(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )
CHAPTER 25
NICK ALVAREZ
Nag-aalala ako ngayon kay Kaith… parang masama pakiramdam niya eh… pero sabi niya okay naman daw siya… nung nakarating na kami sa room, wala na siyang imik… din a ako pinapansin… as in buong period until sa madismissed na, di niya na ako pinansin… ano kayang nangyari ditto? Baka dahil dun sa nabalitaan niya sa office? Hay ewan ko ba…
“Pakisabi sa driver mo wag ka na sunduin, ako maghahatid sayo.” Lumapit ako sa may desk niya habang siya naman inaayos na yung gamit niya.
“Wag na, nagtext ako sa kanyang sunduin ako ng maaga eh.” Nang natapos na siyang mag-ayos agad na siyang naglakad papalabas ng room kaya hinabol ko siya…
“Sandali… ako na magdadala niyan.” Umiwas siya…
“wag na. I’m fine.” Nagpatuloy na naman siya sa paglalakad…
“Teka nga lang…” pinigilan ko siya kaya napaharap siya sa akin.
“May problema ba? Bakit di mo ako pinapansin?” isa pa yun sa inaalala ko. ako lang kasi di niya pinapansin eh… nakakainis na… okay naman kami bago siya pinatawag ah, tapos ngayon ganito na?!
“Wala. Sige, nandiyan na si Kuya Rigs. Bye.” Cold niyang sinabi… hay… nagpatuloy na siya sa paglalakad.. di ko na siya pinigilan… pero alam kong may problema talaga eh… di kaya… nakita niya yung kanina sa amin ni Sandz?
Flashback
“Ah sige pumasok ka na sa loob, hintayin na lang kita” tumango naman siya at pumasok na sa loob ng office.
Habang hinihintay ko si Kaith, may di ako inaasang makita…
“Sandz!” nung napansin niya yung tawag ko, agad siyang lumapit sa akin.
“Oh, Nick… Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.
“Ah, hinihintay si Kaith… ikaw?” naka-smile kong tinanong.
“Ah, galing akong restroom eh. So you’re here because of her ah.” Nag-smile siya kaya ako sinuklian ko at medyo napayuko ng konti.
“Mukhang may advantage ka na sa panliligaw sa kanya ah.” Oo nga pala, di pala niya alam na kami na…
“Ah, tingin mo ba?” nangingiti kong tinanong
“Yup. It’s seems that you’re happy with her.” hanggang ngayon di nawawala yung smile ko…
“Ahm actually, di ko na nililigawan si KAith eh…” nagulat siya sa narinig niya…
“Huh? Why? Basted like the other guys?” medyo pansin kong pinipigilan niyang ngumiti. Natutuwa ba siya?
“Hindi… Ahm Sandz may aaminin ako since friends na naman tayo…” mukhang natatakot siya sa narinig…
“What is it?” kinakabahan niyang tanong… alam ko may feelings pa rin siya for me dahil di naman ako manhid… di naman talaga medaling kalimutan ang feelings mo sa isang tao eh.
“Just promise me na di mo ipagsasabi kahit na kanino ah.” Tumango sya…
Nag-smile ako at lakas loob kong sinabi sa kanya ang gusto ko sabihin.
“Kaith is already my girlfriend” masaya kong binalita sa kanya. pero mukhang na-shocked sa balitang narinig… di pa yata nag-sisink in…
“Did you hear what I said?” tanong ko sa kanya… natauhan na yata kasi tumango na siya.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Fiksi RemajaSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...