Chapter 43: I hurt her.

238 1 0
                                    

Mico Gomez:

Pabalik na ako sa room ng may narinig akong umiiyak sa Ladies' CR kaya napahinto ako.

"Pre, bakit?" Tanong sa akin ni Vince.

"Brod, una na kayo. May nakalimutan lang." tinapik ko sila kaya tumango naman yung dalawa.

Sumilip ako sa may pintuan, di ko naman maaninag kung sino.

"Miss??" tawag ko. Agad naman tumigil sa pag-iyak yung babae.

Papasok na kaya ako?? Eh pambabae lang ito eh... ano ba, papasok ba ako???

Wala na akong nagawa, pumasok na ako sa loob. Bahala na kung ano sabihin ng mga taong nakakita sa akin, gusto ko lang tingnan yung babaeng umiiyak eh.

Pagpasok ko nakita ko si Kaith, nasa may sink, binabasa yung mukha, parang naghihilamos ganun. Napatingin siya sa akin tapos ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin. Napakamot naman ako sa ulo.

"Ah... Eh... Ano... Kasi may nari- ah wala, haha!" dahil alam kong namumula ako sa hiya, di ko masabi yung totoong rason ko kung bakit nandun ako.

"Ah ganun ba?" tumango lang siya tapos bumalik sa ginagawa niya kanina.

"May problema ba Yan?" tanong ko sa kanya. Kilala ko siya eh, Alam ko kung may dinaramdam siya o wala.

"Pano mo naman nasabi?" pinunasan niya yung mukha niyang basang-basa ng tubig.

"Namumugto kaya yang mga mata mo. Ano dahilan? I mean, sino ang dahilan??" nanlaki mata niya sa sinabi ko.

"W-wala..." Nauutal niya pang sinabi.

"Sus! Tara dun tayo mag-usap." hinawakan ko kamay niya at dinala siya sa room na wala pang mga estudyante at dun naupo para makapag-usap.

"Wala naman tayong pag-uusapan eh." napayuko lang siya sa sinabi. haaay, di pa rin talaga siya nagbabago. Alam na alam mo pa rin kung nagsisinungaling.

"Maglilihim ka pa ba sa akin?? Alam kong meron. Kilala kita." nilingon ko siya at hinawakan kamay niya na nakapatong sa armchair.

"Umamin ka nga, may problema kayo ni insan?" tanong ko. kanina ko pa kasi napansin yung di nila, i mean NIYA pagpansin kay Nick eh.

Napahinga siya ng malalim tapos tumingin sa akin.

"Mico, do you think Nick will cheat?" napataas kilay ko sa sinabi niya.

"Huh?? Di ko gets." 

"Do you really know your cousin well?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Bakit, ano ba problema?" 

"Mico kasi... I don't know him that well. Di ko alam kung seryoso siya or hindi sa akin eh. Di ko alam kung mahal niya ba talaga ako. Ewan ko." napailing ako sa mga narinig ko.

"Bakit mo naman nasasabi mga yan?" napahinga siya ng malalim.

"Somebody gave me pictures of him kissing another girl. Ewan ko ba. ayoko maniwala, kasi pinanghahawakan ko yung sinasabi niyang mahal niya ako. Kaso parang ayaw tanggapin ng sistema ko eh." inakbayan ko siya at hinimas ko yung shoulder niya.

"Alam mo Kaith, si Nick, minsan lang siya magseryoso sa babae. Kapag sinabi niya mahal ka niya, mahal ka niya at totoo yun. I don't think he can do that. Witness ako kung gaano ka niya kamahal. And I don't think he'll do the same thing as his ex did." napatingin si Kaith sa akin.

"Alam ko namang he'll never do that intentionally. Naiintindihan ko yun. kaso lang, ang di ko maintindihan ay yung pagsisinungaling niya. Kung mahal niya ako, dapat sinabi niya sa akin yung tungkol dun. Sana inexplain niya ng mas maaga. Sana di siya nagsinungaling." nakita kong pumapatak na yung mga luha niya sa mga mata niya.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon