Kaith Torres:
"Ma'am Kaith... okay lang po ba kayo??" tanong sa akin ni Kuya Rigs na nakatingin sa rare view ng sasakyan...
"Opo..." mahina kong sinagot sa kanya...
Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil yung pagtulo ng luha ko. Masyado akong nasaktan ni Nick... Nasaktan sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganun siya... hindi ko talaga maintindihan.
"Ma'am Kaith... tahan na po. baka magalit si Madam Christina kung uuwi kayong ganyan..."
"Kuya... bakit niya ba ako sinasaktan ng ganito?" lalong tumulo yung luha ko sa sinabi kong yun
"Siguro may dahilan siya kung bakit niya nagawa yun... baka kung hindi niya gagawin yun, may mas makakasakit pa sayo o kaya baka lang---" pinutol ko sasabihin niya
"Baka hindi niya talaga ako mahal??" hindi nakapagsalita agad si Kuya Rigs...kaya lalo akong napaiyak.
"Kuya... wag po muna tayo umuwi. idaan niyo po muna ako sa park. gusto ko po mapag-isa" sinunod naman niya yung gusto ko. Idinaan niya ako sa park.
<<<<< Insert song here... NOW PLAYING: TILL THE END by SIX PART INVENTION>>>>>>
Dito ko nakaupo sa dating inupuan namin ni Nick bago pa man mangyari lahat ng ito...
Habang naalala ko mga napag-usapan namin nung mga panahong iyon, hindi ko mapigilang umiyak...
Bakit ba tayo humantong sa ganito Nick? Ano bang nangyari? Anong nangyari sa atin?
Umiyak lang ako ng umiyak... hindi ko nga alam kung bakit may nailuluha pa mga mata ko... kahit anong iyak ko hindi mawala yung sakit na nararamdaman ko...
"Kaith..." napatingin ako sa tumawag sa akin...
Lalo akong naluha sa nakita ko... wala akong ibang ginawa kundi yakapin lang siya at iyakan lang siya ng iyakan...
"Bakit ang sakit?? Bakit ganito?? Hindi ko na maintindihan..." yan lang tanging nasasabi ko...
"Lilipas rin yan... mare-realize niya someday na mali siya. Tama na. Makakasama sayo yan eh..." hinimas niya lang likod ko habang nakayakap ako sa kanya
"Sana hindi na lang ako nakarecover... sana hindi na lang ako nagising from that attack...sana namatay na lang ako para hindi ko nararamdaman yung sakit na ito!"
"Shhh... don't say that... paano kaming mga taong iiwan mo? Sila Sam, Dara, yung mga taong humahanga sayo, ibang mga kaibigan mo, yung guild? Yung Tita Chiqui at Dad mo? Paano sila kapag nawala ka? Masakit para sa amin yun.. kaya wag mo sabihin yan. Wag ka papatalo dahil nasasaktan ka ngayon. MAtatapos rin yan"
Tama siya... maraming taong nasa paligid ko...dapat lakasan ko loob ko. Kahit masakit kayanin ko. Kahit para sa kanila na lang... Kahit hindi na para kay Nick.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan yung mga luha ko... huminga ako ng malalim at nginitian siya...
"Mico, salamat ha. Thank you for being there always. Malaki na utang ko sayo... I don't know how will I repay you" ngumiti siya sa akin at pinunasan pa yung natitirang luha sa pisngi ko
"Just be strong... okay na sa akin yun. Wag mo na lang isipin si Nick. Hindi na dapat pa pinagaaksayahan ng oras yung mga taong tulad niya." nag-nod ako
"Mico...paano kung ikaw na lang minahal ko? Masasaktan kaya ako ng ganito?" isinandal ko ulo ko sa balikat niya
"Hindi ko alam... ayoko mag-assume na magiging masaya ka sa piling ko pero gagawin ko lahat para mangyari yun..." nagi-guilty ako. Parang sa tingin ko I made a wrong choice... Choosing Nick over him.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...