit din sa dagat...
"Maupo ka jan!" binitawan ko yung kamay niya at naupo sa isang gilid nung naanod na malaking kahoy...
Galit ako... Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko iparamdam sa kanya kung gaano ako nasaktan at nasasaktan ngayon dahil sa pag-alis niya... Limang taon ko itong tiniis.... Actually kanina pa ako nandun... pinagmamasdan lang sila. Natakot ako nung una... na baka lumambot ako bigla at patawarin na lang siya... kaya uminom na lang muna ako para magkaroon ng lakas ng loob.
"HINDI KA PA RIN MAGSASALITA??"
"S-sorry..."
"SORRY?? KAITH LIMANG TAON AKONG NAGTATANONG AT NAG-IISIP NG DAHILAN KUNG BAKIT MO AKO INIWAN NG GANUN, TAPOS SORRY LANG MARIRINIG KO SAYO? THAT'S BULLSHT YOU KNOW?!"
"I'm so sorry... Nick... I'm so sorry..." wala ba siyang alam sabihin kundi yan?! napasuntok na ako sa kinauupuan namin dahil sa inis
"ANO BA?!! IDADAAN MO NA LANG AKO SA SORRY MO?! HINDI IYAN ANG KAILANGAN KO!!" hinarap ko na siya at hinawakan yung mga balikat niya... mahigpit yung pagkakahawak ko sa kanya...
"Nick nasasaktan ako..." nakita kong tumutulo na yung mga luha niya...
"NASASAKTAN??? NASASAKTAN KA NGAYON?? MAS MASAKIT PA ITONG PINARAMDAM MO SA AKIN KAITH!" tumahimik lang siya... hindi siya nagsasalita kahit alam kong iyak siya ng iyak...

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...