(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! hahah! please forgive me... hehe! )
Nick Alvarez:
"Thanks Kuya Rigs." Si Kaith, nakita ko siya habang pababa ng sasakyan niya at inaalalayan siya ng driver nilang makababa. Sasalubungin ko na sana siya kaso may tumawag sa akin.
"Alvarez!" Si coach.
"Yes coach?" tumakbo siya papalapit sa akin.
"Pakisabi sa mga team mates mo na meron tayong emergency meeting mamayang luch break okay?" sinabi niya habang nakahawak sa balikat ko.
"Bakit po coach? Para saan po?" sinabayan niya akong maglakad.
"Regarding sa game natin. Basta mamaya sa meeting pag-uusapan natin yan." nag-nod na lang ako.
"Okay Alvarez. Mauna na ako." nag-nod ulit ako. pagkatapos niya makaalis agad kong hinanap si Kaith. Nung makita ko siya na naglalakad papasok na sa building namin agad akong tumakbo para makalapit ako sa kanya.
Ilang araw din kasi kaming hindi nakapagkita dahil nga nawalan ng pasok tapos nag-out of town sila kaya wala akong chance makipag-meet sa kanya...
Nang makalapit ako sa kanya agad kong tinakpan yung mga mata niya. napatigil siya sa paglalakad at napahawak sa mga kamay kong nakatakip sa mata niya.
"Nick I know ikaw ito..." nahulaan agad?
"Hi bebs! Bakit nahulaan mo?" humarap ako sa kanya habang nag-papacute sabay kuha ko ng bag niya.
"Tss... luma na gimik mo eh. And besides alam ko na yata yung scent mo eh. kaya obvious ka na ikaw yun." tinaas ko isang kilay ko sa narinig.
"Alam mo amoy ko???" nakakalokong tanong ko sa kanya. Nag-nod naman siya
"So inaamoy mo pala ako?? Bebs ah... di ko alam yun. Pinagnanasaan mo pala ako??" Sabi ko sa kanya. Kaso hampas ang nakuha ko mula sa kanya. Malas noh?
Pagkadating namin sa classroom, inilagay ko muna yung gamit niya sa desk niya. Siya naman binati mga forever friends niya na sina Sam at Dara.
"Naks! Papa Nick! Snob masyado??" Humarap siya kay Kaith "May period na naman boyfriend mo??" nag-shrug lang ng shoulders si Kaith.
"Binati niyo ba ako??" cold kong sinabi sa kanila.
"Wow ah! Pagpasok niyong dalawa sinalubong ko kayo ng greetings noh! Suplado nito..." sabay irap ni Sam sa akin
"Gnun ba? Sorry... di ko napansin nandiyan ka pala. liit mo eh." Sabay tawa habang lumalapit kay Kaith para maakbayan.
Sinikuhan naman ako ni Kaith sa tagiliran. Napa-aray tuloy ako.
Di naman nagtagal at dumating na si Ms. Lopez... at as usual simula na ng naaapaaakkaaa booorrriinnggg na lectures!
(FAST FORWARD)
Break na sa wakas!!!! Kaso di ako makakasabay sa barkadang kumain. may meeting daw eh.
"Nick..." "Bebs" Sabay naming nasabi ni Kaith.
"Kaw na mauna. Ano yun?" siyempre gentleman ako eh. Ladies' first dapat.
Hinawakan niya yung kamay ko.
"Di ako sasabay sa break..."
"Okay lang. Ako rin hindi makakasabay sa barkada eh. Magmi-meet kami nila coach." di na ako nagtanong kung bakit di siya makakasabay. ako rin naman eh. Nag-nod lang naman siya.

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...