Chapter 54: All about the Game

168 0 0
                                    

Kaith Torres:

 Two weeks na rin ang nakakaraan nung sinorpresa ko si Nick para sa birthday niya. Naging masaya naman lahat... Nagkaroon kasi si Nick ng small party nung gabi. Kumpleto rin yung barkada saka ilang kasama niya sa soccer team.

Ngayon medyo bihira kami magsama ni Nick. Busy kasi parehas eh. Lalo na siya, malapit na yung game nila na gaganapin this week. Ako naman busy sa council para sa mga activities...

Aminado naman akong miss ko na rin yung mokong na yun... Well, regular yung pagsend niya ng messages like "Good morning sa pinaka-sweet kong girlfriend..." "Miss na kita" "Kain na ng breakfast bebs ko" "Good night mahal ko" and so on... lagi naman niya akong napapasaya at napapakilig sa mga messages niya kaso iba yung nagkikita kayo at nagkakasama talaga kayo diba??

"Oi Kaith!" natauhan ako kay Vince at Sam na kanina pa pala nasa tapat ng desk ko at pinagti-tripan yung pagsesenti ko dito.

"Ay nako friend, iba na yan aaah. Baka naman mabaliw ka niyan kakaisip sa kung sino man ang iniisip mo..." nag-smirk si Sam. Baliw na sila.

"Sino naman iisipin ko??" ako na in-denial

"Wooh! Hay nako, obvious na yang kinikilos mo kaya wag mo na i-deny." si Vince nasa tabi niya lang na ngingiti-ngiti...

"Halata ba Sam?" nahihiya kong tanong

"Shunga nito! Oo kaya! Hay buti pa bisitahin mo dun sa field at mag-ala-PA ka sa boyfriend mo kesa naman nagpapakalunod ka dahil miss mo lang yung tao!" ewan ko ba kay Sam... di ko alam kung pinapagalitan niya ba ako or ano eeh.

"Pwede ba?" sabi ko habang napapakamot sa ulo

"Pwede naman. Dapat dati mo pa ginagawa yan eh. Kapag nakita ka nun siguradong gaganahan yun maglaro." sumali na si Mico sa usapan namin.

"Go na girl. Wala namang lecture ngayon kasi may faculty meeting yung mga teachers natin" sabat naman ni Dara

"Bilhan mo na rin ng pagkain at inumin ang mokong baka madehydrate bigla sa pagpunta mo!" sabi naman ni Marco sabay tawa.

Hay, di ko alam na pwede pala yun. Akala ko kasi yung parang katulad sa amin sa guild... yung bawal visitors or nonmembers na pumunta or sumilip man lang... kung alam ko lang sana edi hindi na ako nagpapaka-shunga sa kakaisip sa kanya...

"Okay sige punta na ako. Salamat! Text niyo na lang ako if ever may klase or kung ipinapatawag ako." nakangiti kong sinabiinala ko na yung bag ko at nagmadali na pumunta dun kung saan nagpa-practice

Namili muna ako ng pagkain at inumin gaya ng suggestion ni Marco. Baka nga pagod na yun... hehe!

Pagdating ko sa field nakita ko sila na naglalaro pa... kaya naupo muna ako sa may harapan na bleacher para manuod muna at hintayin silang matapos.

Nung nakita ko si Nick habang ipinapasa sa kanya yung bola, parang nabuhay yung sistema ko tapos biglang sumigla.

Ewan, ang weird ng sinasabi ko kasi hindi naman kasi talaga ako ganito dati, pero simula nung naging kami, ang dami niyang binago sa akin... well, siguro nga mahal na mahal ko nga talaga siya at di ko kayang mawala siya.

<insert whistle sound here>

=============================================================================

Nick Alvarez:

"Nick, si Kaith ba yun?" sabi sa akin ni Aaron, ka-teammate ko habang nasa kalagitnaan kami ng practice game... tiningnan ko naman yung lugar kung san niya tinuro. Nagulat ako... si Kaith nga yun, nakaupo sa bleacher at pinapanuod kami. Agad ako sumenyas ng "T" para makapag-timeout sandali.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon