Nick Alvarez:
Nagising ako na medyo masakit ang ulo at katawan... Feeling ko parang nabugbog na naman ako... Umupo ako sa kamay habang nakasandal sa dashboard nito. Teka... Di ko kwarto ito ah... Nasaan ako?
Napatingin ako sa pinto nung napansin ko bumubukas ito... wag niyong sabihin na na-set up na naman ako at may kakalat na namang mga pictures... Di pa nga kami nagkakaayos ni Kaith may bago na naman...
Nung nakita ko yung taong pumasok sa kwarto na may dalang tray... Agad kong pinunasan mga mata ko baka kasi namamalik-mata lang ako...
"Gising ka na pala..."lumapit siya tapos nilagay niya yung dalang tray sa may side table.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin habang paupo sa kama sa may left side tapos hinawakan niya yung noo ko. Gulat pa rin ako sa mga pangyayari... Di pa rin ako makagalaw.
"Medyo mainit ka pa... Ahm, sige pahinga ka na muna. May soup akong dinala dito, gusto mo ba kumain?" Tanong niya sa akin...
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Bakit di ka nagsasalita jan?" Nananaginip lang ba ako?
"Kaith?... " mahina kong sinabi... Nag-slight smile siya sa akin.
"Bakit? Gutom ka yata, kumain ka muna... Susubuan kita..." Kinuha niya yung soup bowl na nasa tray at sinimulan na akong pakainin
"Hindi ka na galit sa akin?" Tanong ko
"Galit pa..." Tapos ngumiti siya habang nakatingin sa soup na hinahalo niya.
Tumingin ulit siya sa akin pero this time masama na tingin niya...
"Galit pa rin ako dahil sa ginawa mo kahapon! Paano kung hindi ako pumunta dun? Paano ka? Naiinis ako sa kabaliwan mo alam mo ba yun?!" Napangiti ako habang sinesermunan niya ako.
"Dumating ka naman eh... Alam ko namang babalikan mo ako kaya ginawa ko yun eh." Tapos hinampas niya ako...
"Buwisit!" Tumawa lang ako kahit masakit pagkakapalo niya sa akin. Na-miss ko ito!
*knock knock*
"Kaitherine... Magready ka na, naghihintay na si Rigs sa ibaba baka ma-late ka sa class mo." Napatingin kaming parehas sa Tita niya...
"Ah sige po... Pakisabi po kay Kuya wait lang po" nag-nod yung tita niya at lumabas na.
"Ahm, sige ubusin mo na muna itong soup para makaalis na ako." Sinunod sunod niya pagpapakain sa akin... Hay naku!
"Bebz, easy lang... Mabibilaukan ako eh..." Sabi ko habang nginunguya yung mga pinakain sa akin...
"Sorry..." Sabay punas sa gilid ng mga labi ko....
"Okay na ba tayo?" Seryosong tanong ko sa kanya with eye to eye look pero di siya nakipag-sabayan... Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Ano nga?" Ang tagal niya sumagot....
Ngumiti siya bago sinagot tanong ko "Sa tingin mo ba, nandito ka at inaalagaan kita kung hindi pa?" Napangiti ako sa narinig... Kung negative ang sasabihin niya, baka sumuko na ako...
"Oh sige na. Papasok na ako. Dito ka muna para makapag-pahinga ka. Medyo mainit ka pa eh. If you need something or kung gutom ka nandito sila Manang Ising... Okay?" Nag-nod ako. Tumayo na siya sa pagkaka-upo sa tabi ko...
"Ahm Kapag may masakit sa'yo or what, tawagin mo lang mga maids ah... Or better call me. Understand?" Nag-nod ulit ako tapos hinimas niya ako sa ulo na parang aso...
"Okay good. I have to go." Nag-smile siya tapos paalis na kaso hinawakan ko braso niya.
"Why? May kailangan ka?" Nag-nod ako. Lumapit siya sa akin, muling naupo sa may tabi ko.
"Ano?" Sabi niya tapos hinawakan niya kamay ko...
"Ito..." Hinawakan ko waist niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Ito yung pinaka-gusto kong gawin sa kanya eh... Namiss ko ito sobra!
"Matagal ko na gustong gawin ito eh... Kaso di ko magawa kasi di tayo okay." Sabi ko sa kanya. Binalik niya rin yung pagkakayakap ko... Niyakap niya rin ako.
"You're free to do this to me anytime you wanted... Just promise me not to do those silly things again ah..." Mabilis akong tumango... Kumalas ako sa pagkakayakap namin
"Promise... I.WILL.NEVER.DO.THAT.AGAIN." Sabi ko habang nakataas yung kanang kamay ko.
"Okay good. Sige na, aalis na talaga ako. Get well ah... Pagbalik ko dapat magaling ka na."
Nag-nod ako tapos nag-salute. "Yes madam! Magaling yata nurse ko." Nag-smile lang siya sa akin tapos lumabas na ng kwarto...
Kahit may sakit pa ako, parang pakiramdam ko okay na okay na ako dahil sa nangyari. Okay rin palang naisipan kong gawin yun, at least okay na kami ng girlfriend ko.
Kinuha ko cellphone ko at nagtext sa kanya.
To Bebz ko <3
Take care. I love you :*
Di naman nagtagal nagreply din siya.
From Bebz ko <3
I will... You should rest na. See you soon. :*
After more than a week, ngayon lang ulit nag-flash sa screen ko yung name niya...
Okay na talaga kami ulit! :)

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Ficțiune adolescențiSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...