Chapter 77: The sad truth

69 0 0
                                    

Kaith Torres:

Nagising na lang ako sa isang kwarto. Familiar na room. Tumingin ako sa paligid. Tama nga ako. Nasa hospital na naman ako and I'm wearing an oxygen mask and may dextrose rin na nakakabit sa kamay ko. Ano nga ba ulit ang nangyari? Diba nasa event kami ni Mico? Bakit nandito ako ngayon? Napansin kong bumukas yung pinto... Nakita ko sila Sam, Dara at Mico.

"O my gosh! Kaith, buti gising ka na. Kamusta pakiramdam mo?" Lumapit sa akin si Sam para icheck ako. Nag-nod naman ako para sagutin yung tanong niya.

"Akala namin may mangyayari nang masama sayo. Naku, lagot tayo kay Nick niyan eh. Buti nandito si Mico." Sabi naman ni Dara na umupo sa side ng bed ko. Napatingin ako kay Mico. Ang seryoso ng mukha niya ngayon. Parang anytime pwede siyang sumabog na lang. Panay lang ang bugtong hininga niya.

"Dara, Sam, baka gutom na si Kaith, pabili na lang ng makakain para sa kanya. Ako na lang muna bahala sa kanya." Yan yung sabi niya.

"Okay. Sure ka bang okay ka lang dito?" Tanong ni Dara. Nag-nod naman si Mico.

"Sige, sandali lang kami. Tara na Sam." Pumayag naman si Sam at umalis na silang dalawa. Si Mico huminga muna ng malalim tapos naupo sa side kung san naupo si Dara kanina. Hinawakan niya yung isa kong kamay, yung walang nakakabit na dextrose.

"Why Kaith? Akala ko ba okay na ang lahat? Pero bakit?" Alam ko pinipigilan niya lang yung pag-iyak niya pero nararamdaman ko yung pag-shake ng mga kamay niya. Tinanggal ko yung mask ko para makapagsalita.

"Alam mo na?" Kahit mahina ako nasabi ko pa rin.

"Nakausap ko kanina si Tita Nathalie. Diba sabi mo okay ka na? Pero bakit? Kaith America yung pinuntahan mo diba? Dapat magaling ka na... Diba sabi mo okay ka na? Kelan pa ito??" Di niya na nga napigilan sarili niya, umiiyak na siya ngayon.

"Honestly hindi ko rin alam. Mico, wag ka naman umiyak oh. Nasasaktan ako." Pinahiran niya yung luha niya.

"Hanggang kelan na lang daw ba??" Alam kong nilakasan niya lang loob niya para matanong niya yung tanong na yun. Ako rin, ayokong marinig sana yung tanong na yan dahil ipapaalala lang sa akin na konti na lang yung panahon ko.

"Sabi nila, I'm lucky enough if I can make it within the next three months." Nakayuko kong sinabi. Naramdaman ko yung pagpatak ng luha ni Mico sa kamay ko.

"Si Nick? Alam niya na ba?" Sa tanong niyang yan, tumulo na rin yung luha ko kahit pinipigilan ko. I shook my head.

"Paano siya?? Kaith, he needs to know."

"Masasaktan siya kapag nalaman niya." I dully said

"Mas masasaktan siya kapag hindi mo sinabi."

"Let's not talk about it. Ayoko pagusapan yung ganung bagay." Umiwas na ako. Wala namang patutunguhan ito eh.

"Pero Kaith..."

"Mico. Nakikita mo ba siya ngayon? He's too happy now. Ayoko na masira yun at mapalitan ng lungkot. Ayoko na makita yung mata niyang sobrang lungkot Mico, kaya nga as much as possible kinakaya ko kasi ayokong maging malungkot siya."

"Paano kapag nawala ka? Kaith ikamamatay rin ni Nick yang gusto mo! Pagdating na pagdating niya, sasabihin ko sa kanya ang lahat." Nagulat ako sa sinabi niya, napahawak ako sa kanya ng mahigpit.

"Mico please... no. Wag mo gawin ito oh, please..." Umiling siya

"Kailangan niya malaman ito Kaith. Sige mamili ka, ikaw magsasabi o ako?"

"Mico, don't do this please..." Umiling ulit siya

"If you can't tell him about your condition, I will let him know about this." Kukunin niya na sana yung phone niya pero hinawakan ko yung braso niya para mapigilan siya

"Don't! Please! Oo na, sasabihin ko na. Pero please, pagbalik niya na lang... Pwede ba yun? Give me time to prepare myself please Mico..." Ipinasok niya ulit yung phone niya sa pocket niya at nag-nod. Nakahinga ako ng mLuwag nung napapayag ko siya.

"Promise me you'll tell him ha. Kundi ako magsasabi sa kanya." I just nodded.

Pinunasan niya yung mga luha ko pagkatapos niyang linisan din yung mukha niyang may mga luha din.

"Tama na, makakasama sayo yan... I'm not being harsh on you Kaith. I just don't want na mahirapan kayong dalawa sa sitwasyon niyo. If ever talikuran ka niya kapag sinabi mo sa kanya, nandito ako para sayo kaya wag ka na matakot." Sinabi niya yun habang pinapahiran yung luha ko

"Pero you already have someone to look at to and hindi na ako yun."umiling siya

"She'll understand. Baka nga siya pa magsuggest na puntahan kita eh."

"Thank you Mico ah. You've done so much for me. I don't know how to repay you."

"Just be well Kaith. Mabuhay ka lang. Stay longer kahit hindi na para sa amin, kahit para kay Nick na lang..." Nag-nod na lang ako kahit alam kong suntok sa buwan yun, pero I'm really eager to do that, kaso lang kasi yung puso ko yung unsure kung mangyayari yun.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon