Chapter 46: Babalikan niya ako

212 0 0
                                    

Nick Alvarez:

*1 message received from Sandz*

~nick, hw are u? Pasok k n 2day?

To: Sandz

Better. Yup, pasok ako ngaun.

From: Sandz

Good to hear dat.. C u later n lang ;)

Halos 3 days rin akong hindi pumasok dahil nga sa nangyari sa akin. Tatlong araw rin na di nangamusta si Kaith para i-check kung okay ako. Tatlong araw na di ko man lang nakita yung 'Bebz ko <3' na nag-flash sa screen ng phone ko at mahigit sa isang linggong wala kaming komunikasyong dalawa.

Gusto ko na sumuko sa kanya. Parang nawawalan na ako ng pag-asang magiging okay ulit kami. Halos lahat nagawa ko na... Umiyak at lumuhod na ako sa harapan niya, kaso wala pa rin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para mapatawad niya ako. Kaya ngayong araw, magbabakasakali ulit ako na maging okay kami ulit. Namimiss ko na siya. SOBRA!

Pagdating ko sa school, nasa room na si Miss Lopez at ready na para mag-discuss.

"Sorry I'm late." Sabi ko pagkapasok ko tapos dumeretso na ako sa desk ko. Wala si Kaith. :(

"Mr. Alvarez, buti naman at pumasok ka na. Well, inalagaan ka ba ni Kaith kaya sabay kayong nag-absent? Where is she?" Nanlaki mata ko sa narinig. Nag-absent rin siya?

"Pardon?" Napahinto ako sa tapat ng table niya...

"Oh, akala ko kasi magkasama kayo ni Kaith. Mag-four days na siyang absent." Narealized kong baka ayaw niya akong makita kaya siya umabsent. Baka ganun nga...

Nag-nod na lang ako at pinagpatuloy na ang pagpunta sa desk ko.

"Oooh, it seems na on the rocks ang dalawa. Ahahah!.." Sabi nung isa naming kaklase. Tumingin ako sa nagsalita at tiningnan ko siya ng masama... masaya ba siya? Masaya siya kasi mabilis niya nang mapopormahan yung girlfriend ko? ASA siya! Badtrip!

Nag-start na mag-klase si Miss Lopez... Nakakarami na rin siya na nalelecture nung biglang bumukas yung pintuan ng room.

"Miss! Sorry for being late..." Lahat kami napatingin. Si Kaith... Di ko alam kung bakit pero napangiti ako nung nakita ko siya kahit haggard ang itsura at hinihingal pa sa pagpasok.

"Oh Kaith... What happened? It's been an hour already..." Ibinaba ni Miss Lopez yung chalk na gamit niya sa paglelecture.

"Sorry Miss. I went to the office to excuse myself for being absent these past few days." Nag-nod si Miss sa explanation niya.

"So ano ba'ng reason mo about that?" Lumapit siya kay Miss Lopez at parang nag-usap silang dalawa. Di ko na narinig pinag-uusapan nilang dalawa dahil sa mahinang pag-uusap nila.

"Okay. You may take your seat." Nag-smile si Kaith at naglakad na papunta sa upuan niya. Sinundan ko talaga siya ng tingin, napansin kong Napatingin siya sa akin pero agad niyang iniwas ito nung nakita niyang tinitingnan ko siya.

Di na ako pumasok sa afternoon class namin. Buong hapon lang akong uminom... Hirap na kasi talaga ako... Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hirap na ako sa sitwasyon naming dalawa. Dapat na lang ba ako sumuko? Wala na yata talagang pag-asa eh.

Nandito ako ngayon sa may tapat ng building namin sa High school department hinihintay ko si Kaith. Susubukan ko pa ng isa. Kapag wala na talaga, titigil na ako...

*riiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnngggggg*

Napatayo ako nung narinig ko na yung bell. Alam ko kasing tapos na yung klase... Nakita ko si Kuya Rigs sa may tapat ko at hinihintay si Kaith. Di rin nagtagal nakita ko na si Kaith, kasama sila Sam at Dara.

"Ah, friend, mauna na kami ah... Mukha kasing may pag-uusapan pa yata kayo." Napatingin sa akin yung tatlo habang ako naka-focus lang ang mata kay Kaith.

"Tama si Dara... Kailangan niyo talagang mag-usap. " hinawakan ni Sam yung kamay ni Dara at umalis na.

"Kaith..." Hahawakan ko sana braso niya kaso iniwas niya. Lumapit si Kuya Rigs para kunin yung gamit niya.

"Kausapin mo naman ako oh." Ito na naman mga luha ko... Malapit na namang bumagsak!

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Kuya, sandali lang po ah. Sa kotse po muna kayo." Nag-nod si Kuya Rigs at bumalik na sa sasakyan.

"Galit ka pa rin ba? Ano ba pwede kong gawin para mapatawad mo? Luluhod ako sa harapan mo, magmamakaawa para lang mapatawad mo ako." Paluhod na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Nick, stop it. I already forgiven you. Kaya wag na. Tama na." Bakas sa mga mata niya na nasasaktan rin siya. Kung ganun, bakit ayaw niya pang magkaayos kami??

"Kung napatawad mo na ako, bakit ganito pa rin tayo? Please naman oh. Bumalik ka na... Hirap na hirap na ako eh..." Tuluyan na ngang tumulo luha ko...

Hinawakan niya mga pisngi ko at pinahiran yung mga luha ko... Di ko mapigilan na hindi hawakan yung kamay niya na nasa mukha ko...

"Nick you're drunk. Umuwi ka na muna. Tama na." Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa mukha ko at tumalikod na para umalis... Bigla kong hinawakan ang braso niya para mapigilan ko siya.

*insert thunder sound here*

Napahinto siya at parehas kaming napatingin sa kalangitan... Mukhang uulan pa yata. Pero binalewala ko ito at binaling ko ulit ang tingin sa kanya.

"Kaith di na ba maayos ito ha?" Unti-unti nakaramdan na ako ng tubig na pumapatak sa akin... Tapos bigla na lang ito bumuhos.

"Nick, it's already raining! Umuwi ka na!" Parehas na kaming nababasa ngayon ng ulan.

"Hindi ako aalis dito hangga't di tayo nagkakaayos!" Desperado na ako! Sobrang hirap na talaga ako sa sitwasyon namin! Bahala na!

"Are you nuts? Look Nick, tingnan mo nga sarili mo? Sa tingin mo ba kilala pa kita?" Mataas na boses niya sa akin. Galit na naman siya...

"Kaya naman ako nagkakaganito dahil sayo eh." Hikbi na talaga ako ng hikbi... Nakakahiya man sa iba pero ganito ako eh.

"Exactly my point! Dahil sa akin lahat kaya ayokong bumalik sayo! Ayoko nang may masama pa akong maidulot sayo Nick!" Tinanggal niya yung nakahawak kong kamay sa braso niya at lumayo na sa akin... habang si Kuya Rigs tumatakbo papalapit sa kanya at may dalang payong.

"Ma'am! Sumilong po kayo! Naku, lagot tayo kay Madam Christina nito eh. Yari ako kapag nagkasakit ka na naman!" Medyo malaki na distansya naming dalawa... Malakas buhos ng ulan, basang basa na rin ako, pero di pa rin ako natinag sa kinatatayuan ko... Pinagmamasdan Ko na lang siyang unti-unting lumalayo...

"Better go home. Magkakasakit ka lang niyan sa ginagawa mo eh." Cold niyang sinabi bago siya tuluyang pagbuksan ng pinto ni Kuya.

"Diba sabi ko? Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nagkakaayos?!" Pasigaw kong sinabi dahil nga medyo malayo na siya sa akin.

"Bahala ka!" Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at tuluyan nang umalis.

Maghihintay ako dito... Alam kong di niya ako matitiis. Kung mahal niya talaga ako, babalikan niya ako. Hindi ako susuko hanggat hindi natatapos ang araw na ito...

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon